Kabanata 50: My Comfort

296 11 0
                                    


Agad akong lumabas ng kwarto hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot. Natatakot akong makilala sila pero may bahagi ng pagkatao ko na gusto ko ng makilala sila. Naglakad ako patungo sa elevator, uuwe nalang muna ako. 

"N-Nicole, nandito ka ulit?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita kaya napataas ako ng tingin. Si Angelo. Bakit ba lagi kaming pinagtatagpo? Ngumiti ako sa kanya. 

"Ahh.. Oo, may dinalaw lang. Ikaw? Bakit nandito ka?" Tanong ko na pekeng nakangiti pa rin sa kanya. 

"Sure ka ba? Eh bakit ka umiiyak?" 

"U-umiiyak?? Hindi ahh! Napuwing lang ako," Palusot ko pa. 

"Hindi.. Hindi ka maaaring mapuwing ng alikabok rito, fully airconditioned ang buong gusali. Tss. At isa pa hindi ka marunong magsinungaling." 

"H-Ha? O-oo nga pala. Hahaha. Wag muna akong pansinin." 

"Gusto mo bang mag snack muna tayo? Treat kita." 

"Naku.. W-wag na.. May lakad pa ako." 

"N-Nicole..May mali eh.. May mali sa'yo. Hindi ka naman ganyan."  Tss. Hindi naman kami close.

"S-Sige.." Sagot ko na agad sumunod sa kanya. Wala rin naman akong choice. Ayokong kausapin sya pero hindi ko alam kung bakit napasunod nya ako ngayon. Oo schoolmate ko sya kaya lang--

"Nandito na tayo anong gusto mo?" 

"H-Ha? Hmmn.. Tea nalang." 

Agad akong naghanap ng upuan dahil sabi nya sya na ang magdadala ng order namin. Napatingin ako sa relo ko, maaga pa naman. Ayos lang namang makipag-usap ako sa kanya. Last na to. Dumating syang dala ang order namin ngunit nadagdagan ito ng chocolates cake at kung anu-ano pa. Siguro kung hindi naging sila ni Chloe iisipin kung may gusto sya sa akin at gumagawa sya ng moves. 

"Ayos ka lang ba?" 

"Oo naman. Ikaw? Ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko habang marahang umiinom ng tea. 

"Ahh.. Naaksidente ang mommy ko, kailangan ko syang bantayan." Ahh. May kabutihan pa palang natitira sa loob niya. Akala ko tinanggal ng lahat yun ni Scar.

"Ahh.. Ganun ba? Kumusta na pala kayo ni Scar?" 

"Ayos naman..hmmn.. Sorry pala sa kapatid mo." 

"Ah, ayos lang, naka move on naman na sya sa'yo eh. In fact may mas GWAPO pa syang pinagkakaabalahan ngayon." 

"Talaga? Good for her." 

"Oo talagang very good for her." Sarkastiko kong wika. 

"Galit ka ba?" 

"Hindi naman.. Bakit ako magagalit? Kaya lang nakakainis yung ginawa mo kay Chloe.." 

"Galit ka nga.." Agad na lumungkot ang itsura nya. Bakit parang ang big deal sa kanya na galit ako? Isa nalang talaga at iisipin kong he really likes me na. 

"Sorry.. Hindi ko naman intensyon 'yun, talagang first love ko lang si Scar at hanggang ngayon sya lang ang mahal ko." 

"Okay, nauunawaan ko yun, pero wala ka pa ring karapatan na saktan ang kapatid ko. Siguro naging bulag lang kami sa kabaitan nyo.. Hindi namin agad nahalata yung pagkakaiba ng kaibigan lang at tunay na pagmamahal. Kalimutan muna. Ayos na rin naman ang lahat." 

"S-Sorry talaga." 

"Oo na, o paano? Aalis na muna ako ha?" 

"Sige.. Salamat sa oras." 

"Bye.." wika ko at tumayo na ng mesa upang lisanin ang lugar. Kumaway rin sya sa akin.

Naglakad ako palabas ng Cafe ng hospital ng makasalubong ko ang lalaking alam kong tatay ni Angelo. Agad akong ngumiti ng bahagya. Nawala naman ang pagkaseryoso ng mukha nya ng makita ako at ngumiti rin sa akin. Nananatiling nakatitig lang sya sa akin. Mga titig na may nais iparating. Kung ano yun? Yun ang hindi ko alam. 

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now