Huling Kabanata

712 25 55
                                    

Last Chapter

Nicole POV

Dalawang buwan kaming nanatili sa Vietnam. Namasyal lang kami doon at pinuntahan ang mga tourist spot. Dalawang buwan lang at nakasundo ko na ang aking kakambal, dalawang buwan lang ang naging dahilan upang matutunan kong mahalin 'yong mga taong naging dahilan ng existence ko. Dalawang buwan nang hindi ko pa nakikita 'yong dalawa, nag-aalala ako kung ano na ang nangyari sa kanila.

"Mom, pwede ba akong lumabas upang maglakad-lakad?" tanong ko, sosyal na ako ngayon nakigaya na ako kay Angelo.

"Saan ka pupunta 'nak?"

"Maglalakad-lakad ho saka pupunta sa lugar na malapit sa aking puso,"

"Parang alam ko na ang lugar na 'yan ah,"

"Sa park lang po Mom,"

"Okay sige, isama mo si Angelo pa----"

"H-Hindi na po Mom, gusto ko pong mag-isa. Guguluhin lang ako ni Angelo doon," tanggi ko.

"Okay sige, sabi mo 'yan ha."

"Opo Mom, aalis na po ako." wika kong humalik sa pisngi niya.

Wala si Dad at nasa trabaho, si Angelo naman ay nakakulong sa kwarto niya at nagdra-drama. Hindi ko alam kung ano ang problema ng lalaking 'yon, ang hirap intindihin. Binuhat ko ang bag kong naglalaman ng mga pasalubong na nabili ko para kay Zoe at Chloe, ibibigay ko ito sa kanila kapag nakita ko.

Lumabas ako ng bahay at hindi na ako tinanong ng guard kung saan patungo. Sa loob ng dalawang buwan ay nasanay na rin ako na sila na ang kasama ko, 'yong tipong may kakambal ako pero lalaki nga lang. 'Yong tipong ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin, hindi kulang kundi umaapaw.

Nilakad ko lang ang patungo sa plaza matapos bumaba ng jeep. Marami akong natutunan sa pakikisama ko sa kanila, natuto akong sumakay ng jeep nang dahil kay Angelo. Natuto akong kumanta dahil marunong mag gitara si Angelo, ang lahat ng pagbabago ko ay gawa ni Angelo.

Dumaan muna ako sa tindahan ng softdrinks bago ko pupuntahan ang dating tambayan namin. Hindi ako umaasa na makikita sila pero may kaunting percent pa rin na ipinapanalangin kong sana makita ko sila kahit ngayon lang. Kahit saglit lang at makasama ko sila, hindi ko pa nauubos ang biniling softdrink nang aking mamataan ang isa sa aking dating kapatid na iniisp ko palang kanina.

"C-Chloe.." sambit ko sa pangalan niya at hindi maiwasang hindi maiyak. Dalawang buwan, dalawang buwan ko siyang hindi nakita.

"N-Nicole," sambit niyang nakangiti at mahigpit akong niyakap.

"Na-miss kita Chloe,"

"I-I know and you know what, miss na miss ko na rin kayong dalawa ni Zoe." anitong pinunasan ang luha ko.

"S-Si Zoe, nakita mo?" umiiling siya.

"Kumusta na kaya siya?"

"She will be fine, magiging okay rin 'yon katulad nating dalawa." humarap ako sa kanya.

"You mean okay ka sa bago mong pamilya?"

"Hmmn.." tango niya.

"Halika puntahan natin ang tambayan, baka nandoon si Zoe." bulong ko na punong-puno ng pag-asa.

"T-Tara.." tugon niyang hinawakan ang kamay ko na ikinangiti ko.

Nang sapitin namin ang tambayan ay bigo kami, hindi namin nakita si Zoe pero may nakita kaming dalawang babaeng nakatalikod sa amin. Mahaba ang buhok nilang dalawa at parehong may kulay ang kuko ng kulay pula. Ilan siguro sila sa mga naging kaklase namin noon. Seryoso silang nag-uusap.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now