Kabanata 58: Accident after Graduation

398 13 0
                                    

Zoe POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas at ngayon nga ang araw ng graduation naming tatlo. Sa nagdaang dalawang linggo ay maraming nangyari. Nakalabas na sa hospital si Chloe at medyo nakakalakad na rin sya ngayon yun nga lang kailangan niya ng isang saklay upang maayos na makalakad. Ayaw naman niyang magpaakay sa amin ni Nicole, siguro dahil ipinapakita niya sa aming kaya niya, matatag sya at malakas siya.

Noong nakaraang araw ay graduation nila Cly at umattend kaming tatlo. Sumama pa rin si Chloe kahit na nahihirapan siya dahil sabi niya ayaw niya ng maka missed pa ng ibang happenings sa amin. Siguro dahil napanood niya kung gaano kami kasaya noong JS ni Lay kaya naging mapilit siya. Tulad ng inaasahan grumaduate si Cly bilang valedictorian at marami syang parangal na nakuha. After ng graduation niya ay agad rin kaming umuwi dahil sa kalagayan ni Chloe.

Yung graduation naman ni Lay ay kahapon ginanap at sa di inaasahang pangyayari hindi na naman nakasama si Chloe sa amin. Dahil nanakit ang dalawang legs niya at hindi sya makalakad. Ayaw naman niyang mag wheelchair, ang sabi ni daddy na pwersa daw yun dahil noong nakaraan. Siguro nga nagtatampo na sa kanya si Lay pero alam ko namang maiintindihan niya ang sitwasyon nito at isa pa present naman kaming dalawa ni Nicole. Speaking of Nicole nasa harapan ko sya ngayon at pinapatingnan sa akin kung ayos na raw ba ang itsura niya.

"Maganda ka naman talaga kahit na gusgusin ka pa," pang-aasar ko sa kanya.

"Isa Zoe, aakyat ako ng stage mamaya upang mag speech at makikita ng lahat kung ano ang itsura ko," wika nito na naupo pa.

"Maganda ka na nga Nicole, tama na 'yan, nakakahalata na kami sa'yo ha. Mukhang inilalampaso mo ang beauty naming dalawa ni Zoe." singit ni Chloe na nakaupo sa kama. Sya yung unang inayusan namin at tinulungan magbihis kaya tapos na sya.

"Hahaha. Grabe kayo sa akin ha." Irap lang ni Nicole sabay harap sa salamin.

"Basag na yung salamin, kanina ka pa harap ng harap diyan." bulong ko.

"G-Ganyan kayo sa akin ha. Porket ayos na ang mga itsura nyo." wika niyang humikbi pa.

"Uyy, wag kang iiyak. Sige na, i reretouch na kita." maagap kong wika bago pa ma lapse ang kolorete sa mukha niya.

Pinaupo ko sya at nilagyan lang ng kaunting foundation. Mas bagay sa kanya ang simple yet mukha syang artista. Dinagdagan ko ang lipstick niya para pareho ng pula ang labi naming tatlo. Hahaha. Ano na kayang mangyayari sa amin after nito? After ng highschool namin?

"Tama na yan, maganda na sya!" singit ni Chloe na sinamaan ng tingin ni Nicole.

"Group hug na tayo." bulalas ko at hinila si Nicole palapit kay Chloe. Hindi ko pwedeng hilahin si Chloe dahil may pilay siya.

Nag group hug kami at pagkatapos noon ay inalalayan na namin si Chloe pababa ng hagdan. Sinalubong naman kami nila Mommy at Daddy na may matagumpay na ngiti. Sino ba namang mga magulang ang hindi magiging masaya kung makita nilang ang mga bata noong inalagaan nila ay mga magagandang dalagita na at ga-graduate na sa sekondarya. Diba?

"Walang kupas kayo pa rin ang Buenavista triplets namin mula noon." sambit ni Mommy na isa-isa kaming niyayakap.

"Syempre, saan pa ba magmamana ang mga batang yan? Sa tatay nilang doctor at sa nanay nilang abugado." ngisi ni daddy na hinalikan pa kami sa buhok.

Napakaswerte namin na nakatagpo kami ng ganitong pamilya. Kahit pa hindi kami kaano-ano at hindi kami totoong nanggaling sa kanila ay inari pa rin nilang mga anak talaga kami. Sana lang yung pamilya kong totoo ay tulad rin nila, tulad rin nila na may malasakit sa iba. Pero I bet wala dahil kung tulad nila ang mga ito, hindi nila maaatim na ipamigay ang anak nila sa pag-aaruga ng iba.

Buenavista Triplet'sKde žijí příběhy. Začni objevovat