Kabanata 33: Who is Dory?

334 14 0
                                    

Zoe POV

Matapos umalis ni Layron at Chloe sa tabi namin ay nag-kwentuhan pa rin kami. Sa totoo lang makulit siya and I like it, yung kakulitan nya. Marami syang kwento, about school nya, about allergy nya, about sa nanay nila, about sa mga kapatid nya at about sa sarili nya. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na makakausap ko sya ng ganito dahil sa una naming pagkikita.

"May phone ka?" naitanong ko.

"W-wala eh, hindi pa uso sa amin ang cellphone." ngiti nya sa akin pero pansin ko ang lungkot sa mata niya.

"Ganun? Kaylangan bang nasa uso dapat yun para magkaroon?" Shet! Yung bibig ko walang preno. Wag sana syang ma offend.

"Wala kaming pambaon araw araw at di namin afford ang bumili nun kahit gustuhin pa namin." seryosong saad nya. Ito ang resulta ng pagiging insensitive ko. Natahimik ako sa tinuran nya, halos pagsisihan ko na itinanong ko pa yun sa kanya.

"Sorry Cly.." sambit ko dahil nakita kong nanahimik sya.

Ilang phone ba meron kami? iphone plus tablet at may laptop pa. Aircondition na room, malaking bahay, magarang mga damit at private na eskwelahan. Marangya ang buhay namin keysa sa kanila. Nabasa ko ito sa kupas nya ng damit at halos mabutas ng short. Hindi sa nangmamata ako pero yun sila.

"Sorry, hindi ko sinasadya, gusto ko lang naman makuha ang number mo." paliwanag ko pa dahil nakita kong tumingin sya sa malayo at hindi na umimik pa.

"Hindi ko intensyon na ma-offend ka," dugtong ko pa dahil tahimik pa rin sya. Lumingon sya sa akin at malawak na ngumiti, pero sa likod ng mga ngiti nya ay nabanaag ko ang lungkot na nasa kanyang mga mata.

"Ayos lang.. balang araw, makakabili rin kami ng cellphone, at kahit anong gustuhin namin kung makakatapos kami ng pag aaral." saad nya and this time may totoo na syang ngiti.

"Tama, agree ako diyan," sambit ko at nakipag apir pa sa kanya pero hindi sya ngumiti. Biglang nagbago yung pakikitungo nya sa akin. Siguro naisip nya na mapang mata ako. Na tumitingin ako sa antas ng pamumuhay nila.

"Sorry ulit, alam mo yung mga gamit namin, hindi naman talagang sa amin. Sa mga magulang namin yun at pinapagamit lang sa amin, don't be sad na ganyan kayo, be happy dahil lagi nyo nakakasama ang nanay nyo, samantalang kami laging wala sa bahay at sa nanny nalang namin kami halos lumaki." kwento ko dahil sigurado akong mauunawaan niya.

"T-talaga? May mga yaya kayo? Ang yaman nyo pala talaga, pero masaya ako na nakilala kita at sana hindi pa ito yung huli nating pagkikita."

"Oo naman, hindi pa ito ang huli, sabi nga ng radar ko magiging mag bff tayo eh. Hahaha." biro ko.

"Ahahahahaha. Ang galing naman niya, saan ba makikita ang radar mo? pwedeng maki share?" ganting biro nya. Ako naman ang natawa sa kanya. Ang jolly nya, nila.

"Gusto mo pumunta kayo sa bahay namin nextweek? Susunduin namin kayo pati ang nanay nyo, maglangoy tayo sa pool namin." namimilog ang mga mata kong imbita sa kanya.

"Tiyak hindi papayag si inay, baka kung ano ang isipin ng parents nyo at maging ng mga kasama nyo sa bahay, at isa pa nakakahiya!" umiiling na saad niya.

"Saan at kanino ka nahihiya? tayo-tayo lang naman doon, saka sina yaya at manong driver lang doon, basta akong bahala kay tita, ipagpapaalam ko kayo or iimbitahin ko kayo." kumpiyansang saad ko.

"Talaga? sabi mo yan ha? pero kung ayos lang sana nextime mo nalang kami imbitahan, kaylangan kasi naming magtrabaho para may pang gastos kami sa susunod na linggo." Napaisip ako, ganun ba kahirap ang maging mahirap?

"Ayy.. oo nga pala, sige nextaym ha, tapos pupuntahan kita sa school mo, ayos lang?" tanong ko pa.

"Hahaha. Anong gagawin mo sa school ko? kailan ba?" tanong nya.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now