Chapter 47

98.9K 2.1K 127
                                    

CHAPTER 47

DALISAY's POV

"I-ikaw?" Tinitigan ko siya sa mga mata at halos magningning iyon. "Luto mo talaga ang kinakain ko?"

"Yes, Isay. Kasabwat ko silang lahat." Pinisil niya ang aking pisngi at hindi ko na naman naiwasan ang maging emosyonal. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang sarili kong maiyak na naman. "I was living next door and enjoying the freedom of simply staring at you. How you smile. How you bite your lips when you're starting to get emotional. How you wrote my names in the sand... a lot of times. Everyday..." Hinapyawan niya ang pangalan niyang nakasulat sa buhangin bago ulit ibalik sa akin ang tingin. "How much you've been missing me... Everything you do, Isay. I knew it all."

Napayuko ako at tila kinukurot ang puso ko sa mga ipinagtapat niyang iyon.

"Walang araw na hindi kita naisip, Danzel. Alam mo ba pinaglihan ko pa ang mga luto mo... At isip ko talaga, magaling lang magluto si Lola Trining at kuhang-kuha ang paraan mo," nangingiti pang sabi ko at ang sarap lang sa pakiramdam na kahit 'di ko siya nakikita ay ginagawa niya ang lahat para alagaan kami ng baby ko.

"I can still remember how you smiled and remembered the taste of the food that I cooked for you. And, you kept on craving for them."

"Ginawa mo 'yun lahat?" Nagluha na naman ang aking mga mata at ang hirap pigilan ng luhang dulot nang sobrang kaligayahan.

Mahal ako ni Danzel.

"Ikaw rin ang nagpapadala ng sampaguita?"

"Uhumm..." Marahan pa siyang tumango at ngayon pa lang ay gusto ko na siyang pugpugin nang halik.

"Kaya pala may rasyon ako palagi... Ikaw pala 'yun."

"Yes, Isay... I always made sure that you're well taken care of. I love watching you. How warm you treat people around you and especially the kids. I love everything about you. I even love listening to your voice when you're singing 'Oh Babe' each night you missed me. Those nights that I've been missing you so badly too..." Nagluluha rin ang kanyang mga mata habang hinahaplos ang aking pisngi. "I really owe Maimai a lot. I love that kid," natatawa pa niyang sabi at saglit na itinigil ang paghaplos sa aking pisngi.

"Maimai? Kasabwat mo rin si Maimai?" Halos manlaki ang aking mga mata. Pati pala bata kasabwat na rin niya.

"'Yung unan?"

"Kagagawan niya," mabilis naman niyang sagot.

"Oh my..." Nanlaki ang aking mga mata sa sobrang gulat. "Akala ko ay nawawalan na ako ng turnilyo sa ulo kasi pati sa unan ko naaamoy kita... Iyon pala..."

"I have yours on my room."

Mataman akong napatitig sa kanya at hindi ko na naman napigilan ang pagluluha ng aking mga mata. Akala ko nawala na talaga siya sa akin. Akala ko lang pala 'yun.

"I have sleepless nights without you by my side, Isay. I will never be the same without you." Muli niyang ginagap ang aking mukha at mataman akong tinitigan sa mga mata. Nang maglandas ang luha sa kanyang mga mata ay halos madurog ang puso ko sa pinaghalong kaligayahan at sakit. "I want you in my life, Isay. Will you be my babe for the rest of my life?"

Saglit akong nablanko at hinanap ang katotohanan sa kanyang mga mata.

"P-pero Danzel?" Alanganin pa akong napatitig sa kanya. "S-sigurado ka ba d'yan? Gusto mo pa rin akong pakasalan?"

"Please marry me, Isay. I still want you to be my wife."

Saglit akong natahimik at muli na naman akong napaiyak pero hindi ko na napigil ang ngiti sa aking labi.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon