Kabanata 25: Puppy Ek ek

308 14 0
                                    

Chloe POV

Sa tingin ko nagkakaroon na ng gusto ang bunso namin sa bagong lalaki which is means na hindi kay Zander. Speaking of him nakita kong hindi maipinta ang pagmumukha nya kanina habang pinagmamasdang kumakain si Tyron at Nicole. Pwes! fault nya. Mas ginusto nya kasing kampihan si Clown kesa kapatid namin kaya ayun magdusa siya.

Ang saya nilang pagmasdan kanina, hindi namin alam na ma-care pala itong si Nicole. Can you imagine new found friend palang namin si Tyron tas kung maka asta girlfriend sya. Ang ganda nilang tingnan at parang naiinggit ako? hmp! Naisip ko bigla si Angelo na sweet na sweet kay Scar sarap batuhin ng can noong coke na ininom ni Tyron.

Mabulunan ka sana!! panalangin ko pa. Biglang nakarinig kami ng malakas na ubo at paglingon ko ay si Angelo ang nasamid. Bwahaha.. 

Matapos naming kumain ay may ibang ikinikilos si Nicole at hindi lingid yun sa kaalaman ko. Ako ang mas nakakakilala sa kanya. Nakita ko syang bumili ng food. Ang busilak talaga ng puso ng bunso namin. Siguro naantig lang talaga sya sa kabaitan ni Tyron. At sa tingin ko mas bagay silang dalawa kesa silang dalawa ni Zander.

Dati gusto ko si Zander, diba nagbantay pa nga sya sa ospital? Palabas lang pala ang lahat ng yun. Umasim ang itsura ko ng maalala ang pangyayaring yun.

"Chloe.. asan na si Nicole? tara na labas na tayo." aya ni Zoe sa akin.

"Sige tara na.. nauna na sya sa labas ng gate." sagot ko. Lumabas kaming dalawa at natanaw nga namin ang magkausap na si Nicole at Tyron.

"Halika.. pakinggan natin usapan nila." aya pa nito sa akin.

"Paano pa natin maririnig? eh umalis na yung isa?" tanong ko at sabay itinuro ang papalayo nang si Tyron sakay ng bike nya.

"Sayang.. na late tayo," wika nyang nanghihinayang. Hinampas ko sya ng bahagya.

"Kailan ka pa natuto mag chismis ha?" tanong ko ng pabiro.

"Luh.. Syempre mula noong magkakasama tayo saka mas malala ka.. ikaw kaya nagturo sa akin ahahaha." ganting biro nya.

"Heh..halika nga rito." wika ko.

"Blee.. ayaw." sagot nya at nauna ng tumakbo palabas ng gate. Ang iisip bata namin. Naabutan ko ang dalawa na nakatayo. Si Nicole bahagyang nakangisi pa kaya ayun. Inasar namin ng inasar ang bata.

Dumating si daddy at nagtungo kami sa favorite place namin. Bonding ng kaunti at umuwe na rin dahil nag-iimpake na raw si mommy. Bukas na gabi na ang alis nila kaya naman nakaramdam ako ng lungkot maging ang mga kapatid ko.

"Daddy.. hindi ba talaga kami pwedeng sumama?" tanong ko.

"Mga babies.. hindi kayo pwedeng sumama, promise ni daddy sa darating na summer ipapasyal namin kayo." malambing na sagot nito.

"Daddy if that so, pasalubungan mo nalang kami okay lang ba?" singit ni Nicole.

"Syempre naman baby, kayo pa ba?" ngiti ni daddy.

"Daddy can you make it four? Yung pasalubong sa amin.. ibibigay ko sa friend ko yung isa." masayang wika nito. Ang bunso talaga namin mukhang na fa-falling na.

"Nicole.. lahat para sa girls yung pasalubong nila, ibibigay mo talaga?" tanong ni Zoe na badtrip pa rin dahil sa nakita kanina na magka holding hands sina Sofie at Josh na nasa labas ng paaralan.

"It's okay, gagawin kong para sa boys yung ibang pasalubong, How about you Zoe? kumusta kayo ni Josh?" tanong ni daddy. Paktay! Ano isasagot nya paniguradong magagalit si daddy pag nalaman ang totoo.

"It so simple Dad, wala na akong pagmamahal kaya nakipag break ako sa kanya." masungit pa rin nitong wika.

"Talaga? so anong reaksyon nya?" muling tanong ni daddy.

"Ayun, humihingi ng second chance pero wala na, ayoko na." kumpiyansang wika pa nito. Ala! Ang tindi na ng lagay ng utak nya.

"Okay, sabi mo e. Si Zander ba 'yong tinutukoy mong friend Nicole?" baling nya kay Nicole.

"No dad, someone better than Zander," sagot nito. Si Bunso humuhugoat. Bwahaha. Nakita kong tumingin si daddy sa salamin at pinagmasdan ang itsura ng dalawa.

"Ikaw Chloe, sinagot mo na ba 'yong suitor mo?" baling sa akin. Hindi ko kayang magsinungaling kay dad kaya much better na sabihin ko ang totoo.

"Yup Daddy, sinagot ko siya naging kami, then bumalik ang ex nya at iniwan ako bigla sa ere," mapait kong sagot.

"What? He makes my unang prinsesa cry?" sabay hampas nito sa manibela. Napatingin ako sa dalawa sa likuran na nakatingin rin sa akin.

Sana pala nagsinungaling nalang rin ako. Huli na ng mapagtanto kong magagalit nga pala si Daddy pag nalaman ang totoo. Natigilan ako sa inasta ni daddy. Ayaw ko sanang sabihin dahil alam kong magagalit sya kaya lang ayaw ko ring magsinungaling pa.

"Pero..Daddy okay lang po ako, pramis!" mabilis kong wika. Ayoko magalit si daddy kay Angelo.

"Hindi pa rin tama ang ginawa nya sa'yo, dapat matuto siya ng leksyon!" halata sa mukha nito ang galit.

"Daddy.. okay na po ako look at me now ohh .. happy na ako, at isa pa puppy ek ek ko lang 'yon." lambing ko pa kay daddy.

"Talaga? hindi sad ang princess Chloe ko?" tanong pa nito.

"Yes.. daddy.. kaya hayaan mo nalang siya, goodluck to him dahil makakahanap ako ng mas better pa sa kanya, pramis yun dad!" kumbinsi ko pa.

"Okay.. basta huwag agad magtitiwala ha?" bilin pa nito. Tumango lang ako, buti nalang lusot yung palusot ko. whew! bigla ako nanlamig.

"Actually dad hindi lang si Chloe ang hurt, pati si Zoe." sumbong ng madaldal na si Nicole. Okay, na sana eh..

"What??!!" bulalas na tanong na naman ni daddy na nakatingin kay Zoe. Tumingin lang si Zoe kay Nicole at saka humarap kay dad.

"Opo, Nicole was right, niloko ako ni Josh.. but it's okay too, hindi na ako affected like Chloe just said puppy ek ek lang namin sila, infact maging si Nicole ay na-hurt din, but now I know na magiging happy na 'yan, don't worry sa amin dad, we are always good," saad ni Zoe. Oha! Lagot ka Nicole. Ang badtrip na mukha niya kanina ay naglaho bagkus napalitan ito ng dating sya.

"Basta mga Princess, always remember na huwag kayong maniwala agad ha? be careful next time sa mga taong pagkakatiwalaan nyo," concerned na wika ni daddy.

Tumango lang kaming tatlo. Natahimik na kami hanggang sa makarating na sa aming bahay. Naabutan namin si mommy na patapos na sa pag-iimpaki. Niyakap sya ni Zoe na halatang nalulungkot na. Haay.

Mabilis lang ang three months. Sobrang bilis lang nun. Lumapit na rin kaming dalawa ni Nicole sa kanya at saka yumakap. Now, alam kong matagal ang three months na mawawala sila. Haay.

Buenavista Triplet'sOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz