Chapter 21

74.9K 2.2K 145
                                    

CHAPTER 21

DANZEL ERSHAD's POV

Nangangatog pa rin ako sa galit hanggang ngayon. Kung hindi siguro ako pinigilan ni Isay ay baka napatay ko ang hayop na Tatay ni Odik. Mabuti na lang at naisipan ko talaga siyang sundan nang matantiya kong masyado na siyang nagtatagal sa loob. Good thing, I didn't trust that asshole.

Matagal-tagal ding nagbanyo si Isay at sa totoo lang ay hindi na ako mapakali. I'm worried na may nangyari na sa kanya sa loob. Kakatukin ko na sana siya nang biglang magbukas ang pinto.

"Are you okay?" wala pa sa loob na tanong ko at gusto ko sanang batukan ang aking sarili. Of course she's not okay! Stupid!

Mapait lang siyang ngumiti at bahagyang tumango. Nagmukhang bistida sa kanya ang aking t-shirt but she's still very beautiful.

"I'll just shower, okay? Wait, right here." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at marahan lamang siyang tumango.

Agad akong pumasok sa banyo at nagshower. Sobrang lagkit nang pakiramdam dahil sa sobrang init kanina. May kaunting galos ang aking kamay dahil sa pagsuntok ko kanina sa Tatay ni Odik. I'm pretty sure, it would take a week for him to heal. That mother fucker.

Hindi naman na rin ako nagtagal sa banyo dahil nag-aalala ako para kay Isay. Pagbukas ko sa pinto ay naabutan ko siyang nakaupo sa bed at tulala.

"Binuksan mo sana ang tv, Isay."

Pero sa halip na sumagot ay tulala pa rin siyang nakatitig sa kawalan. Isinampay ko muna ulit ang towel matapos na magpunas ng buhok. I am wearing a sando and a pajama bottoms. I usually wore boxers in bed, but looked like I needed to cover up for Isay.

Nilapitan ko si Isay na tulala pa rin and her face was covered with tears. Pagkaupo ko sa kanyang tabi ay bumuhos nang husto ang kanyang luha. Mariin niyang pinahid iyon gamit ang kanyang mga kamay. Pinunasan rin niya nang sobrang diin ang kanyang labi na kulang na lang ay mabura sa kanyang puwersa.

"Hey, stop that." Pinigilan ko siya pero panay pa rin ang kanyang pag-iyak at nangangatog pa rin ang buo niyang katawan.

"Hayop siya! Walang hiya siya, Danzel! Itinuring ko siyang ama! Hayop siya!" humihikbi pa ring sabi niya at panay pa rin ang punas sa kanyang labi.

"Hey, Isay..." Pilit ko siyang hinarap at hinuli ang kanyang mga titig. "It will never happen again. I promise you that. You'll be safe here with me."

Luhaan siyang tumitig sa akin at bakas pa rin sa kanyang mga mata ang labis na takot at galit. Ginagap ko ang kanyang mukha at patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.

Pero gan'un na lang din ang gulat ko nang bigla niyang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa aking leeg at hinila ako para halikan.

"I-isay?"

"Burahin mo 'yun, Danz. Ayoko nang alaala na 'yun," nagmamakaawa pang sabi niya at hindi ko maiwasang mag-alangan.

"Isay..." Tinitigan ko siya at hinanap ang katotohanan sa kanyang mga mata. She needed me. My heart twitched in pain for her.

"Please..." sumamo pa niya habang umiiyak.

Sinunod ko ang kanyang gusto at yumuko ako para halikan siya nang banayad. Umiiyak siyang tumugon at panay ang haplos sa aking pisngi. Hanggang sa unti-unti iyong dumidiin at dahan-dahang ko siyang inihiga sa bed. This was the very first time that I felt this kind of need.

Panay pa rin ang haplos niya sa aking mukha at sa leeg habang naghahalikan. Bahagya kong idinilat ang aking mata upang panoorin ang kanyang ekspresyon and she's still crying. I closed my eyes and I felt her pain.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon