Chapter 10.1.2

76.5K 2.3K 144
                                    

CHAPTER 10.1.2

CHAPTER 10

DANZEL ERSHAD's POV

I am super drained from work for the past few days. But I know that I don't have any right to complain. God, I missed my motorbike. I missed my night life. It's been a while.

"Kuya!" nakangiting bungad pa ni Rosel sa may glass door.

"What are you doing here, kiddo?" Dumiretso ako nang upo at bahagyang nag-inat. Ang daming bagong proyekto ng Montenegro at kahit pa may mga pinagkakatiwalaan na ako sa pagha-handle noon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makialam. Ayoko lang din masayang ang mga pinaghihirapan ko.

"Talagang hindi mo naaalala?" nakasimangot pa niyang sabi habang padabog na naglalakad palapit sa akin.

"Ano bang dapat kong maalala?" Kumunot ako at bahagyang nag-isip. My mind was so full of work.

"Nakakainis ka! Ganyan ka na ba ka-busy sa work mo? Kaya pala 'di ka man lang umuuwi sa mansion!" inis pa siyang naupo at sinamaan ako nang tingin.

"As if I have a choice, kiddo." Bumuntong-hininga ako at sa totoo lang ay pagod na rin naman ako. Ilang araw na halos wala akong tulog dahil puro trabaho ang inaatupag ko.

"No wonder wala ka pang girlfriend." Sumimangot siya at hindi ko naiwasan ang matawa. Well, she's right. Kaya nga naka-focused na lang ako sa trabaho ay dahil wala akong girlfriend. Kung tutuusin, makakakuha ako ng babaeng gusto ko. Pero girlfriend? Ang hirap na nga yata hanapin ang babaeng gusto kong mahalin.

"Mas okay na ring wala akong girlfriend. Sa sobrang busy ko sa work, baka hiwalayan lang din ako." Mapait akong ngumiti at isang irap ang ibinalik niya sa akin.

"I don't think so, Kuya. Dati ka na nagka-girlfriend at naglalaan ka nang oras para sa mahal mo."

"You speak like I didn't know anything, kiddo."

"Nagpapaalala lang ako." Sumimangot siya at iirap-irap pa rin. "Seriously, Kuya?! Hindi mo talaga naaalala?!" maktol pang tanong niya.

"Nope." Umiling ako at wala talaga akong maalala.

"I can't believe it! Nakalimutan mo pati birthday ko?!" Oh shit!

"Errr..." Ngumiwi ako at lalong nalukot ang kanyang mukha. "I'm sorry, kiddo. I didn't mean it. Sobrang dami ko talagang trabaho."

"Nakakainis ka, Kuya!" Humalukipkip siya at tumingin sa kawalan.

"'Wag ka na nga mainis." Tumayo ako at umikot sa kinalalagyan niya. Niyakap ko siya galing sa likod at hinalikan sa may sentido. "Happy birthday, kiddo. So, saan ang party?"

"Wala. Tamang dinner lang tayo sa house tonight," walang gana pa niyang sagot at kinalas muna ang braso kong nakayakap sa kanya. "Tell me..." Pumunta ako sa katapat na upuan niya at naupo. "What do you want for a gift, kiddo? New phone? Dress? Jewelry?" Nagtaas ako ng kilay pero nanatili lang siyang nakasimangot.

"Wala na akong gusto, Kuya. Umuwi ka lang mamaya, okay na ako d'un," malambing pa niyang sabi at hindi ko naiwasang ngumiti. May pagkamaldita mang taglay si Rosel, she's the sweetest sister in the world.

"Alright, alright..." Dinaanan ko ng kamay ang aking buhok at mukhang wala na nga akong choice kung 'di ibigay ang kanyang gusto. "I am joining you for dinner. Okay na ba 'yun?"

Ngumuso siya pero unti-unti ring ngumiti.

"Promise, Kuya?" Inilabas niya ang kanyang hinliliit at inilapit sa akin. She still loved doing the pinky swear. Jeez...

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon