Kabanata 52: Fears

321 10 0
                                    

Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ng paaralang pinapasukan ni Cly. At maririnig ang malakas na tugtuging nagmumula sa loob nito. Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang. Wew! Kaya ko 'to, anuman ang mangyari kaya ko ito. Nauna ng bumaba ang mga kapatid namin at kami nalang ang nasa sasakyan. 

"Ayos ka lang ba Zoe?" tanong niya sa akin.

"O-oo tara na?" 

"Tara.. Ang lamig ng mga kamay mo." mapang-asar niyang tono.

"Hahaha! I'm fine," Bumaba ako habang inalalayan ng aking prinsipe. Feeling ko kasi isa akong prinsesa, prinsesang walang korona. Pumasok kami sa malawak na playground ng school nya.

"Trust me, ako ang bahala sa'yo." Bulong nya sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. 

"Zoe.. Kaya mo yan. Fight!" pag che-cheer sa akin ni Nicole na itinaas pa ang isang braso. 

"Oo nga Zoe, kaya mo yan." segunda ni Chloe na malawak na nakangiti. 

Nagtungo na kami sa pila ng sa tingin ko ay mga classmates ni Cly. Naiwan sila Chloe kasama ng dalawang kapatid ni Cly sa labas kung saan tanaw naman nila ang loob. Nakikita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang umiindak-indak pang si Nicole sa saliw ng isang kanta habang nakaharap at nakahawak sa dalawang kamay ni Ty na sinasabayan rin syang umindak. Parang wala syang problema. Ang cute nilang tingnan.

"Ayos ka lang ba talaga?" muling tanong sa akin ni Cly.

"Y-yeah. Sorry. Medyo kinakabahan ako." 

"Zoe tonight be yourself, wala ang mga kapatid mo sa dancefloor kaya ikaw ang magiging bida." 

"Haha. Sa tingin mo kontrabida ako sa kanila?" ngisi ko.

"Kunti." Agad ko syang piningot sa taynga ng kaunti. Hindi magandang biro yun ah, pero totoo naman ng kunti as in kunti lang. Mahal ko kaya yun sila.

"Cly..is she your girlfriend?" Tanong ng isang babaeng mukhang hipon. Hipon na prito dahil sungot nalang ang kulang ay yun na sya.

"Ah.. Y-yes." hinigpitan ko ang kapit ko sa kanya. Anong pinagsasabi niya? Kami? Walang kami.

"Not bad." Singit naman ng isang mukhang lechon apple nalang ang kulang pwede ng kainin.

"Hi.. Zoe Buenavista." sabay lahad ko ng kamay. 

"Gosh! Kapatid mo si Nicole? As in Nicole Buenavista?" nanlalaki ang mata ni hipon sa impormasyong nasagap.

"Yeah..paano niyo siya nakilala?" curious kong tanong. Aba! Kung kilala nila si Nicole nakakapagtaka yun.

"Si Nicole na kapatid mo nakakalaban nila sa mga quiz bee. Sila ang top 2 at top 3 sa school na 'to." bulong ni Cly sa akin. Ahh kaya pala. Ganun na ba kasikat si Nicole na kahit sa school ni Cly kilala ang pangalan nya? 

"Oh. Wag ka ng magselos dyan, alam mo namang sayo lang titingin ang mga mata ko." ngisi niya sa akin.

"Hmp.. Nambola ka pa," 

"Anyway Zoe right? Kasama mo ba si Nicole? Balita ko kasi siya yung naging Queen of the Night sa school nyo." eksena ni Lechon. Hindi ako nagsalita pero itinuro ko ang kinaroroonan nila. Agad silang tumakbo patungo kung saan naroroon si Nicole. 

Ilang minuto lang ang hinintay at nagsimula na ang program. Noong una kinakabahan ako pero ng maramdaman kung nandyan si Cly at hindi ako pababayaan hinayaan kong sandaling tangayin ng malamig na hangin ang aking sarili. Inisip ko na kaming dalawa lang ni Cly ang taong nagsasayaw at wala ng iba. Sabihin nyo mang assumera ang peg ko. Matapos ng program ng mga traditional na sayaw ay nag play na sila ng mga rock music na di naglaon ay napalitan ng mga lovesongs na ikinatili ng mga naroroon. 

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now