Kabanata 27: The another triplet's

344 16 0
                                    

Nicole POV

Nangako ako sa sarili ko na hindi iiyak, hindi ako iiyak dahil umalis sina mommy pero kahit anong pigil ko pilit pa ring gustong lumabas ng aking mga luha. Nakita ko si Chloe at Zoe na malungkot at hindi umiiyak. Kaya ang sabi ko magiging tulad nila ako, matatag.

Nasa sasakyan na kami pauwe ng bahay. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Walang nagtatangkang magsalita at walang nangangahas na umiyak. Pero sadyang hindi ko na mapigilan pa ang luha ko maging ang sipon ko kaya napasinghot ako ng hindi ko naman gusto.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahihinang hikbi mula sa dalawang katabi ko. Hindi ko na rin napigilan pa kaya umiyak na ako. Nakisabay ako sa pag iyak nila. Hindi umiimik ang driver nakatingin lang sya sa aming tatlo na madungis na kakaiyak. Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ng mga yaya namin. Kinuha ang mga gamit namin at dinala sa kwarto. Wala pa ring umiimik sa aming tatlo. Para kaming mga buhay na robot. Ganun kami hanggang sa makatulog. Hindi lang kami sanay.

Kinabukasan maaga kaming gumising dahil may school na naman. Nakita ako ni Tyron kaya lumapit sya.

"Kumusta? bakit parang maga ata ang mga mata mo?" tanong nya.

"Ayos lang naman, ah.. kasi umalis sina mommy at daddy, may seminar si daddy sumama si mommy sa trip." sagot ko.

"Ah ganun? hindi ka dapat umiyak. Babalik naman sila." alo nito sa akin.

"Oo, alam ko yun.. hindi lang talaga ako o kami sanay." paliwanag ko.

"Asan ang mga kapatid mo?" hanap niya sa dalawa.

"May inasikaso lang, hindi naman habang panahon magkakasama kami." sagot kong wala sa sarili. Totoo naman yun baka iwan lang din nila ako.

"Paano mo naman nasabi 'yon?" takang tanong nya.

"Syempre.. tatanda kami.. mag co-college at magkakaiba ng courses, diba?" tanong ko pa.

"Sabagay.. kami nga ng mga kapatid ko magkakahiwalay rin," kwento nya.

"Ibig mo bang sabihin may mga kapatid kapa bukod sa kakambal mo?" interesado kong tanong.

"Oo..actually tatlo rin kami." sagot nya. Nagulat ako sa sinabi nya. Nagkataon lang ba na nakilala ko sya? na pagtagpuin kami? Iba 'yong kaso nila, siguro magkakamukha sila tapos kami hindi.

"Talaga?" excited kong tanong.

"Oo, pero hindi alam dito sa school, magkakaiba kami ng school alam muna, bawal." sagot pa nya. Naging interesado ako sa kanila. Gusto kong makita sa personal kung magkakamukha ba talaga silang tatlo.

"May picture ka?" tanong ko.

"Oo, teka lang.." wika nya. Kinuha nya ang lumang wallet nya at ini-abot sa akin ang larawan nilang tatlo. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita. Pakiramdam ko nga muling nahulog sa lupa ang mga eyeballs ko. Tatlo nga sila at may iisang mukha.

"Di mo ako niloloko? totoo 'to?" tanong ko pa. Tumawa sya ng bahagya.

"Bakit naman kita lolokohin o bibiruin, ay kaibigan kita." balik tanong nya.

"Sa weekend meet namin kayo?" hamon ko. Pag hindi sya pumayag meaning ginu-gudtaym nya lang ako.

"Naku.. hindi pwede may trabaho kami at kaylangan naming magtrabaho." paliwanag nya.

"Talaga? sayang naman." wika ko.

"Marami pa namang next time," masayang wika nya. Bago pa ako makasagot ay nag bell na kaya dina ako nakapagsalita pa. Tulad ng sinabi nya marami pa namang nextaym.

Pumasok ako ng room at naabutan doon ang dalawa na parang mga biyernes santo ang mukha.

"Bakit?" inosenteng tanong ko.

"We saw them," na ang pinapatungkulan ay ang mga ex's nila.

"Move on is the best thing to do, wag na kayong umasa pa," payo ko sa kanila as if naman naka move-on talaga ako. Haha. Nabaling yung atensyon ko kay Tyron kaya siguro diko laging naiisip si Zander. Dumating si sir english kaya nanahimik na kami. Sana ma-meet talaga namin yung mga kapatid ni Tyron.

"Oo, triplets din sila, nakita ko ang picture nila." kwenento ko sa kanila yung about kila Tyron.

"Weh? ano daw mga pangalan nila?" tanong ni Zoe.

"Hindi ko na itanong, nag bell na kasi, hayaan mo bukas itatanong ko, bakit? i reresearch mo?" tanong ko.

"Di naman.. naninigurado lang, baka ginugudtaym lang tayo ng lalaking yun." sabi pa nya.

"Hindi naman, sabi ko nga baka pinagluluko nya lang ako, sabi nya bakit daw nya gagawin yun e friends daw kami." pagtatanggol ko pa.

"Friends nga ba kayo? Invite mo sila dito sa bahay, sa weekend. Ayos lang namang may bisita tayo e." singit ni Chloe.

"Ginawa ko na 'yan, pero tumanggi sya, may trabaho raw kasi sila pag weekend." kwento ko pa.

"Ganun? imposible naman, wala pang tatanggap sa kanila. See? Baka nang gugudtaym lang 'yan." muling pagdududa ni Zoe.

"Naniniwala ako sa kanya, kasi look at his uniform ang luma na, salat talaga sila sa buhay." sagot ko pa.

"Ganto nalang, tayo nalang ang pumunta sa bahay nila, para ma-meet natin yung nanay nila, ano deal?" muling sabat ni Chloe. Tama ganun nalang ang gagawin namin para malaman namin ang totoo. Pero paano namin malalaman yun?

"Sa friday na hapon nalang, saka sasabihin ko pa sa kanya." sagot ko.

"Okay deal ako diyan, pero anong dadalhin natin? baka nga hindi sila mayaman." simpatya ni Zoe.

"Ade mag share your blessings tayo' di ba may pera naman tayo? mag grocery tayo ng tig 1k para kung sakali malaking tulong yun sa kanila, ano deal?" tanong ko.

"Okay, DEAL!!" duet nilang dalawa. Nahiga na kami at natulog. Dalawang araw nalang malalaman na namin ang katotohanan sa likod ng sinasabi ni Tyron na triplets din sila.

Naniniwala naman ako sa kanya, ewan ko ba. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, gusto ko na ata sya higit ng pagkagusto ko noon kay Zander. Baka naman attached lang ako sa kanya kasi wala kaming kapatid na lalaki? Or baka gusto ko lang ng kaibigan at masasandalan? Haay.. Ewan ko ba. Bahala na si Darna..

See you Tommorrow Tyron, bulong ko.

(Ninay_Note: Sahreeh! Maiksi ang UD ko. xD. Happy reading and say hello to me.)

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now