Chapter 19.2.2

68.3K 2.5K 200
                                    

Dear Readers,

Ayan, post ko na. Para doon sa mga nakikiusap. Tulad nang sabi ko, humuhugot ako ng feels. Dito sa watty, hirap ako humugot kaya sa group naipost ko na ito. Tatapusin ko ang #MWKOG. So, wag na akong murahin. Kaya nga, hindi man dito, sa group sigurado tapos 'yun. Bahay ko yun. Aalagaan ko mga babies ko roon.  So, 'yun lang.  Maging mabait sa salita.  God bless.


Love,

Ate Mommy Dean

********


CHAPTER 19.2.2

DALISAY's POV (Continuation)


Pinindot ko ang button para magsara iyon pero gayon na lang ang gulat ko nang biglang pumasok din si Danzel doon. Igting ang kanyang panga na para bang may ginawa akong hindi niya nagustuhan.

"Boyfriend mo na ba ang Harold na 'yun, Isay?" matigas pa niyang tanong habang madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Mariin kong kinagat ang labi ko at pinigilang umiyak. E, gago pala 'tong lalaking 'to, e. Ibig-ibig kong isigaw sa kanya pero nagpigil ako.

"I am asking you, Isay," matigas pa ring tanong niya.

"Wala kang pakialam!" masungit na sagot ko naman at rumehistro ang gulat sa kanyang mukha. Tila hindi niya inaasahan ang sagot ko. Kunsabagay ay nasanay siyang ako palagi ang naghahabol. Stalker nga pala ako ng isang Montenegro.

Napakahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nang tumunog ang elevator sa lobby ay humarang siya sa daraanan ko at muling pinindot ang button pasara.

"Ano bang ginagawa mo?!" sita ko pa sa kanya. Pero umismid lang siya at nilingon ang ilang empleyado na napatunganga sa aming dalawa.

"Sa susunod na lang kayo," ma-awtoridad pang sabi niya kasabay nang pagsasara ng elevator.

"Ano bang ginagawa mo? Uuwi na ako," masungit na sabi ko pa at sa totoo lang ay inis na inis ako sa kanya. Inis na inis din ako sa sarili ko dahil sa kabila nang paasa moves niya, may bahagi sa puso ko na panay pa rin ang asa kahit obvious namang walang aasahan.

"Kakaiba ka yata ngayon, Isay. Ayaw mo na ba sa akin? Do you like somebody else?"

Napaawang lang ang labi ko at gusto ko sana siyang sumbatan. Pero kulang ako nang lakas na loob na gawin 'yun at mas lamang ang takot na tuluyan siyang mawala sa sasabihin ko.

"Aren't you in love with me, Isay?" Humakbang siya nang marahan palapit sa akin kasabay naman nang pag-atras ko. Hindi kami bumibitiw sa mata ng isa't-isa hanggang mapasandal na ako sa hand railings.

"'Wag kang mag-alala dahil titigil na ako sa kalokohan ko." Yumuko ako at hindi ko naiwasang masaktan sa sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba, ako rin ang talo sa larong ako mismo ang nagmane-obra.

"You can't do that to me, Isay..." Napaangat ang aking tingin at nasalubong ang kanyang malamlam na mga mata.

"Uuwi na ako," matigas na sabi ko pa rin.

"No." Umiling pa siya at gayon na lang ang gulat ko nang hawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.

"Ano ba, Danzel!" Nagpumiglas ako pero parang wala lang din sa kanya at nananatiling nakaangat ang tingin sa inaakyatan ng elevator.

Nang makarating kami sa top floor ay hinila niya ako at hindi pa rin pinapawalan.

"Ano bang problema mo?!" Inis na binitiwan ko ang aking basket at hinampas siya sa likod.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon