Chapter 20.2.2

67K 2.2K 140
                                    

CHAPTER 20.2.2

DALISAY's POV

Umakyat ako sa ikalawang palapag para kuhanin ang gamot na ipinabili ni Tatay Estong. Gamot yata sa highblood 'to. Ang sarap sana niya sermunan dahil kahit anong gamot niya kung 'di naman siya titigil sa kakainom ng alak ay parang wala lang din.

"Isay..." Agad akong nawalan ng dugo nang marinig ang boses na 'yun. Paglingon ko ay nakita ko si Tatay Estong na nakatayo na sa may pinto at masama ang titig sa akin.

"Tatay, eto na p-po..." kandautal ko pang sabi at hindi ko talaga gusto ang mga paraan nang pagtitig niya nitong mga nakakaraan. Hindi ko naman magawang ikuwento kay Odik ang aking napapansin at ayokong isipin niyang ginagawan ko lang nang kuwento ang Tatay niya.

"Boyfriend mo na ba talaga ang lalaking 'yun?" malamig niyang tanong sabay pasok sa loob ng aking kwarto. Halos mangilabot ako sa presensya niya hindi pa man.

"O-opo, Tatay," tumatangong sagot ko naman at pinigil ang sarili kong magpakita nang takot.

"Tsk, tsk..." Umiling siya at tila hindi nagustuhan ang sagot ko. "Ang tagal-tagal ka naming inalagaan, Isay. Hindi ako papayag na makuha ka ng gagong 'yun."

"M-mabait po si Danzel, Tatay." Pinilit kong ngumiti pero parang hilaw yata ang dating. Natatakot ako. At iyon lang ang sigurado ko.

"Hindi mo naman siya mahal, diba?" Kumunot ang kanyang noo at humakbang palapit sa akin.

Bahagya akong umatras at iilang dipa na lang ang layo namin. Amoy na amoy ko na ang alak na tila nanikit na sa kanyang katawan.

"M-mahal ko po," maagap na sagot ko naman pero ngumisi lang siya.

"Naririnig ko ang usapan ninyo ni Odik," iiling-iling pa niyang sabi. "Siya ang dahilan kung bakit namatay ang Tatay mo, diba? At kaya gusto mong mapalapit sa gagong 'yun ay para paghigantihan siya."

"D-dati pa po 'yun. Wala na po akong intensyon na gan'un." Wala pa sa loob kong lumingon sa kanyang likod sa pag-aalalang may makarinig n'un.

Nahagip niya ang ginawa kong paglingon sa kanyang likuran kaya't tumingin din siya sa kanyang likod bago ibalik ang tingin sa akin.

"Hindi ako papayag na matapos ka naming alagaan ay sa hayop ka lang na 'yun mapupunta, Isay." Nagdilim ang kanyang mukha at muling humakbang palapit sa akin.

"A-ano pong i-ibig ninyong s-sabihin?" Napalunok ako dahil bumangga na ako sa bed.

Mas naging mabilis ang pagkilos niya at gayon na lang ang gulat ko nang marahas niya akong itinulak sa bed at tinakpan ang aking bibig.

Pinilit kong sumigaw pero sadyang mariin ang pagkakatakip niya sa aking bibig. Agad na naglandas ang luha sa aking mga mata sa sobrang takot.

"Bago mo man lang ibigay ang sarili mo sa ugok na 'yun, mas makakabuti kung ako muna ang mauna sa kanya, Isay."

Umiling-iling ako at nanginig nang husto ang aking buong katawan. Malaking bulas si Tatay Estong at malusog pa ang katawan. Nakadagan ang katawan niya sa katawan ko at halos 'di ko magawang makagalaw.

"W-wag p-po..." pinilit kong magmakaawa kahit pa nakatakip ang kanyang kamay sa bibig ko.

Ngumisi siya at pinagmasdan ako.

"Napakaganda mong bata, Isay." Halos mangilabot ako nang ilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. Masangsang ang amoy ng kanyang hininga na tila pinaghalu-halong alak at sigarilyo. "Pagbigyan mo na ako ngayon at itatago ko ang sikreto mo."

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon