Chapter 28

82.2K 2.2K 122
                                    

CHAPTER 28

DALISAY's POV

Nasa elevator pa lang kami ni Danzel ay hindi na namin mapigil ang aming sariling halikan ang isa't-isa. Kung gaano ang pagkasabik niya sa akin ay gayon din ako sa kanya. Hindi pa man kami nakakaakyat sa suite niya ay halos kapusin na ako ng hininga.

“My God, Isay...” Mahigpit niyang gagap ang aking mukha na tila ba ayaw akong pakawalan. ”Can you not kiss me back?”

“Huh?” Kumunot ako at muli na namang bumalik ang aking mga mata sa kanyang mapulang labi.

“You're driving me insane,” gigil pang sabi niya at sa halip na halikan ako ulit ay mahigpit na lang akong niyakap.

Nang tumunog ang elevator sa kanyang floor ay para bang nawala na ang kanyang pagkalasing. Matapos na mai-type ang password at mai-scan ang kanyang palad ay agad namang nagbukas ang pinto.

“Pumasok ka na sa kwarto mo, Isay,” aniya habang iwas ang mga mata. Nagmamadali pa siyang naglakad palapit sa kanyang kwarto.

“Matulog ka nang mahimbing, Babe,” malambing ko pang sabi at bahagya naman siyang bumaling sa akin para ngumiti.

“You too, Isay.”

“Mahal kita, Danzel,” pahabol ko pa at malalim lang siyang humugot nang buntong-hininga.

“Mahal din kita, Isay,” seryoso pang sabi niya at noon na nagsara ng pinto.
Sumandal ako sa likod ng pintuan ng aking kwarto sabay mariing kinagat ang aking labi. Sa totoo lang ay napakahirap na pigilan ang aking sariling halikan siya. Nakikita ko pa lang ang labi niya ay parang gusto ko na siyang sunggaban agad. At alam kong nagpipigil din siya dahil inalagaan niya ako. Mahal ako ni Danzel. Sigurado ako d'un.

Kahit pa halos buong magdamag akong hindi nakatulog ay masiglang-masigla pa rin ang pakiramdam ko. Maaga akong gumising at naligo para ipaggayak nang munting agahan si Danzel bago pumasok sa opisina. Iyon nga lang, mahina talaga siyang kumain sa umaga. Ang gana raw niya ay nasa oras na alas nueve o alas diez nang umaga. 'Yung oras na abala siya sa trabaho.

Bago mag seven o'clock ay lumabas na ng kwarto si Danzel. Agad na nahagip ng mga mata ko ang kanyang yummy abs at hindi ko maiwasang kagatin ang labi ko sa magandang tanawin niyang iyon.

“Good morning, Isay,” nakangiting bati pa niya at sa tantiya ko'y kakatapos lang din niyang maligo dahil sa basa niyang buhok.

“Good morning, Babe.” Matamis akong ngumiti at parang may nagrarambol sa loob ng aking dibdib.

“Ang aga mo yata nagising?” tanong pa niya habang naglalakad nang marahan palapit sa akin.

“Um, may pasok ka, diba?” Tipid akong ngumiti at umiwas na tumingin sa kanyang perpektong abs.

“Hmm, yeah.” Tumangu-tango pa siya at mariing itinikom ang kanyang labi, dahilan para lumitaw ang cute niyang mga biloy sa pisngi.

“May hangover ka?”

“I'm fine. Nakainom na ako ng gamot nitong madaling araw.” Pinisil niya ang aking pisngi habang mariing kagat ang kanyang labi. ”You look so pretty today, Isay.”

Matamis akong ngumiti sa kanyang sinabi at wari ay tumalikod muna para igayak ang kape. Pero ang totoo ay umiiwas lang akong matuksong halikan siya.

“Here.” Noon na ulit ako bumaling sa kanya at kunot-noong napatitig sa card na iniaabot niya sa akin.

“A-ano 'yan?”

“Akala ko ba twenty pesos na lang ang pera mo? Gamitin mo 'to. Buy anything you want, Isay.”

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon