Chapter 32

69.3K 1.9K 76
                                    

CHAPTER 32

DALISAY's POV

Day two namin dito sa Zambales. Kung gaano ka-hyper ang mga empleyado kahapon ay gan'un pa rin sila ngayon. Nawala-wala na rin ang sakit ng puson ko at halos paunti-unti na lang din ang regla ko. Sobrang maalaga naman din ni Danzel. Ultimo kama namin ay nilagyan niya ng towel para raw kung sakaling tagusan ako sa pagtulog ay hindi malalagyan ang kama namin. Yes, magkatabi kami sa tulugan pero wala ni isang beses na nagtangka siyang gawan ako nang kahalayan. Gan'un niya ako inaalagaan. At sa totoo lang ay mas lalo ko na siyang minamahal ngayon.

Nandito kami sa function room at nakikinig sa guest speaker. Nakapuwesto kami ni Danzel sa pinakalikod na sobrang abala sa pakikinig at paglalaro sa kamay kong nasa ilalim ng table. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa akin habang mariin niyang kagat ang kanyang labi. Sa totoo lang ay masyado akong naiinip dahil parang gusto ko na siyang hilahin palabas at halikan.

"I'm getting bored," mahinang bulong pa niya at hindi ko naiwasan ang mapangiti. Parehas pala kami nang iniisip.

"Bakit naman?" mahina ring tanong ko.

"Ang dami ko nang na-attendan na team building. Kabisado ko na lahat nang sinasabi nila."Kinindatan pa niya ako at pasimpleng lumapit sa upuan ko.

"Ngayon lang ako naka-attend sa ganito." Mapakla akong ngumiti at iyon naman talaga ang realidad. Karamihan sa mga kompanya ngayon ay puro mga may tinapos ang gustong kuhanin kahit na yata taga-timpla lang ng kape.

"I prefer to kiss you than listen to this," nakangisi pang sabi niya sabay hinapyawan nang tingin sa aking labi.

"Ikaw ha, gusto mo na rin maraming tsansing sa akin." Ngumuso ako at manipis lang siyang humalakhak.

"Come on." Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumayo at hinila ako.

"S-saan tayo pupunta?" takang tanong ko pa lalo pa nga't nakatingin sa amin ang mga empleyado niya.

"You may continue please," pormal na sabi niya at tila wala naman sa sariling napatango lang ang guest speaker at itinuloy nga ang pagsasalita.

Hinila-hila ako ni Danzel palabas at nagpatianod naman ako sa kanyang gusto.

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko pa at nananatiling mariin niyang kagat ang kanyang labi.

"Kung saan makaka-tsansing ako sa'yo, Isay," pilyong sabi pa niya at agad na nag-init ang aking pisngi.

Pinasok namin ang isang pintuan na may nakalagay na entertainment room at walang pasubaling ini-lock iyon.

"Uy, ano bang ginagawa mo, Danzel?!" Tinapik ko siya sa braso at mahina lang siyang tumawa.

"Wait right here." Iniupo niya ako sa leather sofa at siya naman ay lumapit sa may component at nagbubutingting.

May tila sinehan sa loob ng kwarto at malalambot na black leather sofa na nakahilera sa magkabilang gilid. Kulay dark red ang kulay ng mga pader at dark green na carpet naman ang inaapakan namin. Parang kulay pasko lang pero masarap naman sa mata.

Hindi naman nagtagal ay pumailanlang ang pamilyar na kanta at nakangiti siyang lumapit ulit sa akin habang sinasabayan ang kanta.

♫♪ Thanks for the times

that you've given me

the memories are all in my mind...

And now that we've come

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon