Kabanata 17: Enchanted City

349 18 0
                                    

Naupo kami sa ibabaw ng kama paharap sa isa't -isa.

"Okay, sisimulan ko na ang lovestory ng dalawang 'yon okay?" wika ni Zoe. Tumango lang ako at matamang nakinig sa mga sasabihin nya. Si Nicole nakatingin lang rin sa akin.

"Si Angelo at Scarlyn ay magkababata tulad ni Zander at Max.. " simula nito.

"Teka bakit nasama sila sa kwento? hindi ba wala namang sinabi si Josh about kay Zander at Max?" agaw ni Nicole, halatang affected pa rin.

"Wala nga, pero example lang 'yon, napaka mo talaga," tugon nito na ikinatahimik ni Nicole.

"Nagkakilala sila noong mga elementary palang sila, naging magkalaro, hanggang nag-highschool na sila at first, friend lang ang tingin sa kanya ni Scarlyn pero itong si Angelo patay na patay sa kanya, kaya hindi naglaon nagustohan na rin ni Scar si Angelo, sinagot nya ito at naging sila." paghinto nya sa pagsasalita.

"Tapos?" tanong ko.

"Huwag kang atat Chloe, ayan oh umiinom pa siya kasi hinihingal." tugon ni Nicole sa akin. Di naman ako atat, interesado lang.

"Tapos nagmahalan sila, naging lagi silang magkasama, ang sabi ni Josh sobrang nagmamahalan silang dalawa then nag decide yung parents ni Scar na mag migrate sa Norway, doon na sya nag-aral ng 3rd year kasi nag transfer sya. Ayaw makipag break ni Angelo dahil mahal nga nya to." muling putol ni Zoe.

Nasasaktan ako, 'yong mga sinasabi ni Zoe na mahal na mahal sya ni Angelo tagos sa puso ko. Ako ba minahal nya o sadyang rebound lang ako? Ang bigat sa pakiramdam.

"Tapos pinilit ni Scar na makipag break, hinabol daw 'yon ni Angelo sa airport para pigilan pero huli na ang lahat para sa kanila. Nakaalis na ang plane, at iniwan na sya. Maghapon, magdamag raw umiinom si Angelo, umiiyak at nasasaktan. Lagi raw nilang nililibang ito sa pamamagitan ng gala, mall, sine, remember yung sa sinehan?" tanong pa nito. Tumango lang ako. Paano ko makakalimutan ang first meeting namin? Pakiramdam ko durog na durog na ako.

"Pero talaga raw minahal ka noon, yun nga lang mas mahal pa rin nya yung ex nya at ngayon nga nagkabalikan na sila, yun ang ending." pagtatapos nito sa kwento.

Bigla akong napahagulgol ng iyak. Ang sakit. Ang sakit sobra. Dapat nakipag break muna sya sa akin bago sya nakipag balikan sa kanya. Parang hindi man lang pinahalagahan yung pagmamahal at tiwala na ibinigay ko sa kanya. Niyakap ako ni Nicole.

"Sssshh..tahan na..pareho lang tayong nasaktan kaya okay lang yan. Okay lang umiyak. sige.. iiyak mo pa 'yan." pag alo sa akin ni Nicole na alam kong umiiyak na rin. Maya maya pa ay yumakap na rin sa amin si Zoe.

"Di ba? ang sabi ko sayo masasaktan ka lang. Pinilit mo pa ring malaman." saad nito na may lungkot ang mga mata.

"M-Masakit lang talaga." tanging sambit ko.

"Sabi ko pa sayo wag kang iiyak, pero imposible dahil kitang-kita sayo kung gaano ka nasasaktan ng sobra." dugtong pa nya.

Pinainom nila ako ng juice yun pala ang purpose kung bakit may juice sa harap naming tatlo. Umiiyak kaming tatlo ng biglang magbukas ang pinto. Iniluwa nito sina mommy at daddy at naabutan kami sa ganoong sitwasyon.

"What happened girls? Bakit umiiyak kayo?" tanong ng reyna. Agad din nila kaming niyakap na lalo kong ikinaiyak.

"Nag-aaral lang po kami ng acting, balak po kasi naming mag audition sa starstruck." sambit ni Nicole. Nagsisinungaling na sya ha.

"Haaay.. Kayo talaga, o sya tahan na.. baka mamaga ang mga mata nyong tatlo." saad pa nya at isa isa kaming hinalikan.

Nakita ko ang bakas ng galak sa mukha ni Nicole. Lumabas na sila ng room at kami pinagpatuloy namin ang pag iyak hanggang maubos na ang juice sa pitsel at ang aming mga luha. Ganto lang kami hanggang sumapit ang gabi. Parang tanga pero ramdam namin ang pagmamahal ng isa't-isa.

Buenavista Triplet'sOnde histórias criam vida. Descubra agora