Chapter 8.1.2

75K 2.1K 132
                                    

CHAPTER 8.1.2

CHAPTER 8

DALISAY's POV

Nagmamadali ako sa paggayak dahil halos makalimutan ko na may charity work nga pala akong pupuntahan ngayong araw. Volunteer lang din ako na mag-aasikaso sa mga batang papakainin sa basketball court. Kung sabihin kasi ni Odik ay pa-birthday daw iyon ni Mayor. At kahit pa walang bayad, madalas talaga akong mag-volunteer sa ganoong mga gawain. Alam ko kasi kung paano ang maging mahirap. Alam ko ang pakiramdam ng mga batang lumaki sa hirap. At kahit na sa maliit kong paraan ay magawa ko man lang makatulong sa iba. Iyon din kasi ang iminulat sa akin ni Tatay noong siya'y nabubuhay pa. At dahil sa alalahanin na 'yun ay hindi ko na naman naiwasan ang malungkot. Kung sana nabubuhay lang si Tatay...

"Hoy, Isay, ipag-uwi mo ako nang sobra, ha!" mahigpit na bilin pa ng bakla.

"Hindi gan'un katapang ang mukha ko, Odik. Tantanan mo nga ako!" Umirap ako at ipinusod ang basa ko pang buhok. Sobrang maalinsangan ang panahon at paniguradong maliligo ako ng pawis sa court.

"Sus! Magdala ka ng supot!" Umirap pa siya at umiling lang ako. Hindi ko naman kasi gawaing mag-uwi ng pagkain maliban na lang kung may sumosobra.

"Ayoko," matigas na sagot ko pa. "Tulungan na lang kita mamaya, ha."

"Ang tiyaga mo. Wala ka namang suweldo." Ngumuso siya at namaywang sa harap ko. "Ano bang mapapala mo sa ganyan?"

"Masaya ako sa ginagawa ko, Odik," seryosong sagot ko at matamang tinitigan ang sarili ko sa salamin. Isang simpleng baby t-shirt at shorts lang ang suot ko dahil ito lang ang preskong isuot sa ganitong kainit na panahon.

"Wala kang mapapala sa ganyan, Isay. Binabaril lang sa Luneta ang mga katulad mo," nakaismid pang sabi niya pero hindi ko na lang pinansin. Sa tuwing mag-volunteer kasi ako sa ganitong gawain ay palagi niya akong kinokontra. Lalagpas daw ako sa langit sa mga ginagawa ko. Sanay na nga yata ako sa ganoong mga salita niya.

"Mauna na ako. Mamaya na lang, okay?" Tinapik ko siya sa balikat at mabilis na bumaba sa unang palapag.

Agad kong nabungaran sa may sofa ang Tatay ni Odik na mukhang lango na naman sa alak.

"Tatay, punta lang po ako sa court," paalam ko pa pero ang kanyang mga mata ay sa hita ko nakatuon.

"Ang g-gandang b-bata mo, Isay. May boyfriend ka na b-ba?" Noon lang siya nag-angat nang tingin at sobrang pula ng kanyang mukha.

"Wala po." Umiling ako at mabilis na naglakad palapit sa pinto. Nahagip ng mga mata ko ang kanyang mga matang nakatitig pa rin sa legs ko. Masyadong nakakatakot ang Tatay ni Odik nitong nakakaraan. Pero hindi ko naman 'yun masabi dahil malaki pa rin ang utang na loob ko sa pagkupkop nilang mag-ama sa akin. "Babalik na lang po ako mamaya." Nagmamadali pa akong lumabas at halos dumagundong nang husto ang dibdib ko sa kaba.

May kakaiba sa mga titig niya at d'un ako natatakot. Ayoko sanang isipin, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Lango sa alak at droga si Tatay Estong sa araw-araw. At ang ekspresyon ng kanyang mukha ay naghahatid nang kilabot sa buong sistema ko.

Halos veinte minutos ko rin nilakad ang patungong court. Pagdating ko ay nagkakagulo na ang mga batang galing lang din sa iskwater na tinipon ng mga barangay tanod. Nang makakita ako nang kakilala ay agad din akong lumapit at tumulong sa pagre-repack ng mga pagkain.

Nahagip ng mga mata ko ang tarpaulin na nakadisplay 'di kalayuan at nakalagay doon ang mukha ni Mayor.

"Akala ko hindi ka na makakarating, Isay," nakangiting bati pa ni Vernida. Kapitbahay ko siya dati sa iskwater na inalisan namin ni Odik. Tulad ko ay madalas din siyang laman ng mga ganitong gawain. Natural na talaga sa kanya ang pagiging mabait at matulungin.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon