Kabanata 36: Mini Stalker

304 14 0
                                    

Nicole POV

Ang problema ni Chloe ay problema rin naming dalawa ni Zoe. Malakas ang kutob ko na hindi nga talaga kami anak nila mommy at daddy. Habang nakatingin sa labas ng bintana ay inaalala ko ang mga pangyayari nung mga bata palang kami at alam kong kasama ko na silang dalawa mula nung magkaisip ako.

Magiging ganto paba kami ka close kung magkakahiwa-hiwalay na kami? Ang masayang paglalaro namin noon sa isang parang ay lumitaw sa aking balintataw. Siguro mga 6-7 palang kami noong mga panahong yun. Wala kaming pagud na naghahabulan. Hanggang sumapit ang hapunan. Haaay.

Alam kong hindi nagustuhan ng dalawa kung kapatid ang sinabi ko, pero paano nga kung hindi talaga kami related na tatlo? Paano na yung mga dreams namin? Yung mga pangako namin kila mommy at daddy? Kung.. Kung sakaling hindi ko talaga sila kapatid ano ang gagawin ko? Sasama ba ako sa true parents ko o pipiliin kong mag stay lang rito? Kung pipiliin kong mag stay rito, sila kayang dalawa yun rin ang desisyong gagawin? Paano kong idaan sa law? Paano kung piliin nilang dalawa ang sumama? Haaay. Puro nalang paano.

Sumapit na ang umaga ay hindi pa rin kami makatulog kaya naman naisipan ni Chloe na mag jogging kaming tatlo. Alam ko na ang punto nya, para kahit sandali makalimutan namin ang mga iniisip naming tatlo. Alam kong hindi ko yun makakalimutan pero makakalimutan sandali ng aking utak once na mapagud ako. Bibili nalang ako ng puto pagdating ko ng palaza. Tama ganun nalang ang gagawin ko.

Nagsimula na akong mabagal na tumakbo pagkasabi ni Chloe na magtatagpo nalang kami sa favorite spot namin sa plaza. Yun ay sa malawak na damuhan na nakaharap sa playground. Sa aking pagtakbo ang tanging nasa isip ko ay ang aking bibilhing puto oras na sapitin ko ang plaza.

Malayo layo rin ito sa bahay mga 30 mins na jogging ang aming gagawin. Ano na kaya ang lasa ng puto? masarap pa kaya ito tulad ng dati? I want the pink one. Parang tutulo na ang laway ko nangg maisip ko ang gagawin kong pagkain ng puto mamaya, mas maganda kung bibili ako ng mga 50pesos tutal 5 lang ang isa. Napangiti ako sa sarili at binilisan pa ang pagtakbo habang malakas ang tugtog na nagmumula sa phone ko. Sumasabay pa ako sa pag-awit ng paborito kong kanta na nagmumula sa phone ko na LoveYourSelf ni Justine Bieber.

"You should go and love yourself" sabay ko pa.

Tama naman ang kanta dapat mahalin muna ang sarili bago ang ibang tao. Biglang pumasok sa isip ko si Tyron, ang maamo nyang mukha, ang gwapo nyang mga ngiti, ang nangungusap nyang mga mata. Mahal ko na talaga ang taong yun. Sana bigla syang sumulpot mula sa kung saan at sabayan ako mag jogging habang buhay. Kinikilig talaga ako tuwing naiisip ko sya.

Naramdaman ko na may sumagi sa siko ko. May kasabay ba ako? Hindi ko makita ang katabi ko sa pagtakbo, bukod sa naka jacket ako ay naka cap rin ako, paalala to ni mommy sa aming tatlo, ayaw nya kaming magkaubo. Tinanggal ko ang sumbrero ko at humarap sa katabi ko. Agad nanglaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ito. 

"Anong ginagawa mo rito?!" Nakaturong tanong ko sa kanya.

"Ano pa nga ba? Malamang.. Tulad mo nag jo-jojogging rin." Ngiting sagot nya. Nagpalinga-linga ako hinahanap kung sino ang kasama nya. Alam kong hindi sya nagsasabi ng totoo.

"So, bakit nasa tabi kita? Ang lawak ng daan bakit nakadikit ka sa akin??" Masungit kong tanong na tinanggal ko pa ang headset sa tainga.

"Ang sungit mo sa akin..wala naman akong ginagawang masama ah?" Sagot nya.

"Talaga? Sa akin wala, pero sa mga kapatid ko meron. Merong ginagawang kabalbalan ang mga barkada mo!!" Sigaw ko.

"Wait.. Sila yun at hindi ako!!" Paliwanag nya.

"Whatever. Ayoko ng makipag-usap pa sayo, dahil mismong ako ay pinaasa mo, pinaasa mo sa WALA!!" Dilat ko sa kanya kaya nanahimik sya.

"Don't follow me. If you do that, ipapapulis kita, I will told them na STALKER kita Zander!!" Paalala ko sa kanya.

Tumalikod na ako, muli kong isinuot ang headset, ang cap ko at muling tumakbo. Lumingon ako sa kanya na naiwang nakatayo at nakatanga lang sa akin. Kulang pa ang ginawa ko sa kanya, kulang pa yung kabayaran sa pang-aapi ng barkada nya sa dalawang kapatid ko.

Makaraan ang ilang sandali ay nakarating na ako sa plaza, hinanap ko ang nagtitinda ng mga kakanin ngunit bigo ako. Wala akong nakita kahit isang piraso ng puto, sa halip bibingka ang nasilayan ko kaya ito nalang ang binili ko tutal favorite ko rin naman to at maging ni Zoe.

Bumili ako ng halagang 100pesos at naghanap ng mabibilhan ng softdrinks. Pagkabili ay naupo muna ako saglit at kumain ng ilang piraso ng bibingka dahil nagutom ako sa pagtakbo. Biglang nabaling ang paningin ko sa dalawang tao na bumibili ngayon ng bibingka.

"A-Angelo? OMG! nakita na kaya sya or sila ni Chloe?" bulong ko. Tumayo ako dahil ayukong makita nila akong dalawa.

Naglakad na ko patungo sa favorite spot namin baka sakaling nandoon na silang dalawa at mahaba na ang leeg sa paghihintay sa akin. Bumili ako ng royal in can ng mapadaan sa nagtitinda nito. Mahirap na baka mamaya uhaw na uhaw sila. Binitbit ko ang plastik ng bibingka at plastik ng royal. Pagdating ko sa tagpuan ay wala pa sila. Siguro natrapik sila naisip ko. Nagtungo ako sa may swing at naupo dito habang kandong ko ang mga pagkain namin.

"10mins.." bulong ko na ang ibig kong sabihin ay 10 mins akong uupo dito at pupunta na rin sa tagpuan. Nagduyan lang ako hanggang sa maubos ang 10mins. Tumayo ako at muling bumalik sa tagpuan. Laking gulat ko ng wala pa rin sila.

"Asan na ba sila?" bulong ko. Naupo ako sa damuhan. Dito ko nalang sila hihintayin. Nagbukas ako ng royal in can at paunti-unti itong ininom.

Buenavista Triplet'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon