Teaser 2

152K 3.4K 86
                                    

DANZEL ERSHAD's POV


Nang makatapos siyang kumanta ay tsaka ibinigay todo nina Odik at Rosel ang sigaw at tinukso kami ni Isay.  Narinig kong nagkatawanan din ang ibang nakikinig na hindi ko maintindihan kung nagandahan ba o nabaduyan sa kinanta ni Isay.  But I definitely love it.  It's corny, but I love it. 

"Kiss mo naman si ate Isay, kuya!"  Si Rosel na ngumuso pa at napailing lang ako.  Nakakuha na naman ng laruan ang batang 'to.

"Isay is really something!  So cute!"  Narinig ko pang sabi ni Mommy na hindi kalayuan sa kinakaupuan namin.  Magkatabi sila ni Daddy na ngiting-ngiti rin sa amin at para bang sumenyas na halikan ko man lang si Isay.  Jeez... 

"Kiss mo na si babe, kuya!"  Si Rosel ulit na kampante nang nakaakbay kay Odik. 

"'Wag nga kayong ganyan."  Namumulang sabi pa ni Isay.  Mapula pa rin siya sa kamatis.  She's so cute.  Oh jeez, Danz.  Cute na talaga si Isay huh?  "Nakakahiya naman kay babe."  Dagdag pa ni Isay and I don't understand kung bakit parang gusto kong kapusin nang hininga sa pagtawag niyang 'yun.

"That song is so you, Isay..."  Halos pabulong ko pang sabi sa kanya at nahihiyang hinampas pa niya ako sa dibdib.

"Ako ba?  Si Odik ang namili!"  Pabulong na sagot pa niya at napahagikhik. 

"Oh babe huh?" 

"Oh babe talaga."  Ngumuso siya and all I want to do is kiss her lips.  Jeez... What the hell is going on with me?  Masyado na nga ba akong natutuwa kay Isay?  "Kiss daw, Danz."  Kinindatan niya ako at hindi ko napigilan ang mapahalakhak dahil para bang natural na sa kanyang sabihin ang ganoong bagay.

"You want me to kiss you?"  Pabulong pa ring palitan namin nang pag-uusap habang nakamata pa rin ang iba sa amin.

"Pwede na."  Natatawa pang sabi niya at tila narinig ko ding nagtawanan sina Odik at Rosel na mukhang nakikinig sa aming dalawa.

"Really, Isay?"  Nagtaas ako ng kilay at muli ay hinampas lang niya ako sa dibdib.

"Gusto ko, siyempre.  Tsansing ko sa'yo ng libre 'yun e."  Walang preno pa niyang sabi at napatawa na lang ulit ako.  "Pero ang saklap, 'di pa ako nag-toothbrush."  Humahagikhik pang sabi lang niya and I don't know what came over me and I just kiss her.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon