Kabanata 9: Ouch, Nicole

562 19 0
                                    

Muli akong nakatulog at pag gising ko ay gabi na dahil nakita kong madilim na sa labas ng bintana na nakahawi ang kurtina. Wala akong mommy, daddy, Chloe at Zoe na nakita dahil si Zander pa din ang kasama ko sa kwarto. Baka naman nasa byahe pa sila o di kaya ay dumating at umuwe na rin habang tulog ako.

"Z-zander?" tawag ko rito.

"Oh' kumusta ang tulog mo? may gusto ka bang kainin?" tanong nya sa akin. Actually gutom na ako yun nga lang wala akong ganang kumain.

"Nag-nagpunta naba dito sila mommy?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, pero tumawag sila, masaya sila na nagising kana, bukas nalang daw sila pupunta dito." pagbabalita nya. Para akong tinusok sa puso ng milyon-milyong karayom dahil sa hindi sila pupunta. Bigla nalang akong pumalahaw ng iyak dahil sa sobrang disappointed.

"Hey, hey.. bakit ka umiiyak? nandito naman ako para samahan ka." alo pa nya. Pero sa halip na tumigil ay lalo pa ako napaiyak, ang taong hindi ko kaanu-ano ang sya pang may malasakit sa akin. Lumapit sya sa akin at saka pinunasan ang mga luha ko saka muli akong niyakap.

"Tahan na.. alam mo bang nasasaktan ako ng sobra pagnakikita kitang umiiyak? Kaya tahan na ok?" patuloy nyang pag-alo. Tumango ako at pinigilan ang mga luha na maglandas muli dahil ayaw ko syang masaktan. Sa gantong ayos kami nadatnan ng doctor.

"Ahh.. N-nicole, aalisin ko na yung benda.. sabihin mo sa akin kung nanlalabo, masakit at kahit anong nararamdaman mo ha?" wika nito. Tumango ako. Nasa tabi ko lang si Zander habang tinatanggal ito. Noong una puro puti lang ang nakikita ko at ng nagtagal luminaw na rin ito yun nga lang may kaunting kirot.

"Ano masakit ba?" tanong ni Doc. Umiling ako, ilang saglit pa ay umalis na rin ang doctor at naiwan kaming dalawa. Pasado 9pm na ng mapatingin ako sa relo nya.

"Gabi na pala." sambit ko.

"Oo, kaya kumain na tayo, tama na yang iyak mo para gumaling kana at ng makabalik na tayo ng school." Tumango akong muli. Kumain kami ng fried chicken na ipinadeliver daw nya, asikasong asikaso pa ako dahil sa hindi ko maigalaw ng ayos ang kanang braso ko. Matapos kumain ay nagkwentuhan pa kami. Masaya syang kausap lalo na ngayon na kami lang talagang dalawa.

"Hindi kaba talaga hinahanap ng magulang mo?" tanong ko pa.

"Hinahanap syempre, di joke lang, pupunta sila ngayon dito kasi dadalhan ako ng damit." aniya.

"Huh? pupunta sila dito? gabi na." sambit ko. Nakakahiya sa kanila.

"Ok lang yun, late na rin kasi silang umuuwe sa bahay dahil sa work, saka only child nila ako kaya ganun ganun nalang nila ako e spoiled." pagmamalaki pa nito. Nakakainggit, mahal na mahal sya ng magulang nya unlike sa akin. Biglang naging malungkot ang aura ko.

"Hey, wag mo ng tangkain pang umiyak. Mahal ka ng magulang mo, o kung gusto mo share nalang tayo sa parents ko, hati tayo sa pagmamahal nila maging sa atensyon nila, ano deal?" alok nya.

Gusto kong matawa sa mga sinabi nya, napakabuti nya. Nalaman ko kung gaano sya kasarap kausap at kung gaano sya kaalaga. Maging sa banyo kasi sinasamahan nya ako. No choice! wala ang pamilya ko para sila ang gumawa nun. Ilang saglit pa nakarinig kami ng katok sa pintuan at bumukas ito. Nabuhayan ako ng loob umaasa pa rin kasi ako na baka sila mommy yun. Napaayos ako ng upo ng pumasok ang isang babae at lalaki na hindi pamilyar sa akin ang mga mukha.

"Mommy, Dad! thank you sa pag punta ha?" salubong nito sa mga ito. Sila pala ang parents nya.

"Of course, matitiis ba namin ang kaisa isang unico hijo ng pamilya?" saad ng nanay nya.

"Son, here's your things." abot ng lalaki sa kanya.

"Thank you so much dad." nag group hug pa sila. Nakakainggit! gusto ko sanang magbiro at sumali sa kanila at sabihin na:

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now