Kabanata 4: Insecure

862 29 0
                                    


Chloe POV

Bigla nalang umalis si Nicole at hindi ko alam kung bakit. Sa paglabas nya ng canteen ay nakita kong sumunod sa kanya ang nagpakilalang Zander kanina, sigurado akong may gusto ito sa bunso namin. Dama ko na agad sa mga titig nya kanina. Napansin ko namang nakatingin sa nilabasan nila si Zoe na malungkot ang mukha at parang nadismaya.

"Ok ka lang ba?" untag ko sa kanya na ikinabalik ng wisyo nyang naglakbay.

"O-oo naman, ang bilis naman kumain ni Nicole, saan kaya ang punta nya?" paglilihis nya.

"Baka sa room na, yun ang sabi niya diba? alam mo naman yun may tupak, paminsan-minsan." tugon ko.

Hindi na sya umimik pa. Nararamdaman ko na may kakaiba sa kanya, mukhang magkakaroon pa sila ng triangle ni Nicole.

"Hmmmnn.. Zoe, pwede bang makuha ang number mo?" tanong noong Joshua.

"Bakit ko naman ibibigay sayo? close ba tayo?" balik-tanong ng kapatid ko.

Ayan na, umabante na naman ang pagiging prangka nya. Napakamot nalang sa ulo si Joshua na humihingi ng number nya. Dahil sa naawa ako rito ay isinulat ko ito sa papel at palihim na inabot dito.

"Yan yung number nya." senyas ko habang hindi nakikita ni Zoe. Ngumiti naman sya sa akin at nginitian ko din sya. Nakita kong matamang nakatingin lang sa akin si Angelo kaya pinuna ko ito.

"May dumi ba ang mukha ko?"

"Huh? w-wala, masaya lang akong pagmasdan ka." ah! Bolero.

Bago pa ako makasagot ay bigla ng nag bell kaya tumayo na kami upang magtungo sa mga room namin.

"Ingat sila sa inyo ha?" biro ko.

Nananatiling tahimik lang si Zoe mukhang nahawa na ata sa pagiging walang imik ni Nicole. Hanggang pagdating ng room ay hindi pa rin sya nagsasalita. Ano bang tumatakbo sa utak nito at nagkakaganito to? Nagagalit sya kay Nicole dahil sa mababaw na dahilan? Sumapit ang hapon at ang dating isa na tahimik ay nadagdagan dahil kay Zoe.

Dinaanan kami ni daddy para isabay sa pag-uwe nya. Dumaan kami sa isang ice cream parlor na paborito naming gawin bago umuwe ng bahay kasama si daddy o di kaya ay si mommy. Umorder ako ng vanilla, rocky road si Zoe at strawberry si Nicole. Matapos kumain ay umuwe na rin kami ng bahay upang makapahinga na rin si daddy. Alam naming pagud sya buong araw sa trabaho nya.

"Kumusta ang unang araw nyo girls?" Alam na kung sino ang tumatawag sa amin nyan, si mommy.

Nasa hapag kami at kasalukuyang kumakain ng hapunan.

"As usual boring ang first day," tugon ni Zoe.

"Nakakilala ako ng new friend." Nicole. May nakilala rin ako syempre pero ano ba yun friend ko o schoolmate lang?

"Tulad ng dati." tipid kong saad.

"Zoe, what happened? bakit parang ang init ng bait mo? Sumanib ba sa'yo ang pagiging tahimik ni Nicole?" ayan na, napansin na siya ng reyna.

Actually pag kumakain kami ng hapunan 'yan si Zoe ang pinakamadaldal, ang daming kwento at kung anu ano pa, inagaw nya na nga sakin yung pagiging storyteller ko ei, tas ngayon yung pagiging tahimik naman ni Nicole ang bet nya?

"Wala po mommy, may nangyari lang po kanina that makes me upset." sagot nito, wala daw pero may nangyari? Ang gulo lang.

"Mommy, Daddy. I'm done, I'm going to bed na, goodnight." hindi na ako nagtaka ganyan naman yan lagi Nicole kaya imposible sya ang reason.

"Goodnight." bigkas namin maliban kay Zoe.

"Zoe tell me the truth, nag-away ba kayo ni Nicole?" tanong ng hari.

Buenavista Triplet'sWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu