Kabanata 30: This is how they start?

341 16 0
                                    

Matapos kumain ay lumabas ang Buenavista triplets kasama ang ina ng bell kiddo at nagtungo sa ilalim ng mayabong na puno ng kaimito upang magpahangin.

Samantalang ang tatlong binatilyo ang nagligpit ng mga pinagkainan nila. Dahil maraming dinala ang Buenavista triplets marami pang natira. Matapos maghugas ng pinag kainan ay biniyak naman ng tatlong binatilyo ang buko na kinuha nila. Inilagay ang sabaw sa pitsel at inihiwalay ang laman na nasa malaking mangkok at nilagyan ng gatas.

Ibinigay nila ito sa triplets at saka naupo na rin sa harap ng mga dalagita. Magkatabi si Tyron at Nicole na naghaharutan sa harap ng ina nito at mga kapatid. Nagkukulitan lang silang dalawa na dinaig pa ang mag syota.

"Gusto mo bang sumama sa ilog? mamingwit tayo ng isda," aya ni Tyron dito makaraan ang ilang sandali.

Katabi ng bahay nila ang malinis at di kalalimang ilog, kung saan pwedeng mamingwit ng mga isda. Pinanatili ng mayor ng lugar nila ang pagiging malinis ng ilog na kadalasang pinagkukunan ng pang ulam ng mga taga rito.

"Naku anak, huwag mong yayain roon si Nicole at baka kung mapano pa sya," tutol ng ina.

"Naku.. okay lang po ako at first time ko lang rin pong makakita kung paano hulihin ang isda ng mga totoong tao at hindi puro sa tv lang." masayang wika ng dalagita at napatayo pa.

"Di ba masaya 'yon Zoe? Chloe?" tanong pa nito sa mga kapatid. Tumango naman ang mga ito bilang pagsang-ayon. Para syang isang munting bata na pinangakuan na ipapasyal ng magulang.

"Sigurado ka ba iha? baka mamaya mahulog ka sa ilog?" nag-aalalang wika ng ginang.

"Huwag po kayong mag-alala sa kanya nay, kasama naman po nya si Tyron." singit ni Clyron na abalang pinagmamasdan ang nagpapacute na si Zoe.

"Oo nga po tita, wag niyong alalahanin 'yan si Nicole, magaling po 'yang maglangoy," nakangiting saad ni Chloe.

"Bunso dito nalang ako, ingat ha?" dugtong pa nito.

"Okay sige.. papasalubungan namin kayo ng maraming isda," masayang deklara nito at humakbang palapit sa kinauupuan ni Tyron.

"Halika na.." wika nito at hinawakan pa ang kamay ng binatilyo. Nagulat naman ito sa ginawa niya pero agad ding nawala ng makita nilang muling namumula ang mukha ng binatilyo. Tumayo ito at humarap sa ina.

"Nay alis po muna kami, ako na ang bahala sa kapatid nyo." baling nito sa dalawang dalagita.

"Sige ingatan mo 'yan ha, ingat kayo." duet ng dalawa.

Lumakad na ang dalawa, kinuha ni Tyron sa bubong ng bahay ang pamingwit niya ng isda at agad silang nagtungo sa ilog. Pumasok naman sa loob ng bahay si aling Naida at sinabing may tatahiin sya. Naiwan ang apat na nahihiya pa rin sa isa't-isa.

"Buti pa si Nicole at Tyron close na talaga sila nuh?" basag ni Clyron sa katahimikan.

"Magka level kasi ang mga utak nila, at isa pa pareho sila ng character, magkakasundo talaga ang dalawang yun," tugon ni Zoe na nasa kabilang upuan.

"Saang school ka nag-aaral?" tanong nito sa binatilyo.

"ahh.. sa isang public at di gaanong sikat na school, pero okay na rin yun atleast makatapos ako ng pag-aaral, bakit?" sagot nito.

"Wala naman.. nabanggit kasi ni Tyron na scholar din kayo, lahi talaga kayo ng genius," papuri nito.

"Haha..hindi naman, nagkataon lang, oo nga pala bakit ka umiiyak noong nakita kita?" interesadong tanong nito.

"Ah.. yun? wala.. personal matters lang, ang OA ko nuh?" ngiting tanong nito.

"Di naman baka may problema ka lang talaga noong mga oras na yun" pakiki simpatya nito.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now