Chapter 29

71K 1.9K 93
                                    

CHAPTER 29

DALISAY's POV

Sa araw-araw na magkasama kami ni Danzel ay mas lalo ko siyang nakikilala at mas lalo ko siyang minamahal sa mga magagandang katangian niya. May mga panahon na naiilang lang ako kapag nasa opisina na dahil talagang walang alinlangan siyang nagpapakita ng sweetness sa akin kahit pa nakikita ng kanyang mga empleyado. At hindi na kailangan ng salita para lang patunayan kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Danzel.

"Ikaw ha, Isay. Anong ginawa mo kay Sir?" naiintriga pang tanong ni Ms. Lianne.

Bahagya pa kaming napatingin sa opisina ni Danzel at mukhang hindi pa niya alam na nandito na ako.

"Wala naman, Ms. Lianne. Sadyang maganda lang ako kaya nabaliw sa akin si Danz," nakangiting biro ko pa at iiling-iling siyang humalakhak.

"I still can't believe it." Nagtataka pa siyang napaisip at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Kataka-taka lang." Ngumuso ako at ibig ko yatang mainis sa paraan nang pagtitig niya. "Well, puro modelo ang karaniwang dinedate ni Sir Danzel bago ka pa man dumating."

"Mukha naman akong modelo, a." Tinaasan ko siya ng kilay at malakas lang ulit siyang tumawa.

"Kung ano man gayuma mo, share mo naman, Isay," nang-iinis pang sabi niya at sa halip na pumatol ay idinaan ko na lang sa ngiti ang pang-aalaska niya. Gayon pa man, may bahagi sa aking napapaisip din. Pero ramdam ko ang pagmamahal ni Danzel. Hindi naman siguro gawa-gawa lang ang lahat.

"Good morning, Isay." Sabay kaming napalingon ni Ms. Lianne sa pinanggalingan ng boses. Diretso ang tingin sa akin ni Danzel na halos magpalusaw sa tuhod ko.

"Good morning, Babe," nakangiting bati ko pa at iiling-iling naman siyang ngumiti kay Ms. Lianne na parang hindi pa rin makapaniwala talaga.

"Nakaubos ka na?" Sinulyapan pa niya ang dala kong basket na wala na ngang laman.

"Yup." Tumango ako at tahimik na umatras palayo naman si Ms. Lianne. "Kumain ka na?"

"Medyo busog pa ako." Hinipo pa niya ang kanyang tiyan at bahagyang ngumuso sa akin. "Sa opisina muna tayo." Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at agad na nahagip ng mga mata ko ang tingin ng mga masisitsit na empleyado roon.

Nang madaan kami sa table ni Ms. Janella ay abot-tainga din ang kanyang ngiti. Tamang tinanguan lang siya ni Danzel pero wala namang sinabi.

Pagpasok namin sa opisina ay agad akong hinapit ni Danzel sa baywang at walang pasabing hinalikan. Palaging ganito ang eksena namin sa araw-araw. Parehas kaming adik sa halik at ang hirap magpigil.

"This is what I missed everyday, Isay..." malambing pang sabi niya habang paunti-unting hinahalikan pa rin ang labi ko.

"Para namang hindi tayo magkasama sa suite mo." Kinurot ko siya sa tagiliran at nakangiti naman niya akong hinarap.

"It never felt that way, Isay. Meaning lang, kulang pa rin ang oras na kasama kita." Muli ay hinalikan niya ako at masyado na nga akong nalulunod sa pagmamahal ko.

"Sabi ko na sa'yo, e, meant to be tayo," natatawa pang sabi ko at iiling-iling naman siyang humalakhak.

"Hindi ko naisip 'yan, Isay. Pero mukhang tama ka nga. Ang galing mo kasi manligaw."

"Ako pa!" Kinabig ko ulit siya palapit at gigil na hinalikan ulit sa labi. "Wala kang magagawa kapag 'di pa ako umuwi." Hinaplos ko ang kanyang batok at malalim naman siyang napabuntong-hininga.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon