Chapter 36

67.6K 1.8K 117
                                    

CHAPTER 36

DALISAY's POV

Pagdating namin sa mansion nila Danzel ay agad na sumalubong sa amin ang buong pamilya niya. Tulad nang dati ay masasayang ngiti pa rin ang ibinungad nila sa akin.

Sa kusina kami kaagad nagtungo at nagkuwentuhan saglit bago tuluyang maghapunan. At kahit pa sobrang sarap ng kanilang pagkain ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam nang hiya dahil sa klase ng kanilang mga pagtitig.

"You're getting prettier each time we see you, Isay," nakangiting puri pa ni Tita Nenita. Ang mommy ni Danzel.

"Salamat po." Nahihiya pa akong tumango at naramdaman ko ang kamay ni Danzel sa ilalim ng table.

"We're happy to see you here, Isay," si Tito Danilo. Ang Daddy ni Danzel. "You're part of this family kaya 'wag kang mahihiyang sumama palagi kay Danzel, okay?"

"Opo." Tumango ako at nilingon si Danzel na noon ay pinipisil-pisil lang ang palad ko sa ilalim ng table.

"May ipinagayak akong damit na isusuot mo bukas, Isay," si Tita Nenita ulit. "But please don't take it badly. Gusto ko lang ay magaganda tayo bukas." Nilingon pa niya si Rosel na agad namang nakakindat sa akin.

"Super ganda ng damit mo, Ate. For sure, maglalaway si Kuya bukas." Singit naman din ni Rosel sabay kindat sa akin.

"Maganda si Isay kahit na ano pang ipasuot n'yo sa kanya," seryosong sagot naman ni Danzel at pigil naman akong ngumiti para pigilan ang kilig. "Kinikilig ka na n'yan?" pabulong pang sabi niya at umirap lang ako.

"Panira ka naman ng moment e." Pasimple kong kinurot ang kamay niyang hawak ang kamay ko.

"Patay na patay sa'yo si Kuya, Ate Isay. Sobra," humahagikhik pang sabi ni Rosel at nagkatawanan din ang parents niya sa sinabi niyang iyon.

"Si Isay ang patay na patay sa akin," nakaismid pang sabi ni Danzel at nakangising hinapyawan ako nang tingin.

"Oo na. Alam ko naman 'yan." Ngumuso ako at nagkatawanan na naman sila.

Nag-init ang aking pisngi at masyado yata akong nagiging komportable sa pakikipagbiruan sa kanila.

"The San Carlos will be here, Danzel. Pati na rin si Scarlette," makahulugan pang sabi ni Tita Nenita at tila nakita ko ang pag-igting ng panga ni Danzel.

"Oh..." Napatango pa si Rosel at makahulugan ding tumingin sa kanyang kapatid. "Lahat na lang yata sa San Carlos nagkagusto sa'yo, Kuya?"

Sa halip na sumagot ay uminom lang ng tubig si Danzel at bahagyang umiling. Bakit? Sino ba si Scarlette?

"Good. Reunion ang birthday mo, Mommy." Sarkastiko pa siyang ngumiti at makahulugan ding nagbalik nang tingin kay Rosel.

"Hope she's not trouble, Kuya," seryoso pang sabi ni Rosel sabay sumimangot.

"Past is past, Rosel," maagap na sagot ni Danzel at saglit akong hinapyawan nang tingin. Mapakla siyang ngumiti bago nagpatuloy sa pagkain.

"Those girls will definitely give you a hard time, Danz." Si Tatay Danilo na bahagya pang ngumisi.

"Talbog sila kay Ate Isay, a." Si Rosel na kumindat pa sa akin at mapait na ngiti lang ang ibinalik ko sa kanila.

"I don't think so, Dad. Besides, nandito si Isay." Nilingon ako ni Danzel at pilya rin namang ngumiti sa akin si Rosel.

"I agree. Lalo na kapag nakita pa ni Kuya si Ate Isay bukas. Buti kung makahiwalay pa 'yan."

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon