Kabanata 7: Interrogation

535 20 0
                                    


Nicole POV

Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ang makipag-away at makipag bugbugan dahil sa mga kapatid ko. Alangan naman panuorin ko lang silang nakikipag rambulan at hindi ko tulungan eh tatlo yung kalaban. Yun na nga, dahil sa hindi ako marunong makipag-away napauruhan ako, madami akong kalmot at pasang nakuha. Napunit pa ng bahagya yung blouse ko buti nalang marami akong spare sa bahay na blouse. Buti nalang rin at malakas si Zoe, tinulungan nya kami maging si Chloe dahil nga hindi kami marunong makipag away.

Masakit man ang katawan ko ay nagawa ko pang tumawa dahil sa mga itsura naming tatlo. Buti nalang din dumating si daddy kung hindi baka ni resbakan kami ng ilang ka grupo pa nila. 7 sila buti nalang naglakwatsa yung 4 kaya tatlo lang yung nakabangga namin. Pero nag-aalala pa rin ako dahil baka ma guidance kami tiyak makakaapekto yun sa ranking namin sa top e kaka start pa nga lang ng klase.

Pagdating sa bahay nagulat si mommy dahil sa itsura namin. Pero pinaakyat narin kami sa kwarto para magpalit ng damit. Ang buong akala namin ay ok na ang lahat pero narinig namin ang katok nila kaya naman kanya kanya kaming higa at pretend na tulog na. Si Chloe nakatihaya, ako nakatakip ang braso sa mukha at si Zoe nakadapa.

Hindi ko alam kung anong sasabihin, ngayon lang kasi ako nakaranas na makipag away. Matapos ang ilang sandali ay umalis na rin sila sa kwarto. Natatakot ako kung anong mangyayari bukas dahil sa ginawa namin kanina. Sinalat ko ang kilay kong bahagyang pumutok dahil sa nasuntok. Bukas ko nalang siguro lilinisin at lalagyan ng gamot.

Bahala na bukas, kasama ko naman ang mga kapatid ko kaya tiyak na magiging ok din ang lahat. Sana ito na ang una at huli na makikipag away ako, kami. Pinikit ko ang aking mga mata upang makatulog na.

"Nicole..Zoe.. goodnight."  ani Chloe.

"Goodnight ate." duet namin ni Zoe.

"Tse, magkakaedad lang tayo nuh! Dapat Chloe nalang." reklamo nito. 

Nagkatawanan kaming tatlo at sabay-sabay na ipinikit ang mga mata, para namang magic at bigla nalang ako nakaramdam ng antok. Kinabukasan back to school na naman, alam ko ng kalat na sa buong campus ang nanggyari kahapon, sa mga titig at tingin nila sa aming tatlo habang naglalakad patungo sa room ay kakaiba, parang inuusig kami na para bang kasalanan pa namin kung bakit nangyari yun at kung bakit nasaktan ng sobra ang leader nila.

Nagbubulungan pa ang iba na para bang maysakit kaming nkakahawa dahil lumalayo sila sa amin.

"Tsk..huwag nyo nalang pansinin," ani unang prinsesa.

Nagderetso na kami sa room at hindi pa kami nakakaupo sa mga bangko namin ay binanggit na ni Madam Terror ang aming apelyido.

"Buenavista sisters?" Napatingin kami sa nagsalita at walang iba kundi ang adviser namin.

"Maam?" kaming tatlo.

"Pinapatawag kayo ng principal, gusto daw kayong kausapin, so better go now at huwag nyo ng hintayin pa na mainis yun." saad nya. Hindi kami nakaimik na tatlo, sinasabi ko na nga ba. Haaaay. First time ko ma guidance.

Nagtungo kami sa principal office at naabutan namin roon sina Sofie na naka wheelchair pa, ang OA naman nya, pero infairness tadtad ng pasa ang buong katawan nya, putok pa ang labi nya at may bukol pa sya sa may noo, puro kalmot din ang braso nya. Ang tindi makipag away ni Zoe, siguro galit na galit yun kahapon. Kasama nila ang mga magulang nilang tatlo samantalang kami ay wala.

Naging masama ang tingin sa amin ng mga magulang nila, kulang nalang e ibaon kami ng buhay sa lupa dahil sa galit nila. Pinaupo kami sa sofa paharap sa kanila, nakita ko pang ngumising aso si Sofie habang nakaharap sa amin.

"Alam nyo na kung bakit ko kayo ipinatawag." simula ng principal.
"Ano ba talagang nangyari? gusto kong malaman ang side nyo hindi yung sila lang ang papakinggan ko." dugtong pa nya. Buti nalang walang favoritism si maam kundi baka dina kami pagpaliwanagin pa at i-suspend nalang basta.

"Maam, hindi naman po namin talaga kasalanan." simula ni Chloe tutal sya ang pinakamatanda sa amin.

"Kasalanan nyoo!!! ginulpi nyo kami ng biglaan kaya hindi kami nakalaban!!" wika ni A1 na tumayo pa sa upuan.

"Oo kasalanan nila, uwian na ng away pa!!!" segunda ni A2.

Ang lakas talaga ng loob nila mangbaligtad ng pangyayari, sila ang may kasalanan kami ang sisisihin.

"SHUT UP!" sigaw ni principal.
Paano tayo magkakaintindihan kong sinasabayan ng mga bibig nyo ang paliwanag nila, tapos na kayo kanina mag explain diba? sila naman!" turo pa nya sa mga ito. Nagsitahimik naman sila pero this time ang mga nanay naman nila ang pumutak.

"Dapat ma suspend yang mga yan, tingnan nyo ang ginawa sa anak ko." nanay ni A1.

"Tama!!" nanay ni A2.

"Dapat nga patalsikin sila sa school na 'to, hindi mga welcome dito ang mga student na katulad nila, halos malumpo ang anak ko dahil sa kanila tapos kailangan pa talaga ng paliwanag nila?"  nanay ni Sofie na naka pameywang habang nakadilat ang mga mata.

"WILL YOU ALL SHUT UP?? Paano maaayos ang problemang ito kung ganyan kayo?" tanong pa ni principal. Para namang natauhan ito at naupo nalang.

"Ituloy mo Chloe ang paliwanag mo, pag may sumabat pa at ang gumulo sayo, awtomatikong yun ang i-sususpend ko for two weeks." dagdag pa nito. Hala? agad-agad? naku mahirap yun, halos kalahating buwan, madaming lessons ang di malalaman. Tumahimik ang lahat, natakot siguro sa sabi ni principal.

"Maam pauwi na po kasi kahapon, tapos nakaharang sila sa pinto ng gate, ayaw kaming palabasin, tapos sabi nila paparaanin nila kami kung susunod kami sa mga gusto nila." sambit nito.

"Bakit ano bang gusto ng mga ito?" tanong pa ni principal.

"Hindi na po namin nalaman pa maam kasi sabi namin hindi kami susunod kaya po nagalit sila at sinunggaban nalang kami, syempre po sa sitwasyon namin lalaban kami dahil hindi namin hahayaang masaktan lang kami, dahil tatlo kami at tatlo sila nag tig-iisa po kami, dahil hindi ako sanay makipag away napuruhan din kami ni Nicole, si Zoe kay Sofie at nasaktan din sya, dumating po si daddy kaya umuwe na kami iniwan na namin sila, yun lang po ang nangyari." pagtatapos nito. Natahimik si maam.

"Ganun naman pala sila ang nagsimula, kasalanan nyo kung bakit, maiba lang ako ano ba yung gusto nyong gawin nila ha?" baling nito sa kanila.

"Wala po maam, gumagawa lang sila ng kwento!!!" galit na wika ni Sofie na nakatingin sa amin.

"Maam?" taas ko ng kamay.

"O bakit Nicole?" ani nya.

"Maam ang gusto po nilang gawin namin ay layuan po namin yung tatlong kaibigan namin na lalaki na nasa section 2, e friend po namin sila alangan namang layuan nalang namin ng basta, dahil po may gusto si Sofie sa tatlong yun." saad ko.

"WHAT?? hindi namin sinabi yan, SINUNGALING ka!!!" galit na wika ni Sofie.

Inirapan ko lang sya mukha atang nahahawa na ako ng katarayan ni Zoe. Hindi namin inasahan ang sumunod na nangyari. Tumayo ang tatlo at sinugod kami, sinabunutan, pinagsasampal, kalmot at kung anu-ano pa. Nasasaktan na kami dahil maging ang mga magulang nya ay tumulong para saktan kami, hindi namin magawang lumaban dahil sa madami sila, nandoon din kasi yung apat na ka grupo nila.

"C-chloee.. Z-zoee.." tawag ko sa kanila habang nakikitang nasasaktan sila.

"N-Nicole." tanging usal nilang dalawa.

Pinilit kong hawakan ang dalawang kamay nila dahil hindi naman kami makalabang tatlo, naramdaman ko ang umaagos na dugo na nagmumula sa noo ko dahil nabuksan yung sugat ko sa kilay.

"Mommy... Daddy.." tanging usal naming tatlo.

Wala kaming ibang nagawa kundi ang umiyak dahil sa sitwasyon namin. Animo may rambol sa loob ng office ng principal, walang nagawa ang mga sigaw nya dahil hindi sya pinapakinggan ng mga tao sa loob.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now