Chapter 10.2.2

79.4K 2.2K 147
                                    

CHAPTER 10.2.2

DANZEL ERSHAD's POV

"Ano nga 'yung naabutan kong ginagawa ninyo, ha?" pilyang sabi pa niya at mabilis na namula ang pisngi ni Isay. Nag-iwas ako nang tingin at ako mismo ang nahihiya sa mga pinaggagagawa niya.

"Ay nako, Kuya!" Ngumuso pa siya at inginuso si Isay. "Kini-kiss mo nga si Ate Isay kanina." We did what? Dinilatan niya ako na para bang sinasabing kailangan kong sakyan ang drama niya. "Ayaw mo paawat! Kilig na kilig ka pa nga, 'wag nga!"

"Rosel!" Pinagbantaan ko siya sa tingin pero parang wala lang sa kanya. Pinagdaop niya ang mga palad namin ni Isay at wala kaming ibang nagawa kung 'di sumunod sa gusto niya.

Bumalik siya sa kinatatayuan ni Patty na hindi pa rin makapaniwala at parang gusto nang maiyak sa pagkakatitig sa amin.

"Sige na, alis na kami ni Ate Patty. Kiss mo muna si Ate Isay." Nakakaloko pa siyang ngumiti at sa totoo lang ay gusto ko na siyang kalbuhin ngayon.

"Go home, kiddo."

"Kiss muna, Kuya. Ang cute n'yo kaya!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata at alam kong wala siyang balak na lubayan ako.

"Isay..." bulong ko pa kay Isay na mapula pa sa kamatis. Damn!

"'Wag muna French kiss, ha," biro pa niya at hindi ko naiwasang mangiti. Puro kalokohan rin talaga.

"Kiss mo na, Kuya."

"Pag-alis n'yo na, kiddo," palusot ko pa pero nananatili silang nakatayo at para bang hinihintay talaga ang gagawin ko.

"Oo nga," bigla ay nagsalita si Patty. "Girlfriend mo, diba?" Nagtaas siya ng kilay na para bang naghahamon! Fuck!

"Oo naman!" Matigas pang sagot naman ni Isay at bahagyang umismid. "Kiss mo na kasi ako!" pabulong pang sabi niya at gusto kong matawa nang malakas!

"Pabor ba sa'yo 'to, Isay?" biro ko pa at kahit namumula ay tumango naman siya.

"Sarap pakinggan n'ung girlfriend," sabi pa niya at napailing lang ako. Ibang klase!

"Kuya?" pukaw pa ni Rosel na abot-tainga na ang ngiti! Nakakuha pa nang laruan ang batang 'to!

"Yeah, right." Iiling-iling akong yumuko at hinalikan sa pisngi si Isay.

Rosel rolled her eyes and I knew that she's not giving this up!

"Pa-virgin ka, Kuya!" Ngumuso siya habang nagdidilim naman ang mukha ni Patty.

"Ganito kasi!" Mabilis na lumapit sa akin si Isay at tumingkayad para hilahin ang mukha ko palapit sa kanya sabay mariin akong hinalikan sa labi! "Pa-virgin ka naman nga kasi!" pabirong sabi pa niya pero ramdam ko ang malamig niyang mga kamay sa aking mukha.

"I really like her, Kuya." Malakas pang humalakhak si Rosel at hinila palabas ng pinto si Patty.

"Rosel, kasi..." Si Patty na para bang alanganin pang sumama.

"May lunchdate pa 'yang dalawang 'yan. Samahan mo na lang akong maglunch, Ate Pats. Boring mag-isa," sabi pa nang ayaw magpaawat na si Rosel at walang nagawa si Patty kung 'di ang sumunod.

Tanging kaway na lang ang naging paalam niya at nang tuluyan na kaming mapag-iwanan ni Isay, ay parang parehas na naming nakalimutang magsalita.

********

DALISAY's POV

Panay pa rin ang kalabog ng puso ko at hindi ko alam kung bakit gusto ko ang ginawa kong paghalik kay Danzel. Nananatili siyang tahimik na para bang tinatantiya rin ako.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon