Kabanata 59: Letting them go

371 14 14
                                    

Third POV

Naunang nagising si Chloe sa kanilang tatlo. Hinila pa niya ang kumot sa pag-aakalang nasa kwarto lang siya natutulog. Saka palang niya naalala ang lahat ng mahila ang dextrose na nakakabit sa braso niya.

"O-Ouch..A-Aray.." sambit niya sa mahinang tinig.

"Chloe? Chloe? Gising ka na?" boses yun ng Mommy nila na alalang-alala.

"Mommy? Mommy?" hindi makapaniwalang sambit nito ng idilat ang kanyang mga mata.

"A-Ako nga, ano bang nangyari sa inyo at naisi----"

"A-Aray.. N-Nicole.. Chloe.."  daing ni Zoe na nasa kabilang kama lang.

"Z-Zoe anak? Mommy is here." bulalas ng Ginang na iniwan si Chloe sa kama niya. Malungkot lang na tiningnan ni Chloe ang braso na may swero.

"Ako na ang gagamot nak." bulong ng kanyang ama.

"Dad? Si N-Nicole po? Nasaan po siya?" tanong nito sa ama.

"S-Si Nicole? Nasa Emergency room pa si Nicole pero ayos lang siya. Nililinis lang iyong mga sugat niyang natamo sa ulo dahil sa mga basag na bubog ng bintana ng taxi." paliwanag ng ama dito.

Kinalma ng mag-asawa ang dalawa na pilit gustong lumabas ng kwarto upang puntahan si Nicole. Si Nicole ay hindi pa rin gumigising pero maayos na ang pakiramdam niya. Nalinis na rin ang mga sugat niya at pag gising nalang ang hinihintay nila. Nasa ibang room din si Nicole para hindi magambala ng dalawa. Pero hindi naglaon ay nagpalipat ang dalawa sa kwartong inuukopa ng kapatid nila. Pagkalipas ng dalawang araw ay nagkamalay ng muli si Nicole, puno ng pag-aalala ang mga mata niya dahil sa inakala nilang pagbabanta sa buhay ng mga taong nag-aruga sa kanila.

"Prank lang ang mga sulat na yun, pinai-imbestigahan na rin namin kung sino ang may kagagawan noon." paliwanag ng ama sa tatlo. Tumango lang naman sila na para bang naintindihan nila ang lahat.

Pagkaraan ng isang linggo ay nagpasya na ang mag-asawang ilabas ang tatlo. Pinag-impake na nila ito ng mga gamit nila upang makauwi na.

"Mommy hindi pa po ba tayo uuwi?" tila naiinip na tanong ni Nicole sa ina.

"Oo nga po Mommy, kanina pa po wala si Daddy." segunda ni Zoe

"Saglit lang mga anak, may inaasiko pang bill ang daddy niyo." tugon nito.

"Gaano po ba kalaki ang bill na babayaran ni Daddy? Bakit po ang tagal niya Mommy?" singit pa ni Chloe.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang hinahanap nilang magkakapatid. Pero laking gulat nila na hindi lang ang daddy nila ang nandoon kundi ang mga totoong magulang nilang labis nilang kinamumuhian.

"Ano pong ginagawa nila dito?" tanong ni Zoe na matamang nakatitig sa kanila. Naisip niya yung sulat at kung hindi dahil iyon sa kanila hindi malalagay sa bingit ng kamatayan ang  buhay nilang tatlo.

"B-Binibisita ka namin anak at sinusundo na rin." wika nitong nakatungo.

"Mommy? Ano pong ibig sabihin nito?" tanong niya sa ina na hindi makapaniwala sa narinig.

"Zoe.. Nak, alam mo namang m-mahal kita diba? N-Naisip namin ng daddy niyo na ipahiram ka namin sa totoong kadugo mo." mahinahong wika ng ina.

"Mommy? Hindi! Matapos nila akong ipamigay basta nalang nila akong kukunin? N-Nasa sinapupunan palang ako nakaplano ng ipamigay tapos ngayon susulpot kayo na parang walang nangyari? Ganun nalang ba? Hindi! Hindi ako sasama sa inyo." matigas na wika niya at muling naupo sa kama.

Pumasok pa ang isang ginang at mahigpit na niyakap si Nicole na ikinabigla ng lahat maging ng mga kapatid niya.

"S-Sorry Nicole, I was not there to protect you, sorry baby." samo nito na agad pinalis ang luha sa mata.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now