Chapter 5

82.5K 2.2K 53
                                    


CHAPTER 5

DANZEL ERSHAD's POV

Now, this is weird. I think Isay was not really that bad. Noong nasa karera ako kanina, sa totoo lang ay hindi ko maiwasan ang mapangiti sa sobrang lakas niyang tumili. Sa tingin ko nga ay mas lalo akong ginanahan sa kabila nang init ng araw.

At kahit na medyo nakakagulat pa rin ang ilang kilos niya lalo pa kanina n'ung pinunasan niya ang pawis sa aking mukha, I think it's kinda sweet. Hindi ko kasi naranasan ang ganoong pag-aalaga kahit sa mga naging previous girlfriends ko. Ngayon ko na lang naisip na nakakamiss din pala ang makipag-relasyon. Pero sa dami man ng mga casual flings ko, parang wala naman akong makitang girlfriend material. Fvck! Bakit ba ngayon ko pa naiisip ang mag-girlfriend?

Nilakasan ko ang shower at maraming beses akong umiling-iling. No. Now isn't the right time for girlfriend, Danz. Jeez...

Matapos kong makapag-shower ay agad na rin akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Isay. Hindi rin naman ako comfortable na pinaghihintay ang isang babae. May kalokohan man ako sa katawan, I am still a complete gentleman.

Sa stadium ng mga Greene's ay iilan lang din kaming mapapalad ang may sariling kwarto. Montenegro's and Greene's Family are very good friends in business. Kaya naman may ganito ring privileges na ibinibigay ang aming pamilya sa kanila. Though hindi man kami naging magkabarkada ni Tyrone, sa race ay magkasundo kaming dalawa.

Naabutan kong nakaupo si Isay sa may reception at maluwag naman siyang napangiti nang makita na ako.

"Merienda muna tayo bago kita ihatid?"

"Naku, hindi na po, Sir Danzel. Okay lang po. Baka po gusto pa ninyong maka-bonding mga kasama mo sa karera, okay lang po talaga akong umuwi mag-isa."

"No, I'm free na. Baka ikaw ang may ibang lakad?"

"W-wala naman po. Pupuntahan ko lang si Nana Claring para ibigay ang pinagbentahan."

"Well then, let's go." Sinulyapan ko ang wallclock at halos mag alas tres pa lang. "Maaga pa naman."

"Naku, nakakahiya naman..." Tila pigil pang ngiti niya at hindi ko matantiya kung kinikilig ba siya o pinipilit lang niyang kiligin? I really didn't know.

"No, it's all right, Isay. Let's go?"

"Sige na nga." Marahan pa siyang tumango at tipid na ngumiti. Pagkalabas namin ay nakagayak na ang aking Harley Davidson at agad naman ding inabot ng parking valet attendant ang aking susi.

"Isuot mo ulit ito, Isay." Ikinadkad ko ang jacket at muli ko iyong ipinasuot sa kanya.

Mabilis naman din siyang sumunod at helmet naman niya ang sunod kong isinuot. Hindi man katangkarang babae si Isay ay halatang may maganda rin siyang katawan. At 'yun ang natural na ganda na kahit pa hindi alaga ng exercise sa gym.

Matapos ko siyang maiayos ay agad ko na ring isinuot ang helmet ko at nanguna na sa pagsakay sa motor. Yumakap siya sa akin at tipid lang akong ngumiti sa kanya sa front mirror bago tuluyang paarangkadahin ang motor sa highway.

Hindi naman din kalayuan ang bahay ni Nana Claring. May kung ilang beses ko na nga siyang naihatid noon. Hindi na rin siya naiiba sa akin at kung gaano katanda ang aming negosyo ay halos gan'un din siya.

Masyadong makikipot at masukal ang daan patungo sa tirahan ni Nana Claring at tamang-tama ang aking motor d'un.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa aming pakay na bahay at agad naming natanawan si Nana Claring sa ilalim nang maliit na punong mangga at abalang naghihiwa ng mga rekados para sa kanyang ititindang ulam.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon