Kabanata 24: Nicole thought

322 17 0
                                    

Nicole POV

Maaga kaming pumasok ng school pero kahapon bumili ako ng panyo. Yung tatluhan na panglalaki sa mall. Bali 3 for 600 ang mura nga. Ibinalot ko ito para hindi naman nakaka offend kung ibibigay ko sa kanya. Hindi ko alam basta gusto ko syang bigyan bilang pasasalamat. Pagpasok namin ng room ay napansin kong nakatingin sya sa akin, baka isipin nya inaangkin ko na yung panyo nya. Sumenyas ako na mamaya nalang at tumango naman sya. Matapos ang class ay nakita kong naghihintay sya sa labas.

"Zoe.. Chloe.. una na ako sa labas, isasauli ko 'yong panyo ni mr.top1," paalam ko. Tumango lang silang dalawa na busy sa pagliligpit ng gamit.

Lumabas na ako at pinuntahan sya. Iniabot ko sa kanya kasama ang binalot kong regalo. Sa una ayaw nyang tanggapin, siguro nahihiya sya. Matapos kong kumbinsihin ay tinanggap rin nya. Saktong dating ng dalawa at naaya pa nila si Tyron mag lunch. Sa una ayaw na naman nyang pumayag.

Napansin kong nanlaki ang mata nya at todo tanggi pa. Siguro wala siyang pera na pang lunch. Hinila ko sya sa damit at nag feeling close ako sa kanya. Natauhan lang ako ng tuksuhin kami ng dalawang bruha. Binitawan ko siya at sinabi kong itre-treat ko sya. Kaya heto kami patungong cafeteria.

"Tyron hanap ka nalang ng upuan natin, kami na ang mag o-order. " nakangiti kong wika.

Nahihiya sya. Siguro ngayon lang siya nakapasok dito kaya naman nahihiya sya. At isa pa nakatingin ang mga students sa amin na para bang nakakita ng artista o di kaya ay multo.

"Zoe.. samahan muna si Tyron, ako na o-order ng foods mo, sige na." utos dito ni Chloe.

"Okay don't forget my favorite dessert," sagot nito bago naglakad kasama si Tyron upang maghanap ng upuan.

"Bunso masyado kang halata," sita niya sa akin.

"Ganun? sorry.. saka kayo kayang dalawa ang nag-aya!" bwelta ko.

"Aii ... Oo nga pala, sorry naman, halika na pila na tayo." aya niya. Pumila kami hanggang sa kami na ang nasa counter.

Umorder ako ng 3 rice, 2 for Tyron at 1 sa akin. Umorder din ako ng dalawang karne, isang gulay na ampalaya. Tapos 3 coke in can at two waters. Sa dessert kumuha ako ng dalawang halo-halo at isang leche flan at dalawang ice cream. Ang dami kong dala kaya naman tinulungan na ako noong crew.

Napadaan ako sa table ng mga linta at kontrabida. Bakit ganun ang tingin ni Zander? e siya kaya yung loko-loko. Inirapan ko sila particular na si Clown. Pagdating namin sa mesa ay parehong namilog ang mata ni Zoe at Tyron. Ganun ba sila kagutom?

"My Gassh! huling prinsesa, birthday mo ba? birthday ba natin? Ang dami mong binili." bulalas ni Zoe. Grabe kung maka react naman 'to, pinapahiya nya ako ah.

"H-Ha? kaunti lang kaya, malamang kaya marami kasi for two 'yan at hep.. hindi ka kasali sa mga binili ko ah," ngiti kong wika.

"Parang fiesta sa dami.." muling puna nya.

"Okay lang.. saka minsan lang 'to noh!" angil ko.

Naupo ako sa tabi ni Tyron dahil nakaupo na si Chloe sa tabi ni Zoe. Inilagay ko sa harap nya ang mga binili ko at kinuha ang akin.

"A-ang dami naman Coley.. este N-Nicole," wika niya. Parang narinig ko na iyong una niyang sinabi hindi ko lang alam kung saan. Baka mali lang ako ng rinig.

"Ubusin mo 'yan, iyan ang thank you ko sa'yo," sagot ko.

"Ang dami at isa pa, panyo lang naman 'yong naibigay ko sa'yo," saad pa nya.

"Haay.. kayong dalawa talaga, kumain nalang, be thankful na may foods tayo." singit ni Zoe samantalang siya ang nauna.

Natahimik siya at maging ako. Biglang lumungkot ang itsura nya. Bakit kaya? baka naman walang food yung family nya. Lumambot ang puso ko. Parang nakadama ako ng sakit sa halip na awa.

"Kain ka na.." wika ko pa at saka ngumiti sa kanya. Nagsimula na akong kumain at maging sya. Kinuha ko ang coke in can nya at binuksan.

"Ayan.. pinagbukas na kita, baka kasi mabulunan ka." wika ko sabay tapik sa likod nya.

Napatigil sa pagkain ang dalawa naming kaharap. Base sa itsura nila ay nagtataka sila sa ginagawa ko. Hindi ko rin alam, parang feeling ko dapat ko siyang alagaan. Natapos kaming kumain at nasa dessert na kami.

Si Tyron hindi kinikibo ang halo-halo nya kaya naman kinuha ko ito at hinalo matapos haluin ay ibinigay ko sa kanya. Nagulat sya sa ginawa ko at maging ang dalawa sa harap namin ay hindi makapaniwala.

"Hindi na masarap 'yan kung tititigan mo lang," kunway sermon ko.

Rumihistro sa mukha niya ang lungkot. Ayaw ba nyang alagaan ko sya? teka nga lang.. Bakit ba dapat ko syang alagaan? Tinapos ko ang pagkain ng dessert ko maging ang leche flan na hinati ko ay naubos ko na.

Sa tagal ng pakiusapan ay naubos rin ni Tyron ang foods nya. Pero hindi niya nagalaw ang tubig tulad ko.

"Ahh.. Nicole.. salamat." nahihiyang wika nya.

"Nako.. wala 'yon..basta wag kang mahihiya sa amin," tugon ko.

"Oo nga Tyron, wag kang mahiya.. mabait naman kami at ituturing ka naming talagang kaibigan." sabad ni Chloe.

"Saka masanay ka na sa amin, ganto lang kami.. wala kaming kapatid na lalaki at hindi kami masamang tao." kumbinsi pa ni Zoe.

"Oo nga, pwede ka sa aming laging sumabay mag lunch," sabad ko.

"H-Ha??.. hindi pwede kasi hinihintay ako ng nanay ko tuwing lunch." nakatungo nyang saad. Ah yun pala yun. Kaya siguro malungkot sya kanina habang kumakain kami.

"Ganun ba? o sige pag may libreng oras ka nalang." masaya kong wika.

"Sige.. salamat sa inyo," sagot nya. Tumango lang kaming tatlo. Nag ring ang bell meaning mag e start na ang afternoon class kaya tumayo na kami I mean sila lang pala.

"Mauna na kayo, magbabanyo pa ako," palusot ko pero may plano ako para sa nanay ni Tyron.

Lumabas na sila ng cafeteria at ako nagtungo ako ng counter. Umorder ako ng foods at ipinalagay ko sa paperbag. Ibibigay ko ito sa kanya mamayang uwian. Matapos nito ay nagtungo na rin ako sa room. Mabilis natapos ang afternoon class. Agad akong nagtungo sa cafeteria upang kunin yung ipinabalot ko at hinabol ang natanaw kong si Tyron na palabas na ng gate ng school. Pasakay na sya ng bike nya kaya sumigaw ako dahil imposibleng maabutan ko pa sya.

"Tyron!!!" sigaw ko. Lumingon sya sa akin at tumigil at nagtatakang ngumiti.

"Bakit?" tanong nya. Iniabot ko sa kanya ang paperbag na dala ko.

"Pasalubong mo ito sa nanay mo, sabihin mo salamat dahil naging anak ka nya na naging kaibigan ko," wika ko.

"H-Ha?" takang tanong pa rin nya. Kinuha ko ang kamay nya at inilagay doon ang tali ng paperbag.

"Sige na.. alis ka na.. basta sabihin mo salamat ha," sigaw ko pa. Ngumiti lang sya at saka tumalikod sa akin. Bago sya magpedal ng bike nya ay lumingon sya sa akin at muling ngumiti. Ngayon ko lang nakita ang mga ngiti nyang yun. Kumaway sya at nagsimula ng umalis.

"Anong meron?" takang tanong ng dalawa.

"Wala.. sabi ko lang sa kanya salamat." sagot ko.

"Weh?? aiyiie.. gusto muna sya noh?" biro pa nila. Umiling lang ako at lihim na napangiti. Gusto ko syang maging kaibigan. Gusto ko lang syang makilala. Gusto ko sya kahit pa top1 sya. hehe.

(Ninay_Note: Sinong kinilig at nabaitan kay Baby Nicole? Say Hi to me.)

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now