Chapter 8.2.2

69.1K 2.3K 221
                                    

CHAPTER 8.2.2

DANZEL ERSHAD's POV

I was kinda surprise to see Isay here. Hindi ko alam na may interes din pala siya sa ganitong gawain. To think she didn't have much in life, pero nagbibigay pa rin siya. Really impressive.

"Oy, Kuya... Type mo?" nakangising tanong pa ni Rosel sabay siko pa sa akin.

"Unbelievable." Umiling ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Hindi kasi matanggal ang tingin mo." Ngumuso siya at ibinalik rin ang tingin sa abalang si Isay.

"Wala lang. Kakilala ko lang kasi," tipid na sagot ko pa at saglit kong dinukot ang face towel sa likod ng aking bulsa. Iba yata ang init ngayon. Masyadong malagkit sa pakiramdam.

"But seriously, Kuya. She's pretty," seryoso namang sabi pa ni Rosel na hindi rin matanggal ang tingin kay Isay. "Bagay kayo kumpara kay Patty," natatawang sabi pa niya pagkabanggit sa pangalan ni Patty.

Umiling ako sabay akbay sa kanya.

"There's no way I am going to make Patty my girlfriend. Iinom na lang ako ng milk tea," biro ko pa lalo pa nga't nito lang ay viral ang balita tungkol sa namatay dahil sa pag-inom ng milk tea.

"Huwag naman! Sayang ang lahi natin, Kuya," natatawang sabi pa niya. "But you're right. Huwag na lang si Patty. Nakakaumay ang sobrang pagiging makulay niya."

"Don't tell that infront of our parents. Malalagot tayong parehas." Tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa kanya at muling nagpunas ng pawis.

"I know right, Kuya," sabi pa niya sabay hawak ulit sa braso ko. "But if I know, may nasasabi rin 'yun kay Patty. Sadyang mabait lang sila kaya hindi ipinaparinig sa ating dalawa."

"Jeez... kiddo. Ang ingay mo. Behave ka nga." Hinila ko siya sa upuang malapit sa amin at natanawan ko agad ang babaeng tauhan ni Mayor na may dalang pagkain.

Umiling sa akin si Rosel at kuhang-kuha ko na ang ibig niyang sabihin. Umaandar na naman ang kaselanan niya sa pagkain.

Kaya naman nang makalapit 'yung babaeng may dala ng pagkain ay isa lang ang kinuha ko. Nakakahiya rin naman kung dalawa pa kaming hindi man lang kakain ni Rosel.

"Are you really gonna eat that?" nakangusong tanong pa ni Rosel nang makaalis ulit 'yung babae.

"I am used to this kind of food, kiddo," maagap na sagot ko naman at totoo rin naman ang sinasabi ko. Mulat ako sa charitable works ng parents namin simula pagkabata at madalas nila akong kasama.

"Hay naku, Kuya. Nararapat lang na mabuting babae lang din ang makatuluyan mo para hindi masayang kabaitan mo."

Natahimik ako at hindi ko pa rin masabing gan'un ako kabuti. May mga pagkakamali pa rin akong nagawa sa buhay ko. At hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako nang pagkakamaling iyon. Wala pa ako sa sariling humugot nang isang malalim na buntong-hininga at nalunod sa pag-iisip sa nakaraan.

"Ang lalim naman n'un, Kuya." Noon na lang ako bumalik sa wisyo at mapaklang ngumiti.

"Wala, may naalala lang ako." Bahagya pa akong umiling at nagsimula na ring kumain.

Hindi naman nagtagal, matapos na makakain ang lahat ay noon na kami nagdesisyon na ipamigay ang mga laruan at gamit pang eskwela ng mga bata. Halos taon-taon ko na ring ginagawa ito at hindi lang dahil birthday ni Mayor. Maraming beses na rin akong nag-celebrate ng birthday ko sa bahay ampunan bilang tulong na rin sa mga batang walang pamilya.

Nang makatapos kami ay talaga namang naliligo kami nang husto sa pawis. Dali-daling bumalik si Rosel sa sasakyan at ako muna ang saglit na nagpaiwan.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon