Chapter 35

69K 1.8K 70
                                    

CHAPTER 35

DALISAY's POV

Nanghihinayang ako na hindi namin nakasama ni Ken si Rosel. Hindi ko naman din akalain na bawal pala talaga sa edad niya 'yung movie. Akalain ko bang adult movie ang Fifty Shades of Grey. Hindi ko naman nabasa 'yun at wala naman din akong panahon para d'un. Sa loob nang mahabang panahon ay halos tatlong beses pa lang ako nakakapanood sa sine. Balak ko sanang hindi na lang din manood kaso naman ay ipinilit pa rin ni Rosel na tumuloy na kami ni Ken. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam nang pagka-ilang kapag intimate na masyado ang mga scenes. Parang mabubulag yata ako.

"Na-enjoy mo, Isay?" nakangiting tanong pa ni Ken habang papalabas kami ng sinehan. Naramdaman ko ang paghawak niya sa mababang bahagi ng aking likod dahil na nga rin sa dami ng mga taong nanood.

"Oo naman. Ang gwapo kasi ni Christian Grey," nakangiting sagot ko pa at kahit pa vibes kaming dalawa ay weird pa rin ang pakiramdam na manood nang gan'un na siya ang kasama. Kung si Danzel kaya maiilang pa rin ako?

Nang makalabas kami sa sinehan ay gayon na lang ang gulat ko nang biglang sumalubong sa akin si Danzel kasama si Rosel. Kunot ang kanyang noo at parang bad trip yata.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" alanganing tanong ko pa at parang nakita kong nagbaba siya nang tingin sa aking baywang. Shit! Ang kamay ni Ken! Napatikhim siya at malalim na napahugot nang buntong-hininga.

"I am here to fetch you, Isay," seryosong sagot lang niya at nagmamadali namang lumapit sa amin si Rosel.

"Ate, kamusta 'yung movie? Maganda ba?" excited pang tanong ni Rosel pero ang nakasimangot na mukha pa rin ni Danzel ang binabalikan ng aking mga mata.

"Oo, maganda. Nakaka-inlove," sagot ko rin naman at panaka-naka pa rin akong napapatingin kay Danzel na nakatingin na lang kung saan.

"Nakakainis naman kasi! Ang tagal ko hinintay ang movie na 'yan! Nakakainis talaga!" maktol pa ni Rosel at pasimple ring inginuso ang kuya niya. "Nagseselos," nakangisi pang bulong ni Rosel at saglit lang napabaling nang tingin sa kanya si Danzel para samaan nang tingin.

"Sana makasama ka na talaga namin sa susunod, Rosel," si Ken na noon na lang nagsalita.

"Oo nga. Pasensya na kayo."

"Okay lang, Rosel. Masarap kasama si Isay," sabi pa ni Ken at parang gusto ko siyang kutusan sa noo ngayon.

Nag-igting ang panga ni Danzel at mukha ngang selos na selos. Kaya naman para pahupain ang kanyang inis ay mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanyang baywang.

"Hi, Babe," masiglang bati ko pa at tiningala ang kanyang gwapong mukha.

Gulat naman niyang ibinaba ang tingin sa akin pero agad naman ding nag-iwas.

"Uy, galit ka ba?" alalang tanong ko pa. Malalim lang siyang napabuntong-hininga.

"We should go home," seryosong sagot niya sabay dukot sa kanyang bulsa. Nagpipindot siya sa kanyang cellphone at itinapat iyon sa kanyang tainga. "Makisalubong na si Rosel," maikling aniya sabay suksok ulit ng cellphone sa bulsa.

"Sabay ka na lang sa akin, Kuya Ken," kayag pa ni Rosel kay Ken na nakatitig pala sa amin ni Danzel.

"Okay lang ba?" alanganin pang sabi ni Ken sabay napakamot ng ulo.

"Oo naman," ngiting-ngiting sagot naman ni Rosel sabay lapit sa kuya niyang nakasimangot pa rin. "Kuya, ang drama mo," pabulong pa niyang sabi pero narinig ko naman.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon