Kabanata 21: Bell Kiddo

348 15 0
                                    

Third Person POV

Nakilala na nga ng Buenavista triplets ang katulad nilang triplets rin na Bell Kiddo, yun nga lang hindi nila alam. Si Clyron Bell ang panganay, masipag, matulungin, joker at makulit. Nagtratrabaho sya sa EC dahil kailangan nila ng pera.

Si Tyron Bell ang sumunod, isa syang seryoso, hindi palangiti, laging tahimik at matalino. Nagtratrabaho rin sya sa amusement na pag-aari ng uncle nila upang may ipangtustos sa kanyang pag-aaral at sa araw araw na gastusin sa bahay.

Si Layron ang bunso. Makulit, tahimik, mahiyain, at palakaibigan. Nagtratrabaho rin sya upang makapag-aral. Sya ang mascot noon magpahanggang ngayon. Ang Bell Kiddo ay may iisang mukha. Parehong silang mapuputi, may itsura, at lahat sa kanila ay pareho. Pero may isang bagay na matatandaan sa kanila.

Si Clyron ay may maliit na nunal sa may baba. Si Tyron naman ay sa talukap ng kaliwang mata at si Layron naman ay sa kanang braso. Mapagkakamalang iisang tao lang sila pero oras na makita silang magkakasama para silang mga pinagbiyak na bunga.

Scholar silang tatlo sa iba't-ibang school dahil hindi sila pwedeng magsama-sama sa iisang paaralan. Pareho silang matatalino, katunayan lagi silang top1 kahit sa aling subject. Kinailangan nilang magtrabaho dahil kailangan nilang buhayin ang kanilang inay na kasalukuyang nakaratay sa sakit.

Iniwan sila ng kanilang ama noong mga bata palang sila dahil namatay ito sa sakit. Palitan sila ng pag-aalaga sa ina, binubuhay nila ito sa pamamagitan ng kaunting pera na kinikita sa pagtratrabaho. Kahit salat sila sa buhay biniyayaan naman sila ng itsura, ng talino at ng mapagmahal na ina. Nakatira sila sa maliit at lumang bahay.

After nila sa school ay nagtratrabaho ang dalawa sa kanila habang ang isa ay binabantayan ang ina. Tuwing weekend lahat silang tatlo ang ngtratrabaho dahil mas malaki ang sahod nila. Iniiwan lang ang ina sa kanilang kapitbahay. Pag magaling ang kanilang ina nagtitinda ito sa palengke pandagdag sa panggastos nila araw-araw.
 

                                ~*~

Clyron POV

It's been 10years na ng iwan kami ni papa. Nagbanat na kami ng buto upang mabuhay. Pero kahit salat kami sa mararangyang gamit ay masaya na kami. Umaasa kaming isang araw umikot ang kapalaran namin at makatapos ng pag aaral. Lahat kami ay masipag kaya naniniwala akong may magandang kinabukasan ang naghihintay sa amin.

Pauwi na kami ngayon galing trabaho. Bitbit ni Tyron ng kanin at ulam na binili namin sa daanan habang tatlong yelo ang dala ni Layron. Ako ang dala ko ay limang kilong bigas at kaunting grocery na pagkakasyahin namin sa isang linggo. Yung sinahod namin kanina ay ibinili na namin maging ang gamot ni inay ay dala na rin namin.

"Cly kailan kaya tayo aasenso?" tanong ni Lay na nasa malayo ang tingin.

"Pag butihin lang natin ang mga pag-aaral natin tiyak makakaahon rin tayo sa hirap." sagot ko.

"Lay tama si Cly, pag nakatapos na tayo sa highschool, mag-apply ulit tayo ng scholarship tapos apat na taon pa tiyak magiging ok na rin tayo." dugtong ni Ty sa sagot ko.

Hindi ako nagsisisi na naging mahirap lang kami, na anak kami ng isang mahirap at hindi mayaman. Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang matanaw na namin ang aming munting bahay. Hindi naman sya pangit o sira sira na.

Minana pa raw ng nanay namin ang bahay na ito sa kanyang mga magulang. May kuryente, may tubig naman kaya ang pagtratrabahuhan nalang namin ay yung pangkain sa araw-araw at pambaon sa school. Agad kaming kumain pagdating sa bahay at pinainom na rin namin ng gamot si inay.

Sa aming magkakapatid si Tyron ang mas paborito ni inay. Hindi na kami naiinggit ni Layron dahil simula palang sakitin na talaga si Tyron. Matapos magligpit ay nahiga na kami sa banig. Kaylangan na naming matulog dahil may pasok pa kami bukas ng umaga.

Ipinikit ko ang aking mga mata pero hindi ako makatulog. Naaalala ko ang mukha nung babae sa videoke room kanina. Sa kutis at pananamit nya sigurado akong galing sya sa maykayang pamilya o mayamang angkan. Umiiyak sya kaya napansin ko sya.

Ano kayang problema niya? At napagkamalan nya akong si Tyron. Malamang kilala siya ni Tyron, maitanong nga bukas. Napangiti ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Gusto ko sya, gusto ko syang makilala at maging kaibigan. Hindi pa naman talaga ako mangunguha ng token, umiiyak kasi sya at parang may iniiyakan kaya umeksena ako. At wow! ang suplada at ang sungit nya pero bagay sa kanya.

Bagay kaming magkasama. Napangiti na naman ako dahil sa mga kalukuhang pumapasok sa isip ko. Sa tingin ko naman mabait sya, siguro may problema lang talaga. Gumalaw sa tabi ko si Layron, siguro may iniisip rin to.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Yeah, may iniisip lang ako." sagot nya.

"Ano ba 'yan chicks?" sabad ni Ty na akala ko natutulog na.

"Sssshh.. Huwag kayong maingay, natutulog na si nanay." saway ko.
Humina naman ang boses nila pero para namang mga ewan. Gusto kong matawa sa mga itsura nila, kaya lang tiyak magigising si nanay.

"Ano ba yung sinasabi mo?" bulong ko.

"May nakilala ako kanina at ang nakakatuwa roon magkakapatid sila." ganting bulong ni Lay.

"I meet my classmate too, si Nicole." maikling wika ni Ty ng pabulong.

"Naks..si Nicole? yung sinulatan mo noong first year tayo na wala kang nakuhang sagot?" tanong ni Lay.

"Oo, pero hindi ko alam kung nakuha nya o nabasa nya yun, siningit ko lang yun sa locker nya, malay ko iba ang nakakuha." paliwanag nito.

"Ah.. alam ko na, yan yung tinatawag mong Coley nuh?" tanong ko.

"Yeah.. sya yung top2 sa class namin. At saka pakiramdam ko pinaglalapit talaga kami." sagot pa nito.

"Sya pala ang mahigpit mong kalaban sa ranking?" tanong ni Lay.

"Oo, pero ako pa rin naman ang top1. Saka hindi naman nya alam na may gusto ako sa kanya." sagot pa nito. Kilala nya malamang yung tumawag sa'kin ng Tyron, maitanong nga.

"Ty, may classmate o kilala kabang maputing babae? hanggang balikat ang buhok? slim lang ang katawan?, tinawag nya akong Tyron kanina." tanong ko.

"Talaga? baka isa 'yan sa Buenavista triplets," sagot nito.

"WHAT?" malakas na tanong ni Layron.

(Ninay_Note: Bell Kiddo, welcome sa aking story. Hahaha. Say Hello to me.)

Buenavista Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon