Kabanata 19: Panda

358 21 0
                                    

Matapos nilang ubusin ang ice cream ay hinanap nila ang kanilang magulang. Nakaramdam sila ng pagud at the same time saya.

"Girls, maya-maya na tayo umuwi, " anunsyo ng mommy nila.

"Yeah! enjoy nyo muna ang lahat dahil matatagalan tayo bago bumalik dito." dugtong ng daddy nila. Rumihistro ang pagtataka sa mukha ng triplets. Hindi nila maintindihan kung ano ba talagang nangyayari.

"Mom, bakit po?" tanong ni Zoe.

"Kasi may seminar ang daddy nyo for three months at sasamahan ko sya," paliwanag ng ina.

"P-Po? paano kami daddy for three months?" malungkot na tanong ni Chloe.

"Mga big girls na kayo diba? kung wala kayong pasok sa school isasama namin kayo, pero meron, kaya bawi nalang kami ng mommy nyo sa summer ok?" kumbinsi ng ama sa tatlong anak.

Si Nicole na tahimik lang ay biglang nakadama ng lungkot. Lungkot dahil maiiwan sila for three months. Iniisip nya sino ang mag-aalaga sa kanila? Oo, may tig-iisa silang yaya pero iba pa rin yung pag-aaruga ng magulang nila. Humakbang ito palayo sa pamilya at nagtungo sa ferris wheel. Nagtataka man ang mga magulang nya ay naintindihan nila ito.

"Alis po muna ako." saad ni Zoe na tinungo ang kabilang dereksyon upang mapag isa sa videoke room.

Si Chloe naman ay bumalik sa bench na pinanggalingan nila kanina. Hindi maintindihan ng triplets kung bakit aalis pa ang magulang nila dahil para sa kanila, sobra-sobra na yung pera nila. Pinagmasdan nya si Nicole na kasalukuyang pasakay na sa ferris wheel ng mag isa. Nang ibaling nya ang paningin sa kabila ay papasok na rin si Zoe sa videoke room na tiyak kakanta tapos iiyak.

"Mabilis lang naman ang 3 months." naisip nya.

Maya maya ay may tumabi sa kanya sa bench, paglingon nya ay si Angelo ito na seryosong nakatingin sa kanya.

"Chloe... hmmnn.. sorry." sambit nito sa mahinang boses.

"Ayos lang.. sige be happy.. wag muna akong kausapin pa para makamove-on naman ako. Para makalimutan na kita." mapait nitong sagot.

"S-Sige.. salamat sa oras. S-Sorry talaga." sagot nito. Tumayo na ito at nilisan ang bench na kinauupuan nya. Hindi nya maiwasang malungkot pero agad rin itong napalitan ng saya ng makakita sya ng isang mascot ng panda. Tumayo sya at lumapit dito. Nang makalapit ay agad nya itong niyakap.

"Salamat dumating ka, you make me feel happy." saad nito at hinalikan pa ang ilong ng panda.
Nagulat naman ang nasa loob ng panda sa ginawa ng babae. Tatakbo na sana sya ng bigla syang yakaping muli nito ng mahigpit. Hindi nya maintindihan ang babae na umiiyak pa habang makikita sa mata ang labis na kasiyahan..

"Praning na siguro to." bulong pa ng lalaki.

"Huh??.. nagsasalita ang panda!!" bulalas ni Chloe na hindi mawawala sa mukha ang labis na kasayahan.

"Hi Panda.. Ako nga pala si Chloe Buenavista, Fourth Year na ako.. Pwede ba kitang maging kaibigan?" kaway pa nito sa panda.

"Oo naman, ako si Panda." bulong ng mascot. Naupo ang panda at si Chloe sa bench habang yakap nya pa rin ito. Dahil sa ginagawa nya sa panda ay naiibsan yung lungkot na nararamdaman nya. Sa kabilang banda nasa ere na si Nicole hindi nya maiwasang malungkot sa nalaman. Tahimik syang lumuha hanggang matapos ang ride, bumaba sya at muling pumila. Hindi nya alam na patuloy pa rin syang umiiyak habang paulit-ulit na pipila.. sasakay.. pipila.. at muling sasakay..

"Last na to." bulong nya ng maka 10 rides na sya. Dahil nakatungo lang sya isang kamay ang nag-abot sa kanya ng panyo bago sya sumakay. Nang tingnan nya ito ay walang iba kundi ang pinagmamasdan nya kanina.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now