Chapter 12

77.8K 2.5K 291
                                    

CHAPTER 12

DALISAY's POV

May kung ilang araw din akong hindi napagkakatulog dahil sa halik na iyon ni Danzel. At sa tuwing maiisip ko 'yun, halos kumalabog nang husto ang puso ko. Gusto ko na nga rin yata siya. Pero mali. Hindi dapat 'to.

"Hoy Isay, anong plano mo?" nakakunot-noo pang tanong ni Odik.

Pangalawang araw na hindi ako nagtitinda dahil pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap kay Danzel. At kahit pa gawa-gawa ko lang naman ang lahat nang pagpapaka-sweet ko sa kanya ay hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay nahihirapan na ako.

"A-anong plano?" Nagkunwari akong walang iniisip at itinuon ang atensyon sa panonood.

"Hindi ka na naman ba magtitinda?" Nananatiling nakakunot ang kanyang noo habang nakapamaywang paharap sa akin. Kilala niya talaga ako.

"Wala sa mood ang katawan ko, badessa." Saglit akong sumulyap sa kanya at umirap.

"Don't tell me, in love ka na talaga kay pogi?" Mataman pa siyang tumitig sa akin na para bang hinahanap niya ang sagot sa aking mga mata.

"Of course not!" mabilis ko pang tanggi sabay sumimangot. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang mariin at hindi ko alam kung bakit ang bigat sa dibdib ng sagot kong iyon. No, Isay... Hindi ka in love kay Danzel.

"E, ano pang ginagawa mo rito? Dati rati naman nagta-trabaho ka kahit pa yata naghihingalo ka na sa sakit?" Nagtaas siya ng kilay at tila ba sinusuri ako nang husto.

"Fine! Magtitinda na nga, o!" Padabog pa akong tumayo at inayos ang aking sarili sa harap ng salamin.

"In love ka, Isay. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin," matigas pang sabi ni Odik at repleksyon ko naman ang tinitigan niya sa salamin. "Sabi ko na nga ba, e, may nakita akong kakaiba sa'yo n'ung hinalikan ka ni Danz sa birthday ni Rosel. May something." Humalukipkip siya habang titig na titig pa rin sa akin at pinaglalaruan ng daliri niya ang kanyang labi.

"Kung anu-ano 'yang naiisip mo," inis pang sabi ko at agad na tumalikod.

"Lokohin mong lelang mo," halos pabulong pang sabi niya pero nagkunwari akong hindi ko narinig. Kung may isang tao mang higit na nakakakilala sa akin, si Odik 'yun. Pero hindi ko magawang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi puwedeng dito na lang matapos ang lahat. Aish, Isay! Ano ba talagang nangyayari?!

Nang makatapak na ulit ang mga paa ko sa building ng mga Montenegro ay magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Pero nand'un din ang pagkagusto kong makaalis na doon kaagad. Pakiramdam ko ay naiwala ko ang makapal na mukhang Isay na palaging ibinabalandra ang matinding pagkagusto kay Danzel.

"Isay, hinahanap ka ni Sir Danzel," nakangiting sabi pa sa akin ni Janella matapos na makapagbayad sa ulam niya.

"Huh, e, kasi natatae ako Ms. Janella. Kailangan ko na umuwi! Next time na lang kamo. Promise!" Hinawakan ko ang aking tiyan at nagkunwaring masakit na talaga.

"Huh? Maayos naman ang cr d'yan. Gumamit ka na!" natatawang suhestiyon pa niya at itinuro ang comfort room.

"Naku, hindi na. Sa bahay na lang! Salamat!" Nagmamadali pa akong tumalikod bitbit ang aking basket at ayoko nang isipin niyang nagpapalusot ako. Nang makasakay ako sa elevator ay noon na lang ako nakahinga nang maluwag. Ganito na lang ba ang gagawin ko palagi para makaiwas? Ano ba talaga, Isay?!

Nang tumunog ang elevator sa ground floor ay halos tumalon ang puso ko nang mabungaran ko ang gwapong mukha ni Danzel na matamang nakatitig sa akin.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon