Chapter 25

69.7K 2K 84
                                    

CHAPTER 25

DANZEL ERSHAD's POV

It's been days since Isay moved in with me. I didn't know exactly what to feel, but I am more than happy to go home everyday. It felt good to be home when someone was actually waiting for me.

Pero ngayon ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Isay na naghihintay sa tabi ng aking sasakyan.

"Isay, what are you doing here?" Kumunot ako at mapakla naman siyang ngumiti.

"May binili lang ako sa malapit."

"Don't tell me—"

"Hindi po. May binili lang talaga ako. Promise." Nagtaas pa siya nang kanang kamay at sa totoo lang ay hindi ko lang din maiwasang mag-alala. Ayokong bumalik pa siya kina Odik na hindi ako kasama.

"Isay!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at humahangos na nagtatatakbo palapit sa amin ang isang lalaki.

"Harold?" Napatiim-bagang ako nang marinig kay Isay ang pangalan ng lalaki. Sabi ko na nga ba, siya 'yun.

"Isay!" Humihingal siyang tumitig kay Isay at butil-butil ang kanyang pawis.

"H-harold? Anong ginagawa mo dito?"

"Isay..." At ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niyang yakapin nang mahigpit si Isay. Napatikhim ako at hindi ko gusto ang pakiramdam na may ibang yumayakap kay Isay. Just what the fuck!

"Narinig ko ang nangyari..." Noon na siya humiwalay kay Isay na malungkot na ngumiti. "Muntik ko na malumpo si Tatay Estong n'ung nakaraang araw, Isay. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya 'yun sa'yo."

"K-kanino mo n-nalaman?" Malungkot na tumitig si Isay kay Harold. Gusto ko sana siyang lapitan at yakapin pero ang bastos ko naman kapag ginawa ko 'yun.

"Kay Odik mismo. Hindi raw niya malaman kung saan ka kontakin. Nahihiya naman daw siyang magpakita dito. Naiwan mo raw ang cellphone mo. Hindi rin siya makaalis ng bahay dahil binabantayan niya ang tatay niya."

"Gan'un ba?" Nagtubig ang kanyang mga mata at alam kong hindi madaling alalahanin pa ang pangyayaring iyon.

"Isay..." At gayon na lang ang gulat ko nang bigla na naman niyang niyakap si Isay na umiiyak sa balikat niya. Damn, I'm jealous. He was only trying to comfort her but I am so jealous. "I'm sorry wala ako sa tabi mo n'ung panahon na 'yun."

Tahimik na umiyak si Isay at halos madurog ang puso ko sa nakikita kong lungkot sa kanyang mga mata. She was only pretending to be okay the whole time she's with me, but in reality, she isn't. And, I felt really bad about it.

Matagal-tagal din bago niya pawalan si Isay sa yakap niya and I was actually feeling left out. Pero hindi ko naman magawang umalis na lang basta dahil kasabay kong uuwi si Isay.

"Saan ka na tumutuloy?" alalang tanong pa ni Harold at luhaang bumaling nang tingin sa akin si Isay na tila humihingi nang permiso.

"She's staying with me," singit ko pa at nakakunot na tumitig sa akin si Harold. 'Yung titig na hindi makapaniwala.

"Isay?" Kumunot ang kanyang noo kay Isay na marahan lang tumango sabay punas sa kanyang luha. "Oh..." Nalaglag ang kanyang balikat at tila ba hindi inaasahan ang pagkumpirma ni Isay. "May spare room naman ako Isay... Puwede ka d'un kung gusto mo?"

What? Is he crazy?

"Nakakahiya naman kay Sir Danzel, diba? Hindi ka naman niya kaanu-ano para tumuloy ka d'un?"

Napatanga lang si Isay at tila hindi rin niya malaman ang isasagot. Just what the hell?

"Huh, e..." Alanganin pang tumitig sa akin si Isay. At base sa pagtitig niya sa akin ay gusto ba niyang lumipat kay Harold?! Seryoso?

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon