Kabanata 38: Zumba master

319 10 0
                                    

Chloe POV

Pagkatapos kong kumain ng taho ay naglakad na ako patungo sa pinag -usapan naming tatlo. Malapit na ako dito ng maagaw ang pansin ko ng isang grupo ng mga katandaan na nagsasayaw ng zumba. Dahil sa curiosity ay lumapit ako dito at pinanuod ko silang magsayaw.

Pinanuod ko kung paano sila gumiling. Hanggang sa maingganyo na rin akong maki zumba dahil sa lakas ng tugtog mula sa malaking speaker. Sumayaw ako kasama nila, kasama ng mga matatanda na at bata. Napatingin ako sa wristwatch ko ng masinagan ito ng araw.

"6:30am na?" bulalas ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil naisip kong isang oras na silang naghihintay sa akin. Tumigil ako sa pagsayaw at mabilis na tumakbo patungo sa tagpuan namin. Malayo pa ang tatakbuhin ko dahil nasa kabilang dako pa ito ng plaza.

Tiyak umuusok na ang ilong ni Zoe at umiikot na ang mata ni Nicole dahil sa galit dahil ang tagal ko. Dahil sa pagmamadali at hindi ko nakita ang makakasalubong ko kaya nadapa ako at maging sya ay natumba. Nagtama ang paningin namin at pareho itong biglang nag apoy dahil ang nabangga ko ay walang iba kundi si peklat. Grrr!

Sa lahat ng tao sa mundo, lagi talaga akong dinadala ng mga paa ko palapit sa babaeng ito. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko na bahagyang nadumihan. Sinipat ko rin ang siko ko na nagkagalos at ngayon ay dumugo na.

"Lampa ka talaga nuh?! Lakihan mo naman ang mga mata mo, hindi yung lagi kang nakakadisgrasya!" saad nito na nakairap sa akin.

Wala akong panahon makipagtalo sa kanya lalo pa ngayon na naghihintay sa akin ang mga kapatid ko kaya tinalikuran ko na sya. Buti nga sa kanya natapon ang hawak nyang chocolate at hindi sa akin. Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong binato nya ako, binato nya sa likod ko ang cup ng chocolates nya na may kaunti pang laman at naramdan ko ang pagtapon nito sa likod ko.

Tumigil ako sa paglakad at gigil na humarap sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin na ngayon ay nasa tabi nya na si Angelo. Pa martsa akong lumapit sa kanila.

"Chloe, stop na.. tama na." bulong na wika ni Angelo sa akin.

"Stop?? hindi mo ba nakita ang ginawa sa akin ng babaeng 'yan?!" tanong ko sa kanya habang itinuturo ko ang babaeng kalapit nya.

"No baby, binangga nya ako kaya nagalit ako, look at me daig ko pa ang batang nabuhusan ng chocolates," paawa na singit nya.

"Tsk! ang galing mambilog ng ulo," bulong ko at umirap pa sa kanya.

"Chloe! I said tama na! hindi ka ba titigil? Pwede ba lubayan muna ako," mariing wika ni Angelo na galit na.

Huh! Wow! ako pa ang mali sa paningin nya ayos din ang lalaking to ah. Mabigyan nga ng leksyon ng sa ganun, malaman nya kung sino talaga ang kaharap nya. Bigla ko syang sinampal ng malakas na halos mapalingon sya sa sobrang lakas.

"Sa susunod huwag ako ang pagsasabihan mo kundi 'yang gf mo na lampa at walang modo. At isa pa HINDI mo pag-aari ang park na 'to para pagbawalan akong magtungo rito, at isa pa naka MOVE ON na ako sa PANGLULUKONG GINAWA mo! Kaya wag na wag mong iisipin na nagseselos ako dahil BIG NO! ang sagot riyan. Ang gaspang na ng ugali mo For Your INFO, HINDI KA GWAPO!!!" turo ko sa kanya na halos namumula na dahil sa matinding galit.

"H-hey..watch your mouth, sino ka para pagsabihan ng ganyan ang baby ko ha?" singit ni Scar.

"WOW! ang galing. May amnesia ka agad? Wag mo akong ma english at baka sapatusin ko yang bibig mong babae ka!" pandidilat ko ng mata sa kanya.

"Sumusobra ka na ah!!" wika nya na itinaas ang kamay para sampalin ako.

Buti nalang mabilis ko itong nahawakan, dahil sa galit ko at inis na rin ay hinigpitan ko ito ng hawak. Yung tipong magpapasa oras na matanggal ko ang pagkakahawak ko. Nakita ko syang umiyak kaya medyo niluwagan ko.

"CHLOE!! bitawan mo sya!" sigaw sakin ni Angelo. Bigla ko syang binitawan na halos mapaupo dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak ko. Agad naman syang dinaluhan ni Angelo na masama pa rin ang tingin sa akin.

"Chloe.. enough!!" bulyaw nito sa akin.

"Kung nakakapatay lang ang mga tingin, matagal ka na sanang namatay at kung may dala akong kutsilyo o tinidor kanina pa kita sinaksak!" sambit ko. Tumalikod ako at iniwan silang dalawa na nagdra-drama. Na beastmode ako ah. Nakakagalit naman talaga.

Mabilis akong naglakad patungo sa tagpuan. Nadatnan ko ang dalawa na sambakol ang itsura. Nakasimangot at halos patayin nila ako sa masasamang tingin. Nakasalampak silang dalawa sa damuhan at makikita ang mga kalat ng pinagkainan nilang dalawa. Cans, dahon ng bibingka at bottles ng maraming yakult.

"Sorry, natagalan ako, napa trouble ako sa dalawang insekto ng buhay ko!" paliwanag ko at tumalikod sa kanila upang ipakita ang mantsa ng chocolate sa likod ko. Nanlaki ang mga mata nila at sabay na napatayo.

"Nakita mo rin sila??" duet na tanong nila.

Hindi ko ma-gets sa una ang sinasabi nila pero agad kong napagtanto ang ibig nilang sabihin. Nakita rin nila ang mga insekto ng buhay nila. Tumango ako at agad na naupo sa damuhan. Nakaramdam ako ng pagud dahil nakizumba ako at nakipag away. Hindi man nila ikwento sa akin kung ano ang nangyari sa kanila alam kong hindi na dapat pang alalahanin yun.

"Here.. Para sa'yo 'yan, since ang tagal mo binawasan na namin dahil gutom na kami." Abot sa akin ni Zoe ng yakult. Inabot rin sa akin ni Nicole ang isang piraso ng bibingka. Kinuha ko ang mga bigay nila at agad nilantakan, nakakagutom ang araw na ito. Makaraan ang ilang sandali ay nag aya na ako.

"Tara na? Tuyo na ang mga pawis natin, baka magkasakit tayo?" Aya ko sa kanila.
Tumayo na rin sila at kinuha ang mga balat ng pinagkainan.

Naghanap kami ng basurahan upang itapon ang mga ito. Baka mamaya makulong kami kung basta nalang namin iiwan ang mga ito dito. Humakbang na kami pabalik ng bahay.

"Sana wag natin silang makita pa!" Bulong ni Zoe na ang tinutukoy ay ang mga insekto.

"Agree ako sayo Zoe, dapat lang na hindi na natin sila makita dahil baka kapag nagkataon maging kriminal ako in just one snap," tugon ko.

"Me too , ayoko na syang makita!" Singit ni Nicole. Nagkatawanan kaming tatlo dahil sa mga naisip. Sa mga sandaling ito ay nakalimutan namin ang aming mga iniisip. Kahit ilang oras lang yun I feel relief. Mamaya pagdating nila daddy, malalaman na namin ang katotohanan.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now