Chapter 30

71.9K 1.9K 65
                                    

CHAPTER 30

DALISAY's POV

Lumakad kami ni Danzel kasama ng kanyang mga empleyado alas cinco nang madaling araw. Sa isang private resort sa Zambales na pag-aari din ng pamilya niya kami papunta.

Ako lang ang nakasabay sa kanyang sasakyan at ang iba naman ay sa shuttle bus. Kung hindi ako nagkakamali ay pitong shuttle bus yata 'yun at ang ibang may matataas na posisyon ay may dala ring mga sasakyan. Marami pa nga raw ang hindi pa nakasama sa iba't-ibang kadahilanan.

Wala akong ikinukuwento sa kanya tungkol sa pagkikita namin ni tatay Estong. Pero hindi ko pa rin maiwasang maapektuhan sa tuwing maiisip ko 'yun.

"Hey, are you okay?" alalang tanong pa ni Danzel habang nagmamaneho. Mukhang malapit na rin kami sa resort nila.

"Huh?" Napamaang ako at hindi ko alam na natutulala pala ako.

"You seemed occupied since last night. May problema ka ba?" Bahagya pa niya akong dinungaw bago ulit ibalik ang tingin sa daan.

"W-wala... M-masakit lang ang puson ko," pagdadahilan ko pa at mariin ko lang kinagat ang labi ko.

"Monthly period?" Bahagya pa siyang kumunot habang nakatingin sa front mirror at marahan lang akong tumango. "Hindi ka pala makakapag-swimming n'yan?"

"Puwede naman. Diretso tambog sa tubig lang. Walang alisan." Pinilit ko pang magpatawa pero parang hilaw ang dating. Mabuti na lang at hindi niya iyon napuna.

"Wala bang gamot para d'yan?"

"Mayroon naman pero hindi yata ako hiyang kasi humihinto," sagot ko naman at ibig kong mahiya dahil menstruation ko pa talaga ang topic namin.

"Same kayo ni Rosel," tipid na sabi pa niya at noon ko na lang napansin na papasok na pala kami sa resort. "We're here."

Agad pa siyang pumarada sa pinakaharap ng lobby at sumalubong kaagad sa amin ang ilang empleyado na naka-hawaian uniform lahat.

"Welcome po, Sir," bati pa nang magandang babae na tamang nakabulaklaking blouse pero kita ang panloob. Ang sexy!

"Thanks, Ms. Ariel," pormal namang sagot ni Danzel at sinenyasan akong lumapit sa kanya."Kasunod na namin ang ibang sasakyan. Paki-assist sila sa kanilang rooms."

"Opo, Sir." Tumango pa siya at pahapyaw pa akong tiningnan. "One room lang po kayo, Sir?" alanganin pang tanong niya at ibig ko yatang magtaas ng kilay.

"Yes, girlfriend ko," walang interes naman niyang sagot.

"Dito po tayo sa reception area." Nagpatiuna na siyang maglakad sa amin at halos lahat ng empleyadong nadaanan namin ay binabati si Danzel.

Agad naman ding iniabot sa amin 'yung card key at sasamahan pa sana kami papunta sa kwarto nang pigilan siya ni Danzel.

"I can take it from here, Ms. Ariel. Pakipasunod na lang ang mga gamit namin sa kwarto."

"Sige po, Sir," tipid naman siyang ngumiti at pasimple na naman akong pinasadahan nang tingin.

Hinawakan ako ni Danzel sa baywang habang naglalakad palapit sa elevator. Sa hitsura palang n'ung lugar ay hindi na maikakaila ang karangyaan. Wala pa ako sa sariling pinagmasdan ang sobrang kintab na sahig at tiningnan ang gwapong repleksyon doon ni Danzel. Pigil akong napangiti dahil hindi nakakasawang pagmasdan ang kanyang kagwapuhan.

Pagsakay namin sa elevator ay pinindot niya ang 5th floor.

"Old family business ang resort na 'to. As far as I can remember, dito rin nagsimula ang negosyo ng mga Montenegro," maikling kwento pa niya habang nakatingin sa numerong inaakyatan ng elevator.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon