Chapter 41

75.5K 2K 138
                                    

CHAPTER 41

DALISAY's POV

Halos dalawang buwan din kaming nag-ayos ni Danzel para sa aming kasal. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Sa makalawa na ang kasal namin at ngayon ko pa lang balak sabihin ang sikretong kay tagal ko nang itinatago. Noon pa sana pero palagi akong nauunahan nang takot. Palagi na lang puro negatibo ang naiisip ko. Paano kung hindi niya matanggap ang paliwanag ko? Siguro nga ay masyado akong duwag. Pero isa lang ang nasisiguro ko kung bakit ako naduduwag, at iyon ay dahil sobrang mahal ko si Danzel. At gusto kong sulitin ang mga panahong masaya kaming magkasamang dalawa. Pero alam ko ring unfair na kung hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo. Ngayon pa lang ay naiiyak na ako. Natatakot talaga ako.

Nang makarating ako sa building ng Montenegro ay mas lalong nadoble ang kaba ko. Halos panlamigan ako mula ulo hanggang paa. At gustuhin ko mang hindi ituloy 'to ay hindi na talaga puwede. Ayokong maging makasarili hanggang sa dulo. I love Danzel so much. At alam kong nararapat lang sa kanya ang buong katapatan ko.

Sa lobby pa lang ay sumalubong na sa akin si Ma'am Isabel na tila seryoso rin ang mukha.

"Isay, buti dumating ka. Hinihintay ka ni sir Danz sa may conference room," bungad pa niya kaagad.

"Po?" Wala ako sa sariling napalunok at halos manginig ang kalamnan ko sa takot. "B-baka po may bisita si Danz."

"Mayroon nga. Pero 'yun kasi ang bilin niya kapag dumating ka." Mapakla pa siyang ngumiti at sinamahan ako patungo sa conference room na sinasabi niya.

Kasalungat ng conference room ang opisina ni Danz. At sa lahat ng kwarto, iyon yata ang may solid walls at door. Malayo pa lang ay kita na agad ang malalaking letra ng CONFERENCE ROOM na kulay silver.

At habang nakasunod kay Ma'am Isabel ay mas lalo pang nadagdagan ang tensyon ko sa tunog ng takong ng kanyang sapatos. Para bang countdown iyon sa masasayang oras ng buhay ko.

Nang makarating kami sa tapat ng conference ay may kung anong button na pinindot si Ma'am Isabel at agad namang tumunog 'yon. Hudyat na maari na kaming makapasok.

"Sige na, Isay. Pumasok ka na." Pinihit niya ang pinto at ibinukas iyon para sa akin.

Wala ako sa sariling humakbang papasok at napalingon lang ako nang kabigin iyon ni Ma'am Isabel pasara. Kumalabog ang puso ko dahil alam kong wala na talagang atrasan ito.

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga bago ulit humakbang papasok. Pero agad din akong natulos sa aking kinakatayuan at literal na tumigil ang puso ko sa pagtibok. May kung ilang beses na pinilit kong magsalita pero parang walang boses na lumabas sa bibig ko.

Napatitig ako kay Tatay Estong na halos ilang buwan ko ring tinataguan para sa perang hinihingi niya. At hindi ko akalaing nandito siya ngayon.

Ibinaling ko ang tingin kay Danzel na madilim ang mukha at parang nahuhulaan ko na agad na may alam na siya sa buong pangyayari.

"Is it true, Isay?" Halos manginig ang buo kong kalamnan sa pagkarinig sa boses na iyon ni Danzel. Masyadong malamig iyon at may tigas. Bakas sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na galit at pagkadismaya. At wala pa man siyang sinasabi ay agad na akong nakaramdam nang panghihina.

"A-ano bang sinasabi m-mo?" Pinilit kong magsalita kahit pa tila punung-puno ng bara ang lalamunan ko.

"Why didn't you tell me?" Nag-igting ang kanyang panga at halos mag-apoy ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin.

"Danzel, m-magpapaliwanag ako." Agad na naglandas ang luha sa aking mga mata pero pinutol lang niya ako sa pagsasalita.

"It was all a lie from the very start, Isay..." Mapait pa siyang ngumiti pero agad ding napalitan iyon nang hindi maipaliwag na galit at sakit. "You did everything to get me."

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon