Kabanata 15: My Savior

389 22 0
                                    

Nilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko, bakit ganon? bakit ganon ang mundo? napaka unfair. Papakilala sakin ang isang tao tapos pag natuto ko ng mahalin saka biglang may lalabas na katotohanan na hindi pala sya nababagay sa akin. Nakaupo lang ako habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Yakap-yakap pa rin ako ng dalawa habang nakatayo sa likuran namin ang mga taong nagmamahal sa kanila.

Makaraan ang isang oras na pag iyak ay tumigil na ako dahil wala ng luhang mailabas pa ang mga mata ko. Inalo ako ng masasayang ngiti nila. Ni hindi sila nagsalita basta pinaramdam nila sa akin na hindi ako nag -iisa. Dahil ayaw naming masayang ang oras nagkayayaan kami sa horror booth baka sakaling mawala rito ang sama ng loob ko. Kahit takot ang dalawang kambal ko ay sinamahan pa rin nila ako. Magkakahawak sila ng kamay habang ako back to normal na nakahawak kay Chloe.

Pumasok kami sa loob. Waaah! ang dilim.. Ang kalungkotang nadarama kanina ay napalitan ng takot, dapat hindi na ako nagyaya pa rito. Nais kung tumakbo palabas pero huli na ang lahat. Naisara na ang pintuan ng room na ginamit para gawing horror booth. Dahil sa kaba ay napabitaw ako sa pagkakahawak kay Chloe at dahil madilim hindi ko na alam kung nasaan sila.

Ang narinig ko nalang ang mga huning ngayon ko lang narinig maging ang tilian ng mga student sa loob. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan, ayaw kong humakbang pero kung hindi ko gagawin yun hindi ako makakalabas ng room. Tumakbo ako ng mabilis, nagpaikot-ikot ako sa buong room at hindi ko makita ang daan palabas. Napatili narin ako dahil sa mga humahabol at humahawak sa akin. Andyan pa ang paglipad ng kabaong sa likuran ko.

"Waaaaahhhh!!!! huhuhuhu.. mommy.. daddy.." usal ko na di mapigilang maiyak.

Hanggang sa may nabangga akong bulto ng tao. Napayakap ako sa kanya at ganun rin sya sa akin. Kapwa nanginginig ang aming katawan. Isa lang ang naisip ko isa ito sa kapatid ko dahil takot rin sya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at magkasabay na hinanap ang daan.

Paglabas namin ng room ay napamulagat ako. Hindi sya isa sa mga kapatid ko kundi isa syang lalaki. Classmate namin sya at sa itsura nya di mo aakalaing duwag rin sya. Ngumiti lang sya sa akin at binitawan ang kamay ko. Nawala na sya sa paningin ko dahil siguro sa labis na hiya. Napatingin ako sa mga kapatid ko na pinipigilang matawa. Ngayon ko lang napagtanto na may itsura ang lalaking yun at sya ang top 1 ng klase namin. Ngayon ko lang sya natitigan ng matagal. Nagkibit-balikat nalang ako sa mga kapatid ko.

                                ~*~

Zoe POV 

Dahil sa nangyari kanina nasaktan na naman ang kapatid ko. Lagi nalang syang nasasaktan ng hindi naman nya kasalanan kung bakit. Alam ko at nararamdan ko na mahal na nya si Zander, yun nga lang may bulateng umepal. Haaay.

Kailan kaya nya matatagpuan yung totoong magpapaligaya sa kanya? Para tuloy gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kaya lang kung di ko yun ginawa mas masasaktan sya sa mga susunod na panahon. Hindi kami nagsasalita niyakap lang namin sya hanggang mawala na yung sakit na nararamdaman nya. Akala ko sya na talaga ang para sa kapatid ko pero mali kaming lahat. Nagkamali kami.

Ayaw ko sa plano nilang pumasok sa horror booth. May trauma kami at ayaw ko ng maulit pa ang lahat, pero dahil mapilit si bunso pinagbigyan na namin at isa pa andyan naman si Josh para sa akin. Nang pumasok kami sa horror booth ay tinaasan ako ng lahat ng balahibo sa katawan, hindi ko naisip na mas nakakatakot pala pag ikaw na mismo yung nasa sitwasyon. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Josh, ayaw kong maiwan na alam kung ikinatuwa ng mokong.

Dahil sa hindi takot si Josh mabilis kaming nakalabas sumunod sina Chloe, ang tagal ni Nicole hindi ko alam kung ano na ba talagang nangyari sa kanya. Naisip ko na baka nahimatay na sya sa takot, pinilig ko ang aking ulo. Hindi yun mangyayari sa kanya dahil matapang sya, dahil matatag sya at dahil kaya nya ang sarili nya.

Makaraan ang kalahating oras sa wakas ay nakalabas na rin sya. Nagulat kami sa nakita, may kahawak syang ibang lalaki. Iisipin ko na sanang si Zander yun ngunit baligtad ang itsura nya dito.

Nang humarap sa amin ay mas lalo akong nagulat, I mean kaming lahat ay nagulat. Si Tyron Bell ang kahawak kamay niya, ang pinakamatalino sa class namin, siya ang top 1 at the same time loner, hindi sya mayaman subalit napakatalino nya.

Hindi mo iisipin na takot rin sya sa horror dahil ang talino nya. Halos lahat ng subject sya ang nangunguna. Wala syang barkada at wala rin syang kaibigan. Dahil lahat ng students nangingilag sa kanya, sabi ng iba pulubi sya, sabi ng iba baliw na sya, at wala naman kaming pakialam kung ano nga ba ang pagkatao nya.

Ang isang palaisipan sa akin ay kung bakit pinagtagpo ang kapatid ko at sya. Nang makita nya kami ay agad syang umalis, habang si Nicole ay tulala, hindi ko alam kung dahil pa sa takot o dahil nakaholding hands nya ang top 1. Hindi naman sya pangit, pumapangit lang ang itsura nya dahil sa maduming uniform nya na siguro mula 1st year yun na ang gamit nya. Marami ring nagkakagusto sa kanya but always nilang tinitingnan yung estado nito sa buhay.

Nang makabawi ang lahat ay nagtungo kami sa cafeteria at doon nagpalipas ng oras hanggang mag uwian na. Ang alam ko maligaya akong nakasama ko si Josh maghapon. May iniabot pa syang regalo sakin, hindi ko naman birthday. Bukas ko nalang sya reregaluhan.

                             ~*~

Nicole POV

Nagulat talaga ako sa nangyari kanina kaya heto ako tulala pa rin habang umiinom ng sprite. Hindi sya pangit, nagiging mukhang weirdo at seryoso lang sya dahil sa matalino sya. Ngayon ko lang sya napansin dahil dati lagi syang nakaiwas, hindi ko alam na magkakaroon ako ng oras upang mahawakan ang kamay nya.

Magaspang ito at mukhang puro kalyo dahil siguro nagtratrabaho sya at the same time nag-aaral, bigla akong nagkaroon ng interes na makilala sya. Ang sobrang sakit na nararamdaman ko kanina ay nawala na, parang nag renew ang energy ko at parang walang nangyari. Parang bigla akong naging interesado na kilalanin siya, si Mr.Top1.

Uwian na kaya nagsitayuan na kami. Inabutan ni Josh si Zoe ng regalo, naisip ko lang ano kaya ang laman ng regalong yun. Lumabas kami ng gate at nagkatinginan ni Chloe. Iisa lang ang tumatakbo sa isip naming dalawa, aagawin namin ang regalo then kaming dalawa ang magbubukas. Bwahahaa! evil laugh sa utak naming dalawa. Ngumiti si Chloe sa akin senyales na oras na para agawin ang regalo nya.

"Yaaah! Chloe.. ibalik mo sa'kin 'yan!!" sigaw ni Zoe na habol habol ito. Inihagis ito ni Chloe sa akin at buti nalang nasalo ko, ako naman ngayon ang tumakbo at ako naman ang hinahabol nya.

"Isa.. Dalawa.. Ibalik nyo sakin yan!!" muling sigaw nito na malapit ng maiyak.

Halos mamatay kaming dalawa ni Chloe sa kakatawa dahil sa itsura ni Zoe, na malapit ng umiyak. Nang muling masalo ni Chloe ang box ay binuksan nya na ito at tumambad sa amin ang couple shirt na may tatak na "Be Mine!" tas "Im Yours!" kulay pink pa.

"Ahhahaa!!!" duet na tawa namin ni Chloe. Hindi pa dito natatapos ang kalukuhan namin, muling pinagpasa pasahan ulit namin ang damit.

"Tatlooooo....!!!" sigaw ni Zoe kaya naman kumaripas na ako ng takbo paikot-ikot sa puno at ganun din si Chloe habang tawa ng tawa. Bigla akong natisod sa ugat at biglang lumipad na parang si Darnaaa..

"Aaaaaiii.." gasp ng mga taong nakakita sa akin. Dahil sa matinding takot ay napapikit ako dahil ayukong makita ang pagbagsak ko dahil sa katangahan ko. Siguradong magkakabangas ako nito at mga galos.

Napamulat ako ng marinig kong parang may nahirapang huminga. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Tyron na nadadaganan ko. Mr. Top 1, saved me again.


Buenavista Triplet'sWhere stories live. Discover now