Beginning

168K 2.8K 244
                                    

Date Posted: October 10, 2015

Dear readers,

'Yung totoo, nakatipusan ko lang i-post 'to hahaha! As in na-excite lang ako bigla. Hahaha! Pero 15 parts pa rin ang natitira sa #TAC so, tapusin ko muna ang napakahabang story ni ace. Ang mga susunod kong story, mga 'di na kahabaan. Last na 'to sa pinakamahahaba kong story.  Para sa ekonomiya! Toinks! Hope marami rin ang makapagbasa nito. So, patikim lang 'to. Sana naman e magcocomment kayo para pampagana hahaha! Mas masarap magbasa comment dito kaysa inbox. Support n'yo si ace all the way pati na rin lahat mga stories ko. God bless you.

❤❤❤
Ate mommy dean

*********

BEGINNING

DALISAY's POV

"Gagawin kitang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, Isay!" nakangisi pang sabi ni Odik. Lalaking-lalaki ang palayaw pero pusong babae. Binunutan niya ako ng kilay at ngayon naman ay kinukulayan niya ang aking buhok.

"Puwede bang pangalan ko na lang ang baguhin natin?" Umismid ako at tiningnan ang repleksyon ng aking mukha sa salamin. Kasalukuyan kaming nasa parlor niya at isinasagawa ang proyekto daw niya. At ako na nga 'yun.

"My gosh, Isay. What's wrong with Dalisay Capekpek?" natatawa pang sabi niya. "Sobrang kakaiba ka nga! Pangalan mo pa lang matatandaan na agad ni Danzel!"

"Aish! Nakakahiya ang apelyido ko! Kung bakit kasi sa dinami-dami ng apelyido bakit iyon pa kasi ang napunta kay tatay?"

"Pero imagine, Isay. Kung Cabetlog ang apelyido ng tatay mo, swak na swak, diba? Pero sa anak na babae tulad mo, Dalisay Cabetlog? Pangit pa rin. Kaya tama na 'yang Capekpek," seryoso pang sabi niya at gusto ko yata siyang ingudngod sa semento ngayon.

"Ang sama mo..." Sinamaan ko siya nang tingin at nagpeace sign naman siya.

"Wala na tayong magagawa sa pangalan mo, Isay. Kailangan mo nang tanggapin ang realidad na 'yan. Di na natin mababago 'yan. At least sa mukha mo mayroon." Umirap siya at binuklat-buklat ang aking buhok. "Kapag pumasok ka sa building ng Montenegro, mahirap na ring gumamit ka ng ibang pangalan. Mamaya ay hingan ka ng birth certificate pagpasok mo! Mag-isip ka nga!" Namaywang siya at ngumuso habang pinapasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

"Taga-deliver lang naman ako ng lunch doon!"

"Maski na!" Hinila niya ako sa papunta sink at pinayuko para banlawan ang aking buhok. Agad na nanindig ang aking balahibo nang maramdaman ang lamig ng tubig. "Montenegro building pa rin iyon, Isay. Mainam na presentable ka. At tsaka paanong mapapansin ni Danzel ang kagandahan mo kung 'di ka mage-effort."

"Natural akong maganda, badessa (baklang umaarteng prinsesa)," sabi ko habang nakayuko pa rin.

"I know. Pero mahirap ka. Kahit gaano ka pa kaganda, hindi ka mapapansin ni Danzel. Kaya kailangan pa rin ang mag-effort!"

"Paano kung hindi ako pansinin n'un?"

"Hindi ka naman papayag na hindi pansinin diba?" Nagtaas siya ng kilay at marahan lang akong napatango.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at ninamnam ang lamig ng tubig sa aking ulo. Hindi naman nagtagal ay natapos din kami at ibinalot niya sa tuwalya ang basa kong buhok.

"Shit naman bakla! Bakit blonde ang kulay?!" Gulat pa akong napatitig sa salamin dahil parang ibang tao na ang nasa aking harapan!

"Ganders (maganda) kaya!" natatawa pang sabi niya habang panay pa rin ang punas sa buhok ko! Aish! Bakla!

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon