Chapter 23

74.8K 2.2K 87
                                    

CHAPTER 23

DANZEL ERSHAD's POV

I think it's about 8:30 in the evening when we got home. Hindi ko halos namalayan ang oras at sa tantiya ko ay maikli pa nga 'yon. I love to see her happy. I don't ever want to see her sad and frightened face again.

"Did you have a good time, Isay?" Mataman ko pa siyang tinitigan habang nakayapak na naglalakad palapit sa akin.

Kakatapos lang naming magshower at balak ko sanang mag 'good night' na sa kanya. Naiayos na rin kasi namin ang kwartong tutuluyan niya.

"Sobra. Exciting manood sa 3D."

"Mayroon kami sa mansion. Rosel loves watching. May collection siya ng 3D movies."

"Ang suwerte naman. Ang sarap kaya manood," nakangiting sabi pa niya. I hope na hindi na niya maisip pa ang nangyari kagabi.

"Hmm, let's call the night off. I'm really tired."

"Sige," tatangu-tango pa niyang sagot. "Salamat sa mga pinamili mo sa akin ha," nahihiyang sabi pa niya.

"Wala 'yun, Isay. Sleep well."

"Ikaw din, Babe." Tipid pa siyang ngumiti at noon na naglakad paatras. "Good night."

"Good night, Isay."

Nang nasa tapat na siya ng pinto ay tsaka ako pumasok sa aking kwarto. Sinadya kong bahagyang iawang ang pinto at gusto kong masiguro na magiging maayos ang kanyang pagtulog.

~~

I think it's about past midnight nang makarinig ako nang ingay mula sa kwarto ni Isay. Napabalikwas ako nang bangon dahil kung hindi ako nagkakamali ay parang iyak yata 'yun. Dali-dali akong pumunta sa katabing kwarto at mula sa labas ay dinig ko ang malakas niyang pag-iyak at pagsasalita. Is she dreaming?

"Isay!" Kumatok ako at ayoko namang pumasok na lang basta. Pero nang walang reaction ay agad kong binuksan iyon at malakas na sigaw agad ni Isay ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko ang mukha niyang basang-basa ng luha. Mariin pa rin siyang nakapikit at para ngang nananaginip!

"'Wag po! 'Wag po!" malakas na sigaw pa niya at agad ko siyang nilapitan sa kama. Naupo ako sa kanyang tabi at noon ko napagtantong tulog pa talaga siya.

"Isay, wake up!" Hinaplos ko ang kanyang mukha at bahagyang niyugyog ang kanyang balikat. "Isay, wake up!"

"D-danzel?" Humihikbing dumilat siya at umiiyak na bumangon sabay yakap sa akin.

"Hey, you'll be okay..." Hinimas ko ang kanyang likod at nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak. "You're safe here with me. Stop crying."

Noon na siya humiwalay sa akin at mariin niyang kagat ang kanyang labi habang patuloy sa pag-iyak.

"I am planning to file a case against that asshole, Isay." Hindi ko na naman maiwasang magalit lalo pa nga't nakikita ko siyang umiiyak.

"Danzel, hindi..." Mabilis pa siyang umiling at hindi ko yata siya maintindihan.

"He almost raped you, Isay! Paano kung wala ako d'un?!" Nanigas ang aking panga at sa tuwing maaalala ko ang mukha ng gagong matandang 'yun, ay nawawala din ako sa sarili.

"Pangalawang pamilya ko na s-sila..." Hinaplos niya ang aking braso at 'di ko pa rin mapigil ang galit.

"He didn't treat you like family, Isay. Can't you see that?" Kumunot ako at matamang tinitigan ang kanyang mukha.

"Pero m-mahal ko si O-odik, Danzel. Mahal niya ang t-tatay niya," iiling-iling pa niyang sabi na tila nagmamakaawa. I can't believe this.

"After what he did to you, you can still forgive him?"

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon