Chapter 14

76.6K 2.5K 228
                                    

CHAPTER 14

DANZEL ERSHAD's POV

It's been hell of a week. Sobrang toxic na naman sa work at dumagdag pa ang nararamdaman ko para kay Isay. I was trying to divert my attention to other woman because I would never want to hurt an innocent woman like her. But fuck! Why her lips was so addicting?!

Nang makita ko siyang kasama ulit 'yung lalaking nakita ko noon sa birthday ni Mayor, I have to admit that I get a little jealous. Akala ko kasi ako lang talaga ang espesyal sa paningin niya. But maybe I was wrong. Hindi lang talaga ako sanay na may tinitingnan siyang iba.

"Aba, Isay. Ang dalas mo namang may bodyguard ngayon," nanunukso pang sabi ni Isabel ng HR. Kasalukuyan silang kumukuha ng ulam kay Isay. Malapit lang ako sa kinalalagyan nila pero nakakubli ako kaya't hindi nila nakikita.

"Ang kulit kasi nitong si Harold," nangingiting sabi pa niya at tinapunan nang ngiti ang kanyang kaibigan. Hopefully.

"Bawal sa magandang katulad mo, Isay, ang nag-iisa," malambing pang sabi n'ung Harold and I almost rolled my eyes. Jeez...

"Hala! Hala! Paano na si 'ano', Isay?" Si Janella na nakigulo na rin sa mga tindang ulam.

"May girlfriend na, e. Talo na." Ngumuso pa siya at hindi ko matantiya kung nalulungkot ba talaga siya.

"Sino 'yan, Isay? 'Di ko yata alam 'yan?" sita pa n'ung Harold. Jealousy was all over his fucking face.

"Wala!" maagap pang sagot ni Isay sabay irap. Wala pala, huh?

"Um, excuse me? Is Danzel around?" Shit. Si Kylie.

"Ms. Kylie, good morning po." Si Janella na bahagya pang napalingon sa opisina ko. "May appointment po ba kayo sa kanya ngayon?"

"Do you think I need an appointment?" Nagtaas siya ng kilay at medyo mataray ang dating. Kakaiba talaga ang babaeng 'to kapag ako ang kaharap, akala mo mabait na tupa.

"Bilin po kasi ni Sir Danzel," alanganin pang sagot ni Janella kaya't lumabas na rin ako at naglakad patungo sa kanila.

"There you are!" nakangiting salubong pa ni Kylie at walang pasubaling hinalikan ako sa labi. "My God, I missed you." Hinaplos niya ang aking pisngi at agad na nahagip ng mga mata ko si Isay na napatanga lang sa amin.

"What are you doing here?" kaswal na tanong ko at bahagyang kumalas sa hawak niya. I just had a date with her once. Pero binabakuran na ako hindi pa man.

"Lunch naman tayo together," malambing pang sabi niya.

"I can't. I'm busy." Pasimple kong sinulyapan si Isay na nakatitig pala sa akin pero agad ding nagbaba nang tingin.

"Kahit sandali lang ayaw mo ba?" tila nagtatampo pang sabi niya at napabuga lang ako nang hangin.

Nakamata sa akin ang mga empleyado at wala akong nagawa kung 'di ang hilahin siya papasok ng opisina.

Hindi ko na nakita pa ang reaction ni Isay but a part of me really missed her.

Pagpasok namin ni Kylie sa opisina ay agad niyang ipinulupot ang mga kamay niya sa leeg ko at mariin akong hinalikan. I am not really in the mood for casual sex lately.

"Hey..." Bahagya ko siyang itinulak at gumuhit ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "I am not in the mood. You should go home now," pagtataboy ko pa.

"Oh, c'mon," irita pang sabi niya. "We just made out in your car the other day. I can give you a head if you want, Danz."

Bumuntong-hininga ako at bahagyang umiling.

"I am not really in the mood for anything, Kylie. Can you please leave?" Kumunot ako at inis siyang tumitig sa akin.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon