Kabanata 2: Attention seeker

1.2K 41 2
                                    

Zoe POV

Ang sabi nila ako ang pinaka maldita sa aming tatlo. Hindi 'yon totoo dahil mabait din naman ako, iyon nga lang kapag tulog lang ako. Mataray ako, prangka, at seryoso pero inilalagay ko naman 'yon sa lugar. Kaya nasabihan akong mataray dahil ipinagtanggol ko noon si Nicole sa mga umaaway sa kanya. Tinarayan ko dahil sumusobra na. Si Chloe naman noon ay nasampal ng classmate namin. Kung kaya ako ang nakipag giyera dahil hindi niya kayang lumaban. Umiyak lang siya dumurog sa aking puso.

Sinabunutan ko 'yong nang-away sa kanya at pinagkakalmot. Kaya 'yon pinatawag sila Mommy at sinabihan ako na matapang. Hindi likas sa akin ang makipag-away, maliban nalang kung kinakailangan. Katulad noong nangyari kay Chloe at Nicole alangan namang panoorin ko lang na masaktan ang mga kapatid ko, 'di naman pwede 'yon!

Dahil mahal ko sila tulad ng pagmamahal nila sa akin. Close kaming tatlo siguro dahil sa magkakapatid kami. Kami ang nagdadamayan, nagtutulungan at kung may problema man kami na rin ang lumulutas. Kahit na masayahin 'yan si Chloe may kahinaan din 'yan, tulad ng takot sa palaka at ahas.

Takot din naman kami doon ni Nicole, sino bang hindi?

Maging sa horror movies nga taas balahibo naming tatlo. Hindi kami naglilihimang tatlo kaya naman masaya kaming magkakasama. Mas malapit ako kay Mommy pero mahal ko rin si Daddy na ang bet ay si Chloe. Hindi kami nagkakainggitan dahil kung ano 'yong meron sa isa meron din 'yong dalawa. Kaya lang kung minsan hindi maiwasan.

Noong nanood kami ng horror movies pareho kaming napadpad sa kung saan at kung kani-kanino nakahawak, dahil takot nga kami. Wala kaming kaibigan sa school infact tinuturing na namin ang bawat isa na bestfriend. Ilag sa amin ang ibang classmate namin, dahil sa mataray ako, tahimik si Nicole at sa amin lang hyper si Chloe.

Naagaw ang atensyon ko noong lalaking nahawakan ni Nicole kanina. Bukod sa gwapo, sa tingin ko ay mabait at gentleman. Pero teka hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay na kay Nicole ang mga mata niya. Siguro si Nicole ang gusto niya at hindi siya magkakagusto sa akin. Sabi nila si Nicole ang pinakamaganda sa amin, si Chloe maganda rin naman na halos kapantay ng ganda ni Nicole.

Hindi ba maganda ang tingin nila sa akin?

Hindi sa naiinggit ako sa kanilang dalawa pero nasasaktan din ako kapag nakakarinig ng mga pumupuna sa ganda nila. Siguro makikita rin nila na maganda ako hindi nga lang ngayon. Iyong lalaking nahawakan ko kanina ay hindi ko na nakita pa, gwapo rin naman siya kahit saglit lang na nakita ko ang mukha niya.

OMG!

Dapat hindi ko iniisip ang mga bagay na ganito dahil bata pa ako, bata pa kami.

"Sa tingin ko magkaka-crush na ako this year," saad kong malawak ang ngiti.

"Me too.." ngiting segunda ni Nicole.

"Sa tingin ko magkakaroon din ako," seryoso saad ni Chloe, "Magkakaroon na ako ng buwanang dalaw." sinabayan niya ito ng malakas na pagtawa.

Pareho namin siyang tiningnan ni Nicole nang may pagtataka.

"Anong dalaw sinasabi mo?" tanong ni Nicole.

"Ano pa nga ba e 'di 'yong montly period 'yon Nicole," sagot ko dito na umirap pa.

"May crush na rin kaya ako." pilit nitong tumingin sa kawalan.

Naalala ko pa noong third year kami, sabay kaming tatlo na dinatnan ng dalaw at hindi namin alam ang gagawin, dahil first time namin.

Flashback

Magkakasabay kaming tumakbo patungo sa CR habang hawak ang mga palda namin. Nag-aalala kasi kaming matagusan ito. Ang hindi namin alam mas lalong lalakas 'yong labas kung tatakbo kami. Kumuha ako sa vending machine ng napkin. Pumasok kaming tatlo sa iisang cubicle, alam ko na ang gagawin dahil minsan napanood ko ito sa TV.

Buenavista Triplet'sOnde histórias criam vida. Descubra agora