Kabanata 47: Sun Burn

291 11 0
                                    

Zoe POV

Pinagmasdan ko ang paligid ang saya namin. Parang wala na itong katapusan pa. Si Chloe kaharutan si Lay habang nakasakay sya sa likod nito. Si Nicole, kasama ang so called bf nya sa pagsisid. Alam ko na gumagawa silang dalawa ng magagandang alaala. Dapat ko bang isipin na kailangan ko na rin mag spent ng time kay Cly? Ano ko ba si Cly? Wala naman diba?

At Ako? Ano ginagawa ko? Heto, Hinahabol si Cly na mala palos kung lumangoy. Si Nicole kasi, alam nyo yun? Yung inggitin kayo ng harap-harapan at sweet na sweet pa talaga?

"Cly..I'm freaking tired! Ayko na," Pakunwari kong wika sa kanya.

Sa totoo lang hindi naman ako marunong mapagud pagdating sa tubig. Technique ko lang yun para mahuli syang palos sya. Sinabayan ko pa ng pagtigil sa paglangoy at parang pagud na pagod. Bakit kasi ang bilis niyang lumangoy? Feeling ko tuloy inaasar lang ako nitong palos na to.

"Sigurado ka?" Pasigaw na tanong nya.

Tumango ako para mas convincing na pagud na talaga ako. Nakita kong unti-unti na syang lumalapit sa akin kaya lihim akong napangiti. Bwahahaha..Humanda ka sakin. Matalino daw man ang matching napaglalalangan rin. Hinawakan nya ako sa braso nang makalapit sya upang dalhin sa pampang, nasa gitna kami ng pool. Nang hihilahin nya na ako ay mabilis ko syang hinawakan sa dalawang balikat.

"Gotcha!" bulalas ko na kulang nalang ay magtatalon ako sa tuwang nahawakan ko sya.

"H-huh? Hindi ba ayawan na? Ayy..Madaya ka ha. Walang utakan." tugon nya. Akma nya akong iiwan buti nalang naagapan ko. Hindi pwedeng ganto, ano ako talunan? I hate it. Iniyakap ko ang dalawang kamay ko sa leeg nya.

"I want a piggy back ride!" Masaya kong wika.

"No! Wala kang hihingiing pabor dahil hindi mo naman ako nahuli," seryoso niyang wika.

"E nahuli naman kita eh. See? Hawak nga kita."

"Zoe, iba ang nahuli sa inutakan."

"Sige na please? Mga 10 minutes lang." wika ko pa ng pabebe at itinaas ang dalawang kamay.

"Haays, ano pa bang magagawa ko? Sigurado ka ha. Be ready, pag lumubog ako lulubog ka rin." wika niya. Nakaramdam ako ng excitement. Waaaah! Hindi na ako makapaghintay.

"Tara naaaa." malakas kong wika.

Tumingin si Nicole sa akin na nasa tabi na habang nakakapit sa tagiliran ni Ty, aba ibang klase itong bruha na to. Nag thumbs-up sya sa akin, ang buong akala nya nahuli ko talaga si Cly, ang hindi nya alam inuto ko ito para lumapit. Lumangoy na sya at alam kong nahihirapan sya sa bigat ko.

"W-wag ka na mag piggy ride, sabay nalang tayong lumangoy." Suhestyon nya.

"E gusto ko nga ng piggy ride eh. 10 minutes lang."

"Oo na. Oo na." saad nito at lumangoy na. Ang sarap sa feeling ng ganito, feeling ko may floating ako at hindi ko na kailangang maglangoy. After 10 minutes ay halos lawit na ang dila ni Cly, hindi naman sya lumubog eh. Lumangoy lang sya ng lumangoy.

"Ayan, sabay na tayong maglangoy."" tugon ko pagkababa sa likod ni Cly. Humawak ako sa braso nya at halos magkayakap kaming naglangoy.

"T-Thank you Cly."

"Tsss. Wala yun, nag enjoy ka naman eh." sambit niya.

Biglang lumitaw sa balintataw ko ang mukha ni Josh. Gawd! Bakit ko siya naiisip? Di hamak na may itsura si Cly kesa sa kanya.

"Ang tahimik mo yata?" tanong niya ng manahimik ako.

"Hmmn.. M-medyo giniginaw na ako." Pagsisinungaling ko.

Buenavista Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon