Kabanata 61: Why's

390 14 0
                                    

Chloe POV

Pinagmamasdan ko ang masukal na daanan patungo sa kanyang tahanan. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakaya ko silang iwan. Si Mommy at Daddy na nag-alaga sa akin sa loob ng labing-anim na taon, nagawa ko silang iwan nang dahil sa aking konsensiya. Hindi ko rin naman masisisi ang aking sarili, kung gustuhin kong makilala ang mga taong nagbigay sa akin ng buhay.

Tiningnan ko ang babae na nasa aking tabi, lulan kami ng isang sasakyang CRV. May sarili siyang driver, naisip ko kung ano ang naging buhay niya magmula noong iwan niya ako sa pangangalaga nila Daddy. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa labas ng sasakyan, iniisip ko si Zoe kung ano na ang nangyari sa kanya pag-alis ko.

Huwag naman sana siyang magalit sa akin, lalo na kay Nicole.

Alam kong ang nais lang ni Nicole ay ang makilala ang totoo niyang pamilya. Si Nicole na wala namang ginawa kundi ang mahalin kami, ang mahalin kaming hindi naman niya kaano-ano. Hindi mawawala sa akin ang pag-aalala pa rin kay Zoe, si Zoe na sobrang nasasaktan kaninang iniwan ko siya, si Zoe na walang ibang ginawa kundi ang alalahanin kaming dalawa ni Nicole, si Zoe na kayang gawin ang lahat para sa amin, at si Zoe na sobrang mahihirapan kapag hindi niya kami kasama. Agad kong pinigilan ang nagbabadyang mga luha, hindi ako pwedeng umiyak sa harapan ng maraming tao.

"We are here.." masayang bigkas ng babae nang pumasok kami sa kulay berdeng gate.

Hindi na ako namangha nang aking makita ang kanilang tahanan, malaki ito at alam kong magarbo rin ang loob nito. Dito pala sila nakatira tapos nakaya nilang iwan sa pangangalaga nang iba ang kanilang anak.

"H-Halika na Chloe," masaya nitong tawag sa akin.

Umibis ako ng sasakyan at sumalubong sa akin ang humahalimuyak na mga bulaklak. Pareho pala kami ng taste, mahilig sa mga halaman. Sumunod ako sa kanya nang maglakad siya papasok ng tahanan. Nadaanan namin ang tila ba paraisong paligid kung saan nakatanim ang mamahaling mga bulaklak, may iba't-iba itong kulay na siyang lalong nagpatingkad sa kanilang ganda. Hindi ko maiwasang humanga sa mga ito lalo na nang aking makita ang kulay puting paru-paro na inaamoy-amoy ang mga ito. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa nakikita, para bang saglit kong nakalimutan ang aking mga suliranin.

"H-Hindi ka pa rin talaga nagbabagong bata ka," bulalas nito kaya natigilan ako sa gagawin sanang pag-amoy sa mga bulaklak.

Umayos ako ng tayo at hindi na muling nilingon ang mga bulaklak. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang walang nakuhang sagot sa akin, sa kabila ng papuri niya. May pinindot siyang kung anong gadget sa may gilid ng pintuan, hindi nagtagal at bumukas na ang malapad na dahon ng pintuan. Bumungad sa amin ang medyo may edad ng babae.

"Good day po Madame Josephine, Lady Cor----"

"She is now Chloe aling Matilda," agaw nito sa sasabihin niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Ah, ang ibig ko pong s-sabihin Lady Chloe," tugon nito. Napatungo pa ako ng banggitin niya ang pangalan ko ng may pag galang.

Nilampasan siya ng babae at nananatili akong nakasunod lang sa kanya. Tumuloy siya sa kusina at uminom ng juice, inabutan niya ako ng isang baso at dahil nauuhaw na ako ay agad ko itong ininom.

"T-Thank's," mahina kong bulong.

"Your welcome 'nak," anitong feeling tinanggap ko na siya.

Muli siyang humakbang at muli akong sumunod sa kanya. Huminto siya sa isang silid na gulay puti ang pintuan. Nahulaan ko na agad na ito ang aking magiging kwarto.

"I-Ito ang magiging kwarto mo 'nak, magpahinga ka muna at ipapatawag nalang k-kita kapag kakain na," anito.

Bago pa ako muling makapagsalita ay iniwan niya na akong nakatanga doon. Wala akong mahagilap na mga salita, akala ko ba kaya niya ako kinuha upang ipaliwanag sa akin ang mga nangyari at hindi iburo dito ng nag-iisa. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang malaking kurtina na nakatakip dito, tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan ko ang magandang landscape ng garden sa ibaba. Masasabi kong namana ko ito sa kanya, kaunti. Hindi naging maganda sa akin ang kwartong kinaroroonan dahil alam kong 'yong kwarto naming tatlo ang aking nais na makita. Binulabog ako sa pagmumuni-muni nang may kumatok sa pintuan.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now