Chapter 9

80.4K 2.5K 204
                                    

CHAPTER 9

DALISAY's POV

Medyo inagahan ko ang pagdadala nang tanghalian sa opisina ng Montenegro dahil masyadong nakakapaso ang init nang panahon. Hirap ding kumilos si Nana Claring kaya't wala akong magawa kung 'di ang tulungan na rin siya sa pagluluto sa umaga. Sinesermunan na nga ako ni Odik dahil parang hindi naman na raw makatarungan ang P100.00 na ibinibigay n'ung matanda sa akin. Hindi naman na ako nakikipagtalo pa dahil parang hindi ko rin naman kayang maningil pa nang higit doon dahil sa kabaitan namang ipinapakita n'ung matanda sa akin. Nag-iisa lang siya sa buhay at walang inaasahang iba. Naiisip ko pa lang ang hirap na walang kasama ay naaawa na ako. Dahil wala naman kaming pinagkaiba. Nag-iisa na rin ako sa buhay. Mas lamang lang siguro ako nang kaunti dahil kahit papaano ay may pamilya akong maituturing dahil kay Odik.

"Ang aga mo yata, Isay?" si Ma'am Isabel, ang HR.

"Opo. Napakainit po kasi. Baka maSira ang mga ulam kung hindi ko mai-deliver nang maaga," katwiran ko naman at isa-isa silang nagsipaglapitan sa akin para kuhanin ang mga nakatarya nilang ulam.

"Nasaan po ang iba, Ma'am Isabel?" Iginala ko ang tingin dahil kaunti pa rin silang nagsipaglapitan sa akin.

"Palabas na 'yun. Nagpameeting lang si Sir Danz," nakangiting sagot pa niya sabay talikod matapos na ibigay ang kanyang bayad.

Saglit akong tumambay sa may lobby para hintayin pa 'yung ibang may order ng pagkain. Hindi naman nga nagtagal ay natanawan ko ang mga empleyado na puros mga nakangiti at mabilis ding nagsilapit sa akin nang matanawan ako.

"Exciting 'to! Maisusuot ko na ang bagong bili kong bikini." Narinig ko pang sabi ni Ms. Lianne d'un sa isang kasamahan niya.

"Mas lalo na ako! Makikita ko na naman ang yummy abs ni Sir Danz," halos pabulong pang sabi n'ung isang babae na hindi ko tanda ang pangalan.

"Ikaw, Janella, sigurado ka ba talagang hindi ka sasama?" tanong pa ni Ms. Lianne kay Janella na bahagya pang umiling.

"May lakad kasi kami ng boyfriend ko. Alam mo naman 'yun, napakatamporista," natatawang sabi pa niya pero bakas naman ang kilig sa kanyang mukha.

"Sus! Grabe nga makabakod sa'yo, girl. Ang haba ng hair mo, promise." Nagtaas pa ng kanang kamay si Ms. Lianne at umiling lang si Janella.

"Kaya nga kahit type ka ni Sir Danz, walang magawa dahil bantay sarado ka ng boyfriend mo." Sinundot pa ni Ms. Lianne si Janella sa may baywang at nakangiti naman siyang umiwas.

"Pero okay na rin 'yan, para solo namin si Sir Danz," medyo pabulong pang sabi ni Ms. Lianne at naghagikhikan lang ang mga kasamahan nilang babae.

Matapos na makakuha sila ng pagkain ay nagsipagbalikan na rin naman sila kaagad sa kani-kanilang table. Napabuntong-hininga ako at may parte sa aking gustong madismaya dahil hindi ko man lang natanawan si Danzel. Mukhang busy yata.

Inalog ko ang aking ulo at inalis ang gwapong mukha ni Danzel sa utak ko. Hindi na maganda 'to, Isay.

"Dalisay..." Kumalabog ang puso ko pagkarinig ko pa lang sa boses na iyon.

Pag-angat ko ng mukha ko ay agad na nabungaran ko ang gwapong mukha nang kanina ko pa gustong makita. Kasalanan talaga ang pagiging gwapo niya!

"Sir Danzel." Agad akong tumayo at nanuot na naman sa ilong ko ang kanyang pabango.

"Nakaubos ka na?" nakangiting tanong pa niya at hindi ko alam kung bakit parang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot. Wala ako sa sariling napatanga habang titig na titig sa kanya. Sobrang ganda ng kanyang mga mata. Masyadong nakakatunaw ng sistema. "Isay..." Noon na lang ako bumalik sa aking diwa at ikinakaway pala niya ang kanyang kamay sa aking mukha. Shit.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon