Kabanata 63: Acceptance

533 17 3
                                    

Zoe POV

Padabog akong pumasok sa kotse nila at pabagsak na naupo. Hindi ko pa rin maatim na makasama sila pero kailangan kong gawin ito dahil iniwan na ako nang dalawang taong kapatid ko nang itinuring, iniwan nila ako sa gitna ng unos. Iniwanan lang nila ako at wala akong choice kundi ang gawin ang isang bagay na ayoko, isang bagay na kinasusuklaman ko.

Tumingin ako sa labas ng kotse at pinagmasdang mawala sa aking paningin ang hospital na pinanggalingan namin. Hindi ako makapaniwalang nasa sasakyan nila ako ngayon at ginagawa ang isang bagay na ayoko, isang bagay na napipilitan lang ako. Isang bagay na alam kong pagsisisihan ko pagdating ng araw ay isang bagay na alam kong unti-unting kikitil sa aking buhay.

"M-Masaya ako 'nak na sumama ka sa akin," saad ng kasama ko pero hindi ko siya pinansin.

"Alam mo ba kung gaano ako kasaya na sa wakas ay makakasama na kita?" dagdag pa nito.

"D-Don't act na gusto kong sumama sa'yo, nandito ako dahil wala akong choice, napilitan lang ako." pakli ko sa kanya.

"Zoe.." anang lalaki na inirapan ko lang.

"Sonny, ako na ang bahala sa kanya." wika naman ng babaeng malungkot na humarap sa akin.

"A-Anak s----"

"Don't call me anak, hindi kita kilala. Hindi ikaw ang magulang ko, ikaw lang ang walang kwentang taong nagdala sa akin sa mundong ito!" malakas kong sigaw. Hindi ko na rin mapigilan ang mabilis na pagbaba ng aking mga luha. This is so fucking frustrating. Bakit ba ako nandito?

Nakita kong nakatitig ng masama sa akin ang lalaki na wala man lang akong maramdamang lukso ng dugo. Inirapan ko lang siya na lalo niyang ikinagalit.

"Look! K-Kung hindi mo kayang i-respeto ang taong 'yan bilang nanay mo, p-pwede bang bigyan mo siya ng kaunting respeto..kahit kaunti lang bilang tao!" mariin nitong wika sa mahinang tono.

"S-Sonny, sssh..ako na ang bahala sa a-anak ko, huwag kang ng mag-alala." pigil dito noong babae. Muli niya akong tiningnan at saka hindi na muling nilingon pa.

"Z-Zoe.."

"P-Pwede ho ba kung gusto niyo akong makausap, hintayin niyong kumalma ako. 'Yong pasabog niyo ay sobra at hindi kinakaya ng utak ko,"

"O-Okay, pagdating sa bahay mag-usap tayong dalawa."

"Kahapon lang magkakapatid pa kami, kanina nasa hospital pa kami at ngayon nagka hiwa-hiwalay na kami." bulong ko at mahinang humikbi. Hindi ko pa rin matanggap na ganoon kadali ang magiging pasya nila.

Ibinaling ko ang aking paningin sa mga nakakasalubong na sasakyan at nadadaanang mga building. Hindi na ako isang Buenavista, hindi na ako isa sa triplet's ng mga Buenavista dahil wala na sila noon. Dahil ipinagtulakan nila ako, ibinalik nila ako sa mga taong hindi ako ginustong alagaan. Itinapon nila ako ng ganun-ganon nalang. At iyon ang hindi ko matanggap, hindi ko kayang tanggapin.

"N-Nandito na tayo Zoe," pagbibigay alam niya. Tiningnan ko lang siya at saka mag-isang lumabas ng sasakyan.

Tiningnan ko ang mataas na building na may pangalan ng isang sikat na tao. Isa itong sikat na condo na pag-aari ng mga may kayang tao. Dito sila nakatira?

"That is o-our building," anitong simple akong nginitian. Wait..pag-aari nila ang building na ito?

"H-Halika pumasok tayo at doon sa bahay mag-usap," aya niya sa akin.

Sumunod ako sa kanya habang hawak niya ang kamay noong lalaking kasama niya. Lumulan kami sa iisang elevator at para bang dagliang lumiit ang aming mundo at naging marumi ang hangin sa loob nito at halos hindi ako makahinga ng maayos. Lumabas sila ng elevator at nanatiling  nakasunod naman ako.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now