Chapter 24

75.1K 2.3K 75
                                    

CHAPTER 24

DANZEL ERSHAD's POV

This was nuts. I couldn't help it. It's just hard to stop every damn time I kissed Isay. Ano nga bang gayuma mayroon siya? This feeling was really weird.

Matapos kong makapaligo ay naabutan ko siyang nagpi-prito ng itlog sa kusina. Mukhang kakapaligo lang din niya dahil basa ang kanyang buhok.

"Hello, handsome," nakangiting bati pa niya sabay mariing kinagat ang kanyang labi. Jeez, she should stop doing that. Hindi pa nga ako makamove-on sa kiss namin kanina. Her lips felt so good. I think I could kiss her all day.

"Hello, beautiful," ganting bati ko rin naman at lalong lumuwag ang kanyang pagkakangiti.

"Sarap namang pakinggan n'yan." Nilingon niya ako at sa halip na sa dining table ako maupo ay sa bar counter ako pumuwesto para mapanood ko siya sa kanyang ginagawa.

"Because you're really beautiful, Isay. No question about that," matapat namang sabi ko at parang kinikilig pa siyang ngumuso sa akin.

"Oo na lang, Babe." Kinindatan niya ako at hindi ko naiwasang matawa. I love it when she called me Babe. "Since ayaw mo namang kumain ng heavy breakfast, itlog na lang ang niluto ko. Palaman sa tinapay mo." Inginuso pa niya ang tasty bread na hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Agad ko iyong inabot at inilagay sa tapat ko.

Inilagay na rin niya ang brewed coffee sa bar counter at mukhang dito na rin yata kami kakain. Umikot siya sa kinalalagyan ko dala ang pritong itlog at naupo na rin sa high stool katabi ko.

"Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito ha." Tipid pa siyang ngumiti bago hinipan ang kape.

"Don't mention it, Isay. Like I said, girlfriend kita, diba?"

"Girlfriend talaga? Seryoso?" Ngumuso siya at para bang ayaw pa maniwala.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayaw," maagap din namang sagot niya. "Akala ko kasi sinasakyan mo lang ako. Malay ko bang gusto mo akong maging girlfriend." Umirap pa siya at muling hinipan ang coffee bago humigop.

"W-what?" I really don't know how to react on that. Hindi pa ba niya ramdam that I am so in to her?

Nagpalaman siya ng itlog sa tasty bread at iniabot iyon sa akin.

"Kain na."

Kinuha ko 'yun at hindi ko maintindihan kung bakit parang nagtampo ako na hindi niya pansing importante siya sa akin.

"Uy, okay ka lang?" alalang tanong pa niya at pilit na hinuli ang tingin ko.

"Can't you feel that you're important to me, Isay?" Kumunot ako at isang mapaklang ngiti ang ibinalik niya sa akin. What the hell does that mean?

"E, kasi naman, dati hinahabol-habol kita. Sobrang turned off ka kaya n'un diba? Ngayon super bait mo na... Parang panaginip lang. Parang hindi totoo."

"You think I'm fake?"

"Yung kalagayan natin. Parang hindi totoo. Parang gan'un," naguguluhan pa niyang sabi at muling humigop ng coffee.

"Totoo ako sa'yo, Isay. Why can't see that?"

Ngumuso siya at bahagyang umiling.

"Isang Capekpek na katulad ko magugustuhan ng isang Montenegro? O, diba? Apelyido pa lang natin sobrang malayo na."

"You're talking nonsense," pasupladong sagot ko lang. Nagtatampo talaga ako. Wala sa loob kong ininom agad ang coffee pero agad ko rin iyong naibuga dahil sa sobrang init. Shit.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon