Kabanata 60: Nicolette Angela Rusio

394 11 0
                                    

Nicole POV

Pagkalabas ko ng hospital na 'yon ay walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Alam kong iisipin nilang dalawa na ang babaw ko, ang dali kong pumayag at ipinagpalit ko agad sila sa pamilyang hindi ko naman kinagisnan. Kung hindi ko ito gagawin hindi matatapos ang lahat, hindi matatapos ang gulo at lalong hindi mapapanatag ang loob ko.

Sumakay kami sa isang sasakyang fortuner. Kaya pala noon na bagong kilala namin kay Angelo may mga kotse sila dahil mayaman na pala sila ngayon at ang nakakatawang katotohanan ay kapatid ko pala ang mokong na ito. Kapatid ko sa dugo at laman, kasama kong nabuhay ng siyam na buwan sa sinapupunan ng aming ina.

"N-Nicole.." tawag ni Ginang sa pangalan ko. Sya ang katabi ko at nasa unahan si Angelo katabi noong lalaki na nagmamaneho.

"A-Ayos lang po ako, huwag po kayong mag-alala," tugon ko na parang ang foriegn sa pakiramdam. Totoo bang kapamilya ko sila?

Hindi na sila muling nagsalita pa at napuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Hindi ako sanay, hindi ako sanay sa ganito katahimik na lugar. Kung kasama ko si Chloe at Zoe puro daldalan na ang ginagawa namin.

Kumusta na kaya sila ngayon?

"Pwede mo pa naman silang makita Nicole, pwede silang pumunta sa bahay diba Mom?" maya-maya ay sambit ni Angelo.

"O-Oo naman, welcome sila sa bahay Nicole." wika nitong ngumiti pa. Hindi ako nagsalita, kahit pa welcome sila ang tanong papayagan ba silang umalis ng bahay kung sakali?

Huminto kami sa isang kilalang Mall. Hindi ko alam kung mag sho-shopping kami sa ganito kong kalagayan. Namamaga ang aking mata at wala man lang akong panangga. Ini-abot sa akin ni Angelo ang shades niya na agad kong kinuha. Ano bang tawag doon? Twin instinct? Sinuot ko ito at sumunod lang sa kanila na bumaba na ng sasakyan. Hindi gaya noon na nakakabit ako kay Chloe, ngayon ay akay ako ni Mama at sabay na naglalakad naman si Angelo at yung lalaki na nasa unahan namin.

"Anong gusto mong kainin Nicole?" tanong niya sa akin pagkapasok namin ng entrance ng Mall.

"Ma, gusto kong kumain ng ice cream sa Dairy Queen!" bulalas ni Angelo na tila ba nangislap pa ang mata.

"Ikaw ba si Nicole? Narinig ko atang tinanong ng Mama mo ay Nicole at hindi Angelo." singit noong lalaki na ngumiti pa. Pinakatitigan ko sya, alam ko na kung saan ako nagmana ng ngiti, sa kanya.

"N-Nicole.." untag nito sa akin.

"S-Sige po, sa DQ." tugon ko.

"Y-Yes! Salamat Nicole ha?" tila batang akbay sa akin ni Angelo na agad ko namang tinanggal. Kaya pala ang sabi niya sa akin noon na komportable syang kasama ako dahil kapatid ko pala sya.

"A-Angelo? Leave her alone, hindi sanay si Nicole ng ginaganyan." saway noong lalaki sa kanya.

"Naglalambing lang ako Dad!" tugon nito na sumimangot pa.

Kung siguro mas maaga ko silang nakilala baka sakaling mas close pa kami sa hinahangad niya. Siguro natutulog rin kami sa iisang kwarto, siguro nagsasabi sya ng secrets niya sa akin tulad nalang ng nararamdaman niya para kay Chloe. Ang saya sana noon kung nagkataon tapos naging barkada ko lang sina Chloe at Zoe hindi ko sila kinikilalang kapatid.

"Anong order mo Nicole?" tanong nito pagkapasok namin sa loob ng DQ. Binigyan lang sya nila Ginang ng pera pambili ng DQ namin. Tiningnan ko ang board at namili ako ng flavor.

"Kitkat.." tugon ko.

"Aling Kitkat dyan?"

"Basta yung may kitkat sa unahan." tipid kong tugon.

Buenavista Triplet'sTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang