Chapter 2

84K 2.1K 148
                                    

CHAPTER 2

DALISAY's POV

Hindi ako mapakali dahil kailangan ko na magmadali. Ang sabi ni Odik, wala akong dapat aksayahing panahon. Kung maidadaan ko sa dahas si Danzel ay gawin ko na. At sa totoo lang ay hindi ako sigurado sa dapat kong gawin. E hello naman! Kailangan ko raw halikan si Danzel sa lips! Timingan ko raw na walang ibang tao at sunggaban ko! Putcha! Desperada moves talaga! Hindi ko pa nga ginagawa ay kinakabahan na ako. Ni hindi ko pa naman naranasan ang manghalik! Paano ko magagawa iyon nang tama? Gusto pa ng baklang 'yun na magpraktis kami kagabi pero yuck! Nakikita ko pa lang ang mukha niya ay nasusuka na ako! Alam kong hindi kami talo pero hindi ko pa rin siya kayang halikan! At ngayon, kailangan ko gawin kay Danzel para raw mag-marka ako sa utak n'ong tao. At sa mga plano niya ay ako pa rin ang lalabas na talunan. Gusto ko mang magback-out na sa plano ay hindi ko magawa. Hindi puwedeng sa wala lang mapunta ang lahat. Hindi puwede.

Kaya naman nang makakita ako nang pagkakataon na masolo si Danzel ay hindi na ako nag-aksaya nang oras. Nag-iisa siyang sakay ng elevator at dali-dali akong nagtatakbo papasok. Iniwan ko ang mga dala-dala kong paninda at kumpiyansa naman akong hindi mawawala 'yun.

"Isay?!" gulat pang nasambit lang niya ang pangalan ko.

"Sir Danzel, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pero naniniwala akong tayong dalawa ang nakatadhana para sa isa't-isa," dire-diretso ko pang sabi at tulala lang siyang napatitig sa akin bago nakuhang magsalita.

"Are you kidding me?" Alanganin pa siyang ngumiti na para ring naiirita. Wala nang atrasan 'to, Isay. Pakapalan na talaga ito ng mukha to the highest level! "What the hell are you talking about?!"

"Sinabi nang manghuhula sa akin, Sir Danzel na ang lalaking nakatadhana para sa akin ay may initials na D.E.M. at ikaw 'yun diba?"

"He could be anyone, Isay. Hindi lang ako ang may ganyang pangalan." Inikot niya ang kanyang mga mata at alam kong iniisip na niyang may sapak ako sa utak. Pero hindi ako susuko!

"Kailangan mong maniwala, Sir Danzel. Ako ang babae para sa'yo!"

"My God, Isay!" iiling-iling pa niyang sabi at malalim lang napabuntong-hininga. "Nalilipasan ka ba nang gutom? Kung gusto mo magpalibre, ililibre kita?"

"No, Sir. Alam kong sinasabi ko," matigas lang na sabi ko at hindi pa man ay kumakalabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Kailangan ko siyang halikan.

Kahit na halos para akong nagyeyelo sa lamig ay dali-dali akong lumapit nang husto sa kanya at tumingkayad kasabay nang paghila ko sa kanyang leeg. Hinalikan ko siya sa labi at halos mamilog ang kanyang mga mata sa gulat.

"W-what the fuck?!" Hinawakan niya ako sa baywang para sana ilayo pero hindi ko siya hinayaan. Sinamantala ko ang pagkakabuka ng kanyang labi at mas lalo kong idiniin ang paghalik. Saglit akong nawala sa sarili dahil sa sobrang bango ng kanyang hininga. Kumalabog nang todo ang puso ko at ako na rin mismo ang napadistansya.

"A-ako ang para sa'yo, D-danzel," lakas-loob ko pang sabi at bakas pa rin sa mukha niya ang sobrang pagkagulat.

Laglag pa rin ang kanyang panga at iiling-iling na banayad akong itinulak palayo sa kanya. Namumula ang kanyang pisngi at sa tantiya ko'y gan'un din ako. Si Danzel ang first kiss ko. Ang lalaking kinakamuhian ko.

"Stay away from me, Isay." Igting ang kanyang panga at parang pinahiran niya ang kanyang labi gamit ang kanyang kamay. "You're crazy. Stay away from me," galit pang sabi lang niya at kuntodo distansya. Na tipo bang sumubok lang akong lumapit sa kanya ay may kalalagyan talaga ako.

Tumunog ang elevator sa lobby at dali-dali siyang lumabas. Kahit pa sobrang hiyang-hiya na ako sa ginawa ko ay para pa rin akong asong bumuntot sa kanya.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon