Kabanata 35: Still affected

315 14 0
                                    

Chloe POV

I'm scared, ang makita ang mukha ng babaeng 'yun ay parang isang bangungot. She said she is my real mother at hindi ko alam kung ano ang nais nyang iparating sa akin or sa amin rather. Kung natakot ako ay mas natakot ang mga kapatid ko.

Una dahil sinasabi nilang sila ang mga nanay namin, Pangalawa dahil ayaw naming magkahiwa-hiwalay, Pangatlo mahal na mahal namin sila mommy at daddy at ganun rin sila sa amin. Hindi ako naniniwala sa kanila. Napailing nalang ako dahil sa mga oras na ito ay naguguluhan na rin ako.

Nakakulong lang kami sa room, buti nalang at weekend ngayon kasi kung hindi ayaw namin pumasok ng school. Hinihintay namin sila daddy na nasa byahe na. Nakita ko si Zoe na palakad-lakad sa loob ng kwarto namin habang kagat-kagat ang daliri nya. Si Nicole naman ay nakahalumbaba habang nakatanaw sa labas ng bintana. At ako? heto naka-upo sa kama namin at nakayakap sa mga binti ko.

"Chloe do you think nagsasabi sila ng totoo?" maya-maya ay tanong sa akin ni Zoe. Umiling ako.

"Ayukong isipin na totoo ang sinasabi nila, hindi ako naniniwala sa kanila." mariin kong wika.

"What if, totoo lahat ng sinasabi nila? What if, were not related? At What if hindi talaga tayo true na triplets?" Sabad ni Nicole na nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Oo nga, paano kung hindi? Napatigil si Zoe sa paglakad at ako naman ay napako ang tingin kay Nicole.

"Sssh.. Hindi totoo yun, bakit naman magsisinungaling sila daddy sa atin?" Tanong ko.

"I don't know, pero look at us. Hindi tayo magkakamukha tulad nila Tyron at ng mga kapatid nya." tugon nya sa tanong ko.

"Mga sis.. Teka lang ha? Bago kayo mag-isip ng kung anu-ano dyan, tigilan nyo na hintayin nalang natin sila mommy ng sila ang magpaliwanag." Awat sa amin ni Zoe.

Tumahimik ako, maging si Nicole ay nanahimik na rin. Paano kung yung mga haka-haka nya ay totoo? Paano nga kung hindi kami related at hindi rin magkakapatid? Paano kung ampon lang kami na may magkakasabay na birthday? Haaay.. Siguradong malulungkot kaming tatlo ng sobra pag ganun nga ang totoo. Hihintayin nalang namin sina daddy, para malinawan kaming tatlo. Hindi naman siguro nila itatago sa amin ang totoo.

Dumaan ang magdamag at halos hindi kami makatulog ng ayos lalo na ako. Pabiling-biling ako sa higaan na para bang may masakit sa akin pero wala naman. Kanina ko pa nararamdaman ang pagsipa ni Nicole sa paahan nya gayung wala naman syang tinatamaan. Si Zoe kahit nakapikit ay galaw ng galaw rin, wala namang lamok o ano pa mang insekto ang kwarto namin. Panay ang sabi ko ng "tsss.." dinaig ko pa ang ahas na naghahanap ng pagkain.

Halos sabay-sabay kaming tatlo na napabangon sa higaan. Tumayo ako at binuksan ng ilaw, samantalang ibinato ni Zoe ang kumot nya sa sahig at si Nicole nagtungo sa banyo.

"Hindi ako makatulog." duet naming tatlo.

Napatingin kami sa isa't-isa at halos iisa lang ang aming mga itsura. Nakakunot na noo, nakasimangot na bibig at halos maiyak na sa inis. Naupo ako, sumunod si Zoe, si Nicole ay nakatayo lang sa harapan namin at nakahalukipkip.

"Tawagan natin ang mga boys, baka may suggestions sila." saad ni Zoe.

"No, we can't called them. At this time natutulog na sila at maiistorbo sila." sagot ni Nicole.

"Arggghh!" sambit ni Nicole.

"So anong gagawin natin?" senyas na tanong ni Zoe.

"Matulog at piliting matulog." singit ko.

"Chloe..paano tayo matutulog kung pare-pareho lang tayo ng iniisip?" tanong ni Zoe. Umiling lang ako.

Paano nga ba kami matutulog kung abala sa paglalakbay ang mga utak namin at stress na sa paghahanap ng tamang sagot. Sya nga pala nagtataka ba kayo kung paano namin matatawagan ang Bell Kiddo?? Binilhan namin sila ng phone same ng mga model ng phone namin.

At si Nicole hindi lang phone ang binili para kay Tyron maging slippers at new shoes, ang galante nuh? Si Zoe ang binigay kay Clyron ay new clothes at phone. At ako? New bag pampasok nya at new phone rin, pero teka.. hindi pera nila mommy at daddy ang winaldas namin, galing yun sa mga naipon namin every holidays.

Nabalik sa kasalukuyan ang utak ko ng pabagsak na nahiga si Nicole sa kama namin. At ganun rin ang ginawa ni Zoe.

"Kalma! what if mag swimming tayo ngayon? habang.. habang hinihintay natin sila?" tanong ko. Tumihaya ang dalawa at sabay na umiling.

"Malamig.." walang buhay nilang duet.

Nahiga na rin ako sa tabi nila at pinikit ang mata pero di pa rin makatulog. Ang ending tumayo kami ng makitang 5:00am na upang mag jogging ng mawala ang aming mga iniisip. Mga after o before lunch ang dating nila mommy mula sa byahe kaya aaliwin nalang muna namin ang mga sarili namin. Nag sumbrero kami dahil mahamog pa, habang nakasuot ng jogging pants at rubbershoes. Nagpaalam kami kila yaya para di kami hanapin.

"Magkita tayo sa plaza, doon sa favorite spot natin ha?" paalala ko sa kanila. Tumango lang ang dalawa at isinalpak ang mga headseat nila sa tainga at nagsimula ng mag jogging.

Nag headseat na rin ako at tulad nila nagsimula ng mag jog. Hindi pa ako nakakalayo ng makita ko si Angelo kasama yung malaking peklat na nag jo-jogging rin. Of all places sa mundo bakit dito ko pa sila makikita kung kailang badtrip na badtrip ako. Nilakasan ko ang volume ng phone ko at ibinaba ng kaunti pababa ang cap ko para kunwari hindi ko sila nakita.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag jog hanggang sa mabangga ko sila. Itinaas ko lang ang isang kamay ko at patuloy na nag jog kaya hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nila. Tinanggal ko ang isang headseat ko at pinakinggan kung ano ang nangyayari sa paligid.

"Damn that girl! Hindi ba sya tumitingin sa dinaraanan nya??" himutok ng babae.

"Kalma ka lang, hindi ka naman nabalian diba? at isa pa di nya yun sinasadya dahil natatabunan ang mukha nya." explain ni Angelo infairness mabait pa rin sya.

"Kahit na, dapat di na lang sya nag ka cap kung di naman sya marunong!! ka-imbyerna!!" muling sabi ng babae. Napangiti ako at pinagpatuloy ang pag takbo.

"Buti nga sayo, sinasadya o di sinasadya atleast nakaganti ako ng bahagya sa pagyurak mo sa pagkatao ko." bulong ko.

Napatigil ako sa pagtakbo, diba dapat hindi na ako apektado kung makita ko man sila? bakit parang masaya pa ako na nakaisa ako sa kanila?" bulong ko. Haaay. Ewan.

Baka naman wala lang to at isa pa gusto ko na si Layron. Sige lang Chloe, ipagpatuloy mo ang pagsisinungaling sa sarili mo. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang matanaw ko ang isang manong na nagtitinda ng taho. Lumapit ako dito at bumili ng halagang 20pesos. Tumigil ako saglit upang kainin ang taho ko at pagkaubos ay muli akong tumakbo. Kahit sandali nakalimutan ko na may problema kaming tatlo.

Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now